Bianca POv
Nagising na lang ako sa alarm clock ko bumangon na ako at nagsimulang mag-ayos.
Mama!,katok ko sa kwarto nila ni papa pagbukas nito naka ayos na din ito maganda pa rin ito kahit nasa mid 40's na ito.
Oh tara na anak at baka hindi ko na maabutan ang suki ko ng gulay doon, pagkasabi niyon binigyan muna nito ng halik sa noo si papa bago lumabas ng kwarto.
Ma!,ano po bang lulutuin ninyo mamaya tanong ko dito habang naglalakad na kami papasok sa loob ng palengke.
Gusto ni papa mo ng pakbet kasi nagsasawa na daw siya sa karne,ikaw ba anong gusto mong lutuin ko pabalik na tanong nito.
Bicol express po pwede?,ngumiti naman ako dito ng sunud-sunod na tango ang ginawa nito.
Walang katapusang tawad ang ginawa ni mama sa bawat madaanan naming stall,naabutan din namin ang suki nito sa gulay kaya mas nakamura kami.
Pababa na kami ng tricycle nang daluhan kami ni papa para naman alalayan kami sa mga dala namin ni mama.
Ikaw naman Fely sabi nang ako na ang sasama sayo ayaw mo pang pumayag aba malakas pa ako sa kalabaw!,pagmamalaki pa nito.
Naku Nestor maigi nang matuto sa pamamalengke ang anak natin pati na rin sa pagtawad para makatipid maigi sermon naman nito kay papa.Napakamot na lang ito sa likod ng ulo.
Andrei POv
Iho hindi ba si Bianca iyon tanong sa akin ni Nanang Cora nung nasa palengke kami.
Tinignan ko naman ang itinuturo nito kaya naman sinagot ko ito "opo nang siya po yan ganda po di ba?".
Sinang-ayunan naman nito ang sinabi ko.Aba kailan mo ba liligawan para naman magkaroon ka ng inspirasyon.
Wala pa po akong balak saka may iba na po siyang inspirasyon at ang nakakatuwa kapangalan ko nga ho!!.
Baka naman ikaw yun mahina ka lang umintindi tsk tsk tsk!!!komento nito.
Nang naman eh!,mamili na nga lang po tayo saka medyo nagugutom na po ako eh!.
Sakto may masarap na gotohan diyan kung gusto mo doon na lang tayo mag-agahan pero sikreto lang natin to kay mommy mo ha!.
Oo naman po yun lang pala eh,kung nandito nga lang yun hindi yun papayag na samahan kayo sa pamimili pati na rin ang kumain sa kung saan-saan.
Sabagay may punto ka din diyan iho maigi na din yung nandoon siya sa ibang bansa para makalimot na din siya sa ginawa ng daddy mo.
Bianca POv
Mama the best po talaga kayo magluto ng bicol express sabi ko dito habang kumakain.
Hindi ka ba naaanghangan diyan samantalang kami ni papa mo ilang subo pa lang umiinom na kami agad ng tubig.
Hindi naman po sakto lang yung anghang para sa akin malinamnam nga po yung gata.
Oh sige ikaw ang bahala pero hinay-hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka hindi nga namin maintidihan ang lakas-lakas mong kumain pero hindi ka tumataba.

BINABASA MO ANG
My Internet Buddy
RomansaA love story has never notice because the feeling is mutual until they do some conversation by using internet site/connection, and their heart is being connected too? They develop the feelings but still pretending it's doesn't exist by being in deni...