Chapter 7:

24 3 0
                                    

Quentin's POV

"QUENTIN ARTHUR BRADFORD! P*ta dre kalma ka nga muna" hinihingal na sabi ni Tom habang hinahabol ako.

"Kalma? Paano ako kakalma dre? Sabihin mo nga sa'kin, paano ako kakalma?!" Galit kong sigaw at mas lalong binilisan ang paglalakad hanggang sa makita ko ang sasakyan ko at sumakay. Agad din namang binuksan ni Tom ang passengers seat at nagmadaling magseat belt.

"Peste magseseatbelt ako tsong. Alam naman natin na nagiging monster ka kapag galit" natatawang sabi niya.

"Gwapo eh" mahinang sabi ko ngunit dahil malaki yung tenga niya narinig niya iyon.

Kaya bago pa siya makapagsalita, bigla kong pinaharurut ang sasakyan para mapaatras siya.

"TANG*NA! SINABING KUMALMA KA NGA MUNA EH!"

"PAANO AKO KAKALMA? HINDI IKAW YUNG SINUNTOK NG BABAE! HINDI IKAW YUNG PINAHIYA NG BABAE! HINDI IKAW YUNG NATAPAKAN NG PRIDE! ARGHHHH! ANG GWAPO KOOOOO" Sobrang lakas na sigaw ko at mas lalong binilisan ang pagdadrive.

"DAMN YOU TSONG! DAMN YOU! AYOKO PANG MAMATAY! IKAW YUNG MAY PROBLEMA KAYA 'WAG MO AKONG IDAMAY!"

"GWAPO AKO AT DAMAYAN NA'TO DRE! PARANG MAGKAPATID NA TAYO KAYA KUNG ANO ANG PROBLEMA KO PROBLEMMAAA MO DIIINNNN!"

"TANG*NA MO! MAS GWAPO AKO! 'WAG KANG SUMIGAW MAS LALO AKONG KINAKABAHAN!"

"TANG*NA MO RIN! IKAW 'TONG NAUNANG SUMIGAW SINABAYAN LANG KITA!"

Sigaw lang kami ng sigaw hanggang sa matanaw ko ang bahay namin kaya mabilis kong  tinapakan ang brake at napasubsob si Tom sa headboard.

Humagalpak naman ako sa tawa at nagmadaling lumabas ng sasakyan. Tumakbo ako papunta sa bahay namin at sumalampak sa sofa.

"Yaya! Nasaan sila Dad at Mom?"

"Nandoon na po sila sa New York, sir. Baka daw po sa Sabado na sila makauwi" sagot naman ng babae na naglilinis sa may TV. Napatingin naman siya sa akin at nanlaki ang mata. "Sus maryosep anong nangyari sa mukha mo sir?"

Iniwas ko naman agad ang mukha ko. "'Wag mo na lang pansinin. Pakikuha yung MacBook ko. Nandoon ata sa Library" utos ko at humikab.

"Masusunod po sir" magalang na sagot niya at umakyat.

Biglang bumukas yung Front Door at hindi na ako magtataka kung sino iyon.

"T*ng*na mo G*go! Ang lakas ng trip mo sa buhay mo! Kanina galit ka ngayon tawa ka ng tawa? Peste ka! Peste! P*ta ka! P*ta!" Sigaw ni Tom at nagmadaling lumapit sa sofa para kunin ang mga throw pillows at tinapon ng sunod sunod sakin.

"Pasensya na 'dre. Para naman mabawas bawasan yung galit ko. Ikaw na nagsabi diba? Kumalma ako?" Natatawang sambit ko.

Naglakad naman siya palapit sa akin at dinaganan ako bigla.

"Aray p*ta nabakla ka na naman. Umalis ka nga ang bigat mo, ang baho mo pa" inis kong sabi at tinulak siya sa tabi ko.

Umayos naman siya ng upo at hinawakan ako sa balikat. "Ako?! Mabaho at mabigat? Alam mo ba tsong kung ilang babae ang nagkakandarapa sa akin? Alam mo bang maraming naiinlove sa akin dahil ang macho at ang bango ko raw. Pakyu t*ng*na. Hindi mo ba alam yun?!"

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon