Andrei POvNagsimulang mag-discuss ang mga nakaupo sa loob para ipaalam sa mga kapwa negosyante ang mga lagay ng mga kani-kanilang kompanya.
Tumayo na rin ako para ipaliwanag ang sadya ko hindi para ibida ang estado ng kompanya na pinapatakbo sa pangangalaga ko,sigurado naman ako na bawat isa sa amin ay nagsagawa ng mga kanya-kanyang research para malaman ang estate ng mga company ng mga investors na nasa loob ng kuwartong ito.
Natapos ko na ang mga dapat sabihin ng hindi nang-aapak o kaya naman ikumpara ang kompanya ko sa kompanya ng ilan sa nasa sa loob.Napangiti naman si Mr.Yap ng dumako ang tingin ko sa gawi nito,yun yung tingin na natutuwa siya sa ginawa ko para sa mga oras na iyon.
Sinalubong naman ako ni Lester nang pabalik na ako sa kinauupuan ko.
Galing niyo talaga Sir!,nakangising sabi nito sa akin.
Sip-sip!,sagot ko dito ng nakangiti at alam ko naman na pinapagaan lang ang loob ko.
Whoooo!,sabi ko sa mahinang tinig para naman hindi na maka-agaw pa ng pansin sa loob .
Tumayo na rin si Maxx para magsalita,hindi rin nito ibinida ang mga assets niya maging ang kinikita ng company nito.
Gaya-gaya!,sabi ni Lester, nilingon ko ito kaagad para ipalam sa pamamagitan ng pandidilat ,na narinig ko ang sinabi nito at baka narinig din siya ng iba.Napa-V sign na lang ang loko sabay kamot sa ulo nito.Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon ko uli sa nagsasalita.
Maaga natapos ang mga investors sa mga proposal nito binigyan nila ang kapwa ng tig-iisang kopya,binasa namin ito at pinag-aralan mabuti kung sino ang mga nambