Chapter 25

5 1 0
                                        



BIANCA POV

Sa kasarapan ng kain at kwentuhan namin sa hapag sa food chain na pili ko naistorbo kami ng isang waiter dahil sa inabot nitong frappe na galing daw sa lalaking omorder nito kanina at ibinilin pa na ihatid ito sa table kubg saan kami nakaupo malaks talaga ang kutob ko na galing iyon kay M axx dahil igali na niya yon noon pa na magpahatid ng ganoon noong kami pa,parang nawala tuloy ang gana ko sa pagkain ng mga oras na iyon.

Ano ba ang guto nito bakit ba nagpaparamdam na naman ito uli kung kailan may asawa na ako at masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon guguluhin niya ito,hindi pwede hindi ko siya hahayaan na makapanggulo at makapanghimasok man lang sa buhay ko ngayon.

Oh babe ayos ka lang ba?,puna ng mister ko ng mapansin nito ang pagkatahimik ko ng mga oras na iyon tinanguan ko naman ito bilang sagot at pilit na inayos na mapaganda ang mood ko ng mga sandaling iyon.

Huwag ka ng magtanong pa kung bakit kay Alvis ko ibinigay ang frappe babe kasi malamang galing yan sa ex ko kay Maxx baka mamaya may gayuma pa yan kaya kay Alvis na lang yan hmmm!,mamamaya ikukuwento ko sayo an mga dapat mong malaman tungkol sa kanya, pag-uwi natin baka mamaya ano-ano na iniisip mo diyan.

Hanep ka naman ma'am Bianca baka mamaya mainlab nga ako niyan sa ex mo kung sakaling may gayuma nga itong iniabot mo sa akin ah!.angal nito na nasasamid pa dahil sa sinabi ko.Nagtawanan kaming tatlo ng dahil sa sinabi nito.Ibinaling ko naman ang tingin sa mister ko kahit na tumayawa ito sa mga oras na ito alam ko na marami itong gustong malaman,napansin naman nito ang mga titig ko sa kanya kaya nagsalita na ito.  

Okay sabi mo eh,ikaw pa malakas ka sa akin!,don't worry makikinig ako sa mga sasabihin mo open minded yata ang mister mo sabi nito na may kasamang kindat kinurot ko ito ng mahina sa tagiliran ang loko naman nagkunwari pa na masakit ang ginawa ko kahit na hindi naman.

Ang sweet naman!,kainggit ako kaya kailan magkaka-lovelife parinig naman sa amin ni Alvis napalingon kaming dalawa dito at sabay sinabing ''malapit na'',nagtaka naman ito sa sinabi namin dahil kapwa kami nakangiti at mukhang nahulaan nito ang gusto naming iparating.No way!,sabi nito.

Oh tara na kanina pa tayo nandito sa mesa samantalang kanina pa natin naubos yung mga pagkain ang mabuti pa umuwi na tayo at nang makapagluto na malapit na ding sumapit ang hapon darating sila mam at papa kaya kailangan na nating mag-asikaso sa bahay kawawa naman kung iaasa na lang natin kay Nely lahat ng gawin, mahabang sabi ko dito sa dalawa seryoso naman silang nakikinig sa mga sinasabi ko.

Tara na Alvis at ng matulungan mo din kami sa bahay hindi yung puro ka na lang porma kay Nely kaya hindi ka pinapansin nung tao puro ka kasi pa-pogi try mo din kasi siyang tulungan sa bahay kahit sa simpleng pagbubuhat lang ng mga bagay na inilalabas niya sa loob ng bahay sermon naman dito ng mister ko samantalang si Alvis napakamot na lanag sa ulo sabay sagot ng ''yes sir''.




ANDREI POV


Nakauwi naman kami sa bahay ng mas maaga sa inaasahan nadatnan namin si Nely na nagsisimula na sa gawaing bahay agad namang kumuha ng apron ang asawa k at naghugas ng kamay maghihiwa na sana siya ng sibuyas ng pigilan siya nito.''Ako na po ate kaya ko naman po yan''.

Tutulong ako sayo para mas mabilis saka hindi lang ako pati si kuya mo at si Alvis sabi nito kay Nely ng nakapamewang pa tinapunan naman ako nito ng tingin ''ikaw anong tinatayo mo pa diyan tumulong ka dito''sabi nito na nakapamewang din sa harapan ko inabot ko na ang hawak nitong apron kesa naman mas humaba pa ang diskusyon.Sakto naman pasok din Alvis sa kusina dala ang mga pinamili namin sa suprmarket kanina,''oy ikaw din Alvis tumulong ka din dito pagkatapos mong ipasok lahat ng mga pinamili natin kanina ni Sir mo''.

Opo ma'am sagot naman nito sa asawa ko tinapun naman nito ng kindat at ngiti si Nely,inirapan lamang ito ni Nely saka nagpatuloy sa pagkuha ng mga pinamili namin ng matapos ito tumulong nga ito kagaya ng sinabi ng asawa ko dito.

Maagang natapos ang mga putahe na lulutuin dhil sa walang sawang pag-utos sa amin ng asawa ko habang tinuturuan ko naman ito kung paano lutuin ang mga putahe na hindi pa niya alam lutuin.

Ayan natapos natin lahat ng mas maaga!,masayang sabi nito nagpasalamat naman ito kay Alvis at Nely,maging sa akin ay nagpasalamat din ito kitang-kita ko ang saya sa mukha nito kesa sa kanina nung nandoon kami sa food chain i think this is not the right time to talk about her past,kasi masaya a maganda ang mood nito ngayon at ayoko itong masira maybe some other time orsome other day na lang namin pag-usapan ang tungkol doon.

Ang tahimik ata ng babe ko!,puna nito.Masaya lang ako na marunong ka nang magluto kahit konti, biro ko dito yumakap naman ito sa akin saka isinubsob ang mukha sa dibdib ko.Thank you sayo dahil kung hindi mo ako tinuruan hindi naman ako matuto di ba saka kung tutuusin puro utos lang naman ang ginagawa ko kanina nung nandoon tayo sa kusina.

Hindi po kaya ma'am kayo nga lahat yung nagsupervise ng mga dapat naming gawin kahit na nagluluto kayo ni sir,singit naman ni Alvis na sinang-ayunan din naman ni  Nely kaya mas lumawak ang ngiti ng misis ko dahil sa sinabi ng dalawa.

Napagpasyahan na muna naming magpahinga habang hinihintay namin sila mama at papa na dumating may tatlong oras pa kami para makapagpahinga,umakyat kami sa kwarto ni Bianca sabay kaming nag-shower sa loob ng banyo ng kwarto namin nang matapos kami ay inaya na ako nitong matulog muna ng salit na sinag-ayunan ko din dahil napagod kami sa pagluluto nung dumating kami mula sa pamimili. 




BIANCA POV


Ma kanina pa po kayo diyan?,sabi ko dito nang makababa na din ako sa hagdan mula sa kwarto namin ng mister ko.Nakahanda na sa mesa ang mga niluto naming mga pagkain bago kami matulog tapos na pala itong initin ni Nely. 

Oo anak kanina pa kami dito hindi na kita pinagising pakay Nely dahil sabi nito pagod daw kayo mag-asawa kanina sa pagluluto nitong mga pinahanda mo.

Po?,ibinalin ko naman ang ingin ko kay Nely na tanging ko na lang ang naisagot sa mga tingin kodito,nagpakawala na lang ako ng isag malalim na hininga bago dumiretso sa mesa kung nasaan ito.

Naramdaman ko ang kaba nito ang akala nito siguro ay papagalitan ko siya dahil sa ginawa niya.Pasensiya na po ate!,sabi nito nang makalapit na ako dito.Okay lang Nely salamat din at naaasikaso mo na ang lahat,pasalamat ko dito nakahinga naman ito ng maluwag ng malaman nito na hindi ako galit sa kanya.

Nasaan na pala ang asawa mo natutulog pa rin ba?,tanong sa akin ni papa ng makita ako nito sa sala.

Opo!,sagot ko dito tumango naman ito sa akin saka ibinaling ang tingin sa labas.Sayang naman mag-iinomsana kami ng asawa mo mamaya na lang kapag natapos na tayong maghapunan para naman makapag-bonding kami.Sana naman payagan mo siya anak,dugtong panito sa sinabi.

Of course naman pa bakit po hindi!, wala namang masama tutal dito lang naman sa bahay hindi po ba?!.

Yes naman anak!,sagot nito sa akin na sinabayan pa ng kindat.Napangiti naman ako dito na para itong binata sa inaasta.

Hoy kayong mag-ama nagsosolo yata kayo diyan ang mabuti pa gisingin mo na ang asawa mo para sabay-sabay na tayong makakain ng hapunan aba'y mag-gagabi na natutulog pa!, baka mamaya mahirapan siya mamaya makatulog sabi ni mama nang makalapit na ito sa amin.

Oh sige po sandali lang paaalam ko sa mga ito nang iwan ko ito sa sala ang sabi, nila na doon na laman ng sila maghihintay hanggang sa makakababa na kami.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon