Chapter 1

32 3 0
                                        

Bianca POv

Ayieee!!!!!sigaw na paparating na si Rhea sa hallway ng school.

Grabe girl kung nakita niyo lang yung bagong transfer dito sa school mahuhulog panty niyo panigurado.

Sabay sabay naman na nagsitaasan ang mga kilay namin sa sinabi nito.

Talaga ba?,pabalik na tanong naman dito ni Grace at Anna,tumango naman ito habang kilig na kilig sa nakita niya.

Oo naman makikita niyo siya mamaya dahil kaklase natin siya sa iilang subject promise ang pogi niya talaga sabi pa nito na animo'y nangangarap sa isang fairytale.

Okay sabi mo eh!,.Una na ako girls mahuhuli na ako sa klase ko paalam ko sa mga ito.

Oh sige girl kami rin kita na lang tayo mamaya sa cafeteria kapag tapos na ang dalawang subject natin.Nagbeso na kami sa isa't-isa saka naghiwalay ng lakad.

Nagbabasa ako ng mga point of view ko nung lecture nung isang araw para in case na magpa-exam na naman si Sir Cabrera ay ready na ako.

May nakasalubong akong grupo ng mga kalalakihan kaya naman lumihis ako ng daan para hindi kami magkabangga lumihis ako sa kanan pero nakatapat ko yung isa lumihis naman ako sa kaliwa pero ganoon pa din ang nangyari.

Miss ibaba mo kasi muna yung binabasa mo para alam mo kung saan talaga ikaw dadaan sabi nung isa pero hindi ko ito pinansin.Tumabi na lang ako sa may gilid at pinauna na lang sila hanggang sa makalagpas.

Tss!,makapag-aral wagas sabi nung huli bago pa man ito makalagpas tinignan ko naman ito.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman ito kilala kaya naman inirapan ko na lang ito saka ibinaba ulit ang tingin ko sa binabasa ko.

Ang ganda pa naman sana,kaso ang taray narinig kong sabi nito saka umalis na din.

Tara na dude,huwag mo nang pakatitigan baka malusaw yan sige ka,sigaw naman nung isa nung mapansin nilang hindi pala nila ito kasunod.

Oo andiyan na,sigaw naman nito saka tumakbo papunta sa kinaroonan ng mga kaibigan nito.

Tumuloy na ako sa paglalakad papunta sa klase ko pagpasok ko maingay sa loob ibig sabihin wala pa ang prof namin Ang gwapo-gwapo talaga nung bagong transfer dito sa school natin kinikilig na sabi nung isa sa harapan ko.

Oo nga makalaglag panty bess pagsang-ayon naman nang kausap nito habang patango-tango.Napailing na lang ako sa mga ito, ganito rin kasi ang reaksiyon kanina ni Rhea sa hallway.

Gwapo nga ba talaga o baka naman mas gwapo pa si Enrique Gil dun,tanong ko naman sa sarili ko habang nakangalumbaba pa.

Mayamaya bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang grupo ng kalalakihan mga nasa apat sila.Nagpanting ang tenga ko sa tilian ng mga babae sa classroom.

Girl ayun siya oh!,sabay turo ng babae sa harapan ko kanina tumingin naman ako sa tinuturo nito.Napanganga ako sa lalaking tinutukoy nito dahil may hawig nga ito kay Enrique Gil.

Lumingon ang lalaki sa loob ng classroom saka ngumiti napayuko naman ako dahil nahuli yata niya akong nakanganga habang titig na titig sa mukha nito.Nakakahiya bulalas ko.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon