Chapter 31

15 1 0
                                    

BIANCA POV

Panay ang silip ko sa pambisig kong orasan simula ng umalis si Nely para iwan muna ako saglit.Ang tagal naman nila halos thirty minutes na simula ng marecieve ko ang text nito na malapit na silang umuwi dahil maaga natapos ang business meeting nila ,sabi ko sa sarili ko napabuntong hininga na lamang ako dahil sa inip na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.Nakapangalumbaba pa ako na nadatnan ni Nely sa harap ng pagkain napapitlag naman ako sa naging reaksiyon nito.

Ay naku!,tili nito na ikinagulat ko talaga at dinugtungan pa nito ang sinabi dahil sa kawalan ko ng reaksiyon, Ate masama ang mangalumbaba sa harap ng hapag lalo na at may pagkaing nakahain sige ka!, baka  mamaya magtampo ang grasya niyan sa atin .

Hindi naman siguro!,tipid na sagot ko dito ni hindi ko na ito abalahing tapunan pa ng tingin.Nakakabagot kasi bakit ba ang tagal nila e kanina pa siya nagtext na pauwi na sila pero lagpas nasa mahigit kalahating oras ay wala pa siya!!!!,inis na sabi ko na parang bata dahil sa paghaba ng nguso ko.

Baka naman po natrapik lang po sila Ate hayaan niyo po at ako na muna ang maghihintay sa kanila kayo naman po ang mag-shower,sabi nito sa masiglang tinig.Agad ko namang itong sinang-ayunan pa dahil baka mamaya ay lalo lang akong mainis kapag wala pa rin sila kapag umabot na ang isa pang kalahating oras ay wala pa rin ito.

Pagkasarado ko nang pinto ng kuwarto ay agad kong ibinagsak agad ang katawan ko sa kama para naman mapahinga ang isip ko kahit ilang sandali lang.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na umabot ng matagal na minuto.Nagising ako sa magagaan na kamay na humahaplos sa mukha ko habang tinatawag naman ang pangalan ko.

Bii wake up im home!,sabi nito sa malambing na tinig.Bumangon ako ng dahan-dahan at ibinaling ang tingin ko sa taong umaaalalay sa akin sa pagtayo.

Bakit late ka?,tanong ko dito.Ngumiti naman ito bago sumagot "naplatan kasi kami ng gulong sa daan e malayo na kami sa mga talyer e yung dalawa kong kasama naman sa sasakyan hindi marunong magpalit ng gulong buti na lang at may napadaan sa lugar namin hinila ng sasakyan nito ang sasakyan namin sa talyer na alam nito",paliwanag naman nito.

Sana naman nagtext ka para naman alam ko ,nagtampo tuloy ako sabi ko dito,nakita ko ng pigil na tawa sa mga labi nito kaya lalo akong nainis.

May nakakatawa ba?,pataray na tanong ko na ikina-kunot naman ng noo nito.

Ha?!wala naman sabi nito sa seryosong mukha.Huwag ka nang magtampo nabili ko naman ang request mo dont worry dinagdagan ko pa nga ng ice cream para pampalamig ng ulo mo dahil ayon sa kwento ni Nely ikaw raw ang nagluto kaya naman naiintindihan ko yang nararamdman mo.

Sus!!,binobola mo lang ako ata!,sabi ko pero ng mga oras na iyon wala na ang inis ko dahil alam nito nasa tuwing mainit ang ulo ko ice cream lang ang katapat ko.

Hindi ah!,kaya halika na sa baba at baka naman matunaw na ang ice cream na binili ko para sayo,sabi nito sabay hila sa akin palabas ng pinto ng kwarto namin.

Anong flavor ba binili mo?,tanong ko dito.

Chocolate at rocky road,sagot  nito hinila nito ang upuan sa harap ko para naman maupuan ko at iniurong papasok ng nakapwesto na ako.

Wow!,special treatment like a princess huh!,sabi ko na nakangiti.

