Chapter 17:

18 3 0
                                    

Quentin's POV

Padabog kong sinara ang pintuan ng sasakyan ko at nakasimangot na naglakad papasok sa gym namin para sa training.

Nakasalubong ko naman agad si Thomas na natatawang naglakad patungo sakin.

"Oh boss Q! Nakasimangot ka pa rin hanggang ngayon? Uso move on 'dre!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo akong simulan Thomas Echavez, mainit yung ulo ko" inis kong sabi at sabay na kaming pumasok.

"Pakyu ka 'tol! Kagabi pa yan mainit eh! Palamigin mo muna 'tol. Manghuli ka ng chics" saad niya at kumindat sakin. Binatukan ko naman agad ang g*go.

"T*ng*na mo. Nasan na ba si coach?"

"Wala pa nga eh. P*ta baka nakipag rakrakan pa 'yun sa asawa"

Babatukan ko nasa siya ngunit nagmadali siyang lumayo sakin.

"Alam mo? Ang dumi talaga niyang bungo mo"

Ngumisi naman siya ng nakakaloko. "Uy aminin mo, 'yun din ang iniisip mo"

"Baliw ka na 'dre" umiiling na sambit ko at umupo sa gitna ng court. Wala namang naglalaro eh.

Ginawa kong pangsuporta yung dalawa kong kamay at pinatong iyon sa sahig sa may likod ko at ibinukaka ko rin abg mga paa ko. Ganon din ang ginawa ni Tom.

"Naks. Makaupo tayo dito parang may-ari lang ah"

Nag make face ako dahil sa sinabi niya. "Bobo. Kami ang may-ari ng paaralang ito"

"Ahh oo nga pala! HAHA t*ng*na mo 'dre hindi ako bobo! Ul*l"

Hindi ko na lang siya pinansin at inilibot na lamang ang tingin sa gym. Magsasayang lang ako ng laway kung patuloy kong kausapin yang baliw na 'yan.


"So may lead ka na ba kung sino yung Queen na 'yun?" Bigla niyang tanong.

"P*ta 'dre 'wag mo na ngang ipaalala sakin yung pesteng babaeng 'yun" inis kong sabi.

"Aba! 'Wag mo akong ma p*ta p*ta dahil p*ta ka din! P*kyu! At ano ba? Porket natalo ka lang hate mo na agad?"

"Hindi lang ako basta natalo, okay? Natapakan yung pride ko at napahiya ako! At yung gumawa 'non ay isang babae! Dude hindi mo ba naiintindihan? Isang babae! BA-BA-E!"

"Tukmol! Anong akala mo sakin bobo? Ulol! Alam kong para sa babae yung Queen kaya 'wag mo akong anohin diyan. At eh ano naman kung babae siya? Kasalanan mo yun t*ng*na! Wala kang strategy!"

"Teka teka ba't mo ba siya pinagtatanggol ha? Sino ba samin ang kaibigan mo?"

Bumuka yung bibig niya ngunit sinara naman niya ulit at nagkibit balikat siya. "Wala naman" patay malisya niyang sambit. "So ano nang plano mo? Alangan namang maglaro ka na mainit ang ulo? Baka masira yung ring"

Bumuntong hininga na lamang ako at saktong pagtingin ko sa pintuan, pumasok ang babaeng kinaiinisan ko.

"Alam ko na kung anong gagawin ko para lumamig yung ulo ko" sabi ko at ngumisi ng malademonyo.

It's Me MadisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon