Mackenzie's POV
Nakarating na kami sa Hotel kung saan iheheld ang party. And in fairness ha, ang bongga.Escort ko papasok si Chase habang kay Marissa naman si Blake. Sina Damond at Enzo naman ay nakasunod lang sa amin. Si Austin ayun, hindi ko alam kung nasaan na. May sarili kasi siyang sasakyan na dala, ganun din si Madison.
Well hindi na ako magtataka kung nasaan man si Madison. Knowing her, ayaw na ayaw niya kapag maaga siya baka daw kasi makatulog lang siya.
All eyes were on us habang naglalakad kami sa gitna ng hall.
Aba syempre ang gwapo ng mga kasama ko at ang ganda ganda namin ni Marissa, kaya dapat lang.
Sa gitnang parte ng hall nakita ko si Lola nakaupo sa isang malaking table kasama ang ibang businessman na hindi ko pa nakikilala.
"Hi Lola we're here na" bati ni Marissa nang makalapit kami.
Napatingin naman agad sa amin si Lola, pati na din ang mga kasama niya.
"Oh mga apo! I'm glad you're all here!" Tumayo siya at hinawakan sa balikat si Marissa. "Mr. Choi, Mr. Turner, Mr. Park and Mr. Trey. These are my grandchildren. This is Marissa, this is Mackenzie, Chase, Blake, Damond and Enzo. Oh wait... where's Madison and.......Austin?" Nagtatakang tanong ni Lola.
"Uh, lola... Si Madison uh.. as usual late na naman 'yon, knowing her ayaw niyang maaga siya. While Austin... Austin is...." napatingin naman ako agad sa mga pinsan ko para humingi ng tulong. Ay juice ko nasaan ba si Austin?
"Si Austin ayun po may pinuntahan lang saglit... yeah yeah. Hindi kasi siya sumabay sa amin papunta dito..... And I'm sure dadating na yun after a few minutes" pagrerescue ni Enzo at ngumiti.
Ayses pacute letche.
Tumango tango naman si Lola. "Oh okay. Well, mga apo, this is Mr. Jake Turner, owner of International Financial Group Inc., Mr. Alfred Park, owner of Park Company, Mr. James Trey, owner of Atlantis Communications Inc., and Mr. Richard Choi, owner of Choi Enterprises. Siya yung nagheld ng party. Kompanya niya ang may 13th anniversary ngayon" turo ni Lola doon sa katapat niya kanina na mataba, at mukhang Intsik. Isa-isa kaming lumapit at nakipagshake hands sa kanya.
"Good evening gents"
"Good evening, Mr. Choi"
"Good evening"
Tumawa naman siya at malawak na ngumiti. "Good evening to all of you! Welcome welcome. Sit down, sit down over there" turo niya doon sa mga bakanteng upuan sa malaking mesa.
Lumapit naman ako kay Lola at bumulong. "La, chinese ba yan?"
"Yes dear" sagot din nito at ngumiti.
Naglakad na kami papunta sa mga upuan at inalalayan naman kami nina Chase sa pag-upo.
Sa mismong pag-upo namin dumating si Austin na nakaakbay sa isang magandang babae(mas maganda ako).
"Good evening Lola, good evening to all of you Sir. I am Austin King III, the most handsome grandson of Angela Mendez" proud at nakangiti nitong sabi.
Yuck. Hambog dre.
Sarkastiko namang tumawa si Chase. "'Wag kayong maniwala diyan Mr. Turner, Mr. Park, Mr. Trey and Mr. Choi. Dakilang bolero kasi yan, kaya pagbigyan niyo na"
Natawa na naman si Mr. Choi at inilahad ang kamay kay Austin. "Well then, Good evening to you too Mr. King. I am Mr. Choi"
Napatingin naman agad si Austin kay Lola. "He's the owner of the company who's having its 13th anniversary today" sambit ni Lola kaya napa-oh naman si Austin at tinanggap ang kamay ni Mr. Choi.
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Jugendliteratur"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."