Naman kailangang bumawi e,wait lang kukuha lang ako baso para sa ating dalawa saka extra plate para mailatag nang mabuti ang fries,paalam nito at ako naman inilabas ko ang laman ng paper bag na nakalapag sa mesa.

Hindi naman nagtagal ay bumalik na din ito dala ang mga sinabi nito na kukunin niya.Tagal ah!!!,sabi ko pero ang totoo ay hindi  naman ito matagal gusto ko lang itong inisin pero parang bale wala lang dito kaya naman sumandok na ito ng ice cream mula sa lalagyan nito habang nakangiti,nahawa na din ako dito at napangiti na din ako habang pinapanood ang ginagawa nito.

Grabe talaga karisma ko lakas makahawa!!!,bilib na sabi nito.

Matalim na tingin naman ang ibinato ko dito na hindi naman niya pinansin.Kapal ha!!!,sabi ko.

Umupo naman ito sa tabi ko at bigla akong niyakap.Mahal na mahal kita babe bulong nito sa tenga ko.Mahal na mahal na mahal din kita babe sabi ko dito sabay tapat ng kutsarang may lamang ice cream,isinubo naman nito ito.

Kain na tayo!, para naman makapagpahinga ka na at alam kong pagod ka na mula sa biyahe.

Ok sabi nito.Naghanda naman ako ng extrang snack sa food tray para dalhin ko sa kuwarto namin para sa oras na magutom siya ay ready na ang kakainin nito.

Tulungan na kita!,alok nito iniabot ko naman ang tray dito para naman hindi na ito mangulit pa dahil ang totoo ay medyo may kabigatan ang laman niyon dahil para sa pangdalawa katao talaga iyon.

Pagdating sa itaas ay ako na ang nauna para buksan ang pinto.Dumiretso naman ito sa shower room at ako naman ay inayos ang magulong higaan na iniwan ko kanina nung gisingin ako nito.

Lumabas na din ito na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte nito mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang sabong ginamit nito sa pagligo.Gosh ang bango niya talaga!,nasa ganoon akong pag-iisip habang tinanggal naman nito ang tuwalyang tumatakip sa bandang ibaba niya.

Agad naman akong napapikit.Tumatawa ito habang nagsasalita.Hey bakit ka ba nakapikit diyan.

Paano kasi ang bastos mo bigla-bigla ka na lang nagtatanggal ng tuwalya e wala ka namang saplot diyan sa ano mo,sabi ko dito.

At sino ba ang nagsabi na wala akong short?.Pagkasabi niya ay idinilat ko pa dahan-dahan ang mga mata ko  para makasigurado na totoo ang mga sinasabi nito.

Pilyong mga ngiti ang nakita ko sa mga labi nito habang ako naman ay namumula na sa pagkapahiya.Pinulot ko agad ang pinakamalapit na unan na madadampot ko at ibinato iyon sa nakakainis niyang mukha.Mabilis naman akong pumunta ng shower room.

Babe sorry sabi nito pagkatapos nang mahihinang katok sa pinto.

Okay lang babe hindi naman ako galit, naiinis lang!,shower lang ako paalam ko dito.

Okay sige, sabi lang nito.Ilang minuto rin ang itinagal ko sa shower room bago lumabas.Nakita ko na nakahiga na ito sa kama,hindi ko lang alam kung tulog na ba talaga ito o tulug-tulugan lang.

Nakapagbihis na ako at dahan-dahan na tumabi rito inayos ko pa ang pagkakakumot nito bago ako maayos ng pagkakahiga sa likod nito,niyakap ko ito at ramdam ko ang lalim ng paghinga nito na ang ibig sabihin ay himbing na himbing na ito sa pagtulog.Niyakap ko ito ng mahigpit, Good night babe!,sabi ko bago natulog din.

***
If you find some errors here,don't be shy to leave a comment...

love,
DenizaDulfo

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon