Quentin's POV
"Sandali lang, so you mean makikipag drag race tayo tapos wala naman tayong sasakyan? T*ng*na okay ka lang ba?" Natatawang tanong ni Thomas habang naglalakad na kami papunta sa race track nina Logan.
"Remember may iniwan tayo dito ni Dex noon?" Sagot ko.
Matagal muna bago siya nakasagot. Nag-iisip pa 'to sigurado.
"Ah oo nga pala, naalala ko. Kaya pala nawawala yung mercedes benz ko kasi iniwan ko dito. F*ckingsh*t ang bobo mo talaga Tom" sambit niya at pinalo din ang sarili.
"Teka teka kung kayo may sasakyan, anong role ko dito? Audience impact?" --Philip.
Nagtawanan naman kami ni Tom. "Parang ganon na nga"
Napakamot naman siya sa ulo. "Aba'y mga g*go kayo sarap niyong tadyakan" nakasimangot niyang sabi.
Pagdating namin don sobrang daming sasakyan na agad ang nakapark at may nagrerace na din.
Nakita ko agad si Logan sa isang tabi habang may kausap na babae. Nakahawak pa ang kamay ng g*go sa bewang ng babae habang nagtatawanan sila.
"Stanford my friend!" Nakangising bati ni Philip habang naka taas ang kamay.
"Montereal mg boy! Kailan ka umuwi?" Lumayo si Logan sa babae niya at nag bro hug sila ni Philip.
Nang kumalas sila bumalik naman agad si Logan sa babae niya at umakbay.
"Kahapon pa. Kamusta ka na? Seryoso na ba 'to?" Natatawang tanong ni Phil at tinuro iyong babae.
Ngumiti naman agad si Logan. Yung ngiting na inlove.
Yuck. Bading.
Tiningnan niya ang babae at hinalikan ito sa pisnge. "Oo eh. Ang hirap tanggihan ni Kupido" mahinang sambit niya at pinisil ang balikat ng babae. "This is Georgina. Darling, this is Philip, my homie"
Tumikhim naman agad ako. "Uh nandito pa kami"
Gulat na napatingin sakin si Logan. "Bradford! Echavez! Ang tagal niyong bumalik dito ah" sabi niya at nakipag bro hug din samin. "Darling, these lads are my childhood friends. This is Q and that's Thomas. And gents, this is my girl, Georgina"
Inilahad ko naman ang kamay kay Georgina at tinanggap niya ito habang nakangiti.
Maganda siya. Mukhang anghel at inonsente.
Nice pick, Logan.
"Makikipagpustahan ba kayo?"
"Yeah" sagot ni Tom.
"Oh ayos pala eh. Nasaan na mga sasakyan niyo?"
"Yun na nga eh. Wala silang dala" matabang na sambit ni Philip.
"Ano? Eh anong ginagawa niyo dito?"
Nagmake face naman ako. "Dude may iniwan kaming sasakyan dito, diba?"
"Ah! Oo nga pala" may kinuha siyang susi sa bulsa niya at binato sakin. "Susi 'yan sa garahe. Kunin niyo nalang"
"Tsong wala ka na bang extra na sasakyan?" Parang batang tanong ni Philip.
"Meron meron. Bakit?"
"Eh g*go kasi 'tong si Quentin. Nagyayang gumala 'di man lang sinabi sakin na dito pala kami pupunta" inis niyang reklamo kaya natawa si Logan.
BINABASA MO ANG
It's Me Madison
Teen Fiction"Maybe one day it will be okay again. That's all I want. I don't care what it takes. I just want to be okay again."