Madison's POV
"Ang aga natin ngayon ah" natatawang sabi ni Austin nang lumabas siya sa bahay.
Nandito ako ngayon sa labas nag-aayos ng gamit ko sa sasakyan.
"Lilibot kasi muna kami ng Baby Ferrari ko eh" sagot ko at sinarado na ang pinto sa passenger seat.
Ngumiti naman siya. "Sama ako"
Tumawa ako. "Sigurado ka?"
Lumabas naman agad sina Blake, Damond at Chase.
"Oy oy oy punta na kayo sa school? Makikisakay ako ah?" Tuwang sabi ni Blake at napatingin sa akin. "Wow himala Dee ang aga mo ngayon ah HAHA! Yah! Si Mickey ba ang gagamitin mong sasakyan?"
Kumunot ang noo ko. "Mickey?"
Tinuro niya ang Baby Ferrari ko. "Yang sasakyan mo hehe"
"Ha? Bakit Mickey?" Tanong naman ni Chase.
"Eh yun naman ang tawag ko sa mga sasakyan ni Dee mula noon. Itong ferrari ay si Mickey, yung baby Lambo niya ay si Donald at yung Mercedes Benz na bagong bili lang niya ay si Goofy. Oh diba I'm sooo smart!"
Nagmake face naman si Damond. "So you're telling me na sa lahat I mean lahat ng sasakyan ni Dee pinangalanan mo?"
Umiling agad si Blake. "Hindi 'no. Yung mga paborito lang naman ni Madison ang binigyan ko ng pangalan"
"Oh! Hi mga Momshie ang aaga niyo ha? Especially you Madison, why so early?"
Napatingin kami sa doorway at nakita sina Mackenzie, Marissa at Enzo.
Inihilamos ko agad ang mga kamay ko sa mukha. "Seryoso? Kailangan talaga pag labas niyo ang unang sasabihin ay ba't ang aga kong gumising? Hindi pwedeng good morning muna?" Inis kong sambit.
Natawa si Ken. "Oh edi Good Morning Madison. Ba't ang aga mo?"
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "P*tang*na niyo. P*tang*na" asar kong sagot at nagmadaling sumakay sa sasakyan sa driver's seat. Sumunod naman agad sina Chase at Blake. Si Chase sa tabi ko at si Blake sa likod.
"Ililibot lang daw muna niya ang Baby Ferrari niya" natatawang sabi ni Austin at binuksan ang pintuan sa backseat.
Kumatok si Enzo sa window ko kaya binaba ko iyon. "Hindi ako sasabay. Susunduin ko pa yung Babe ko sa kabilang street"
"Hindi din ako sasabay magdadala ako ng sasakyan kasi pupunta ako sa gym mamaya" sabat naman ni Damond.
"Kita na lang tayo doon sa Parking Lot pa rin"
"Yes yes byeee Deee"
Tumango ako habang hindi pa rin sila tinitingnan at sinarado iyon agad agad at pinaharurut ng sobrang bilis ang sasakyan ko.
Ilang minuto muna ang lumipas at nagsimula na agad ang sigawan nila."PAKENENG SHIT DEE TIME OUT MUNA! P*TA!"
"MADISON GUSTO KO PANG MABUHAY!"
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Teen Fiction"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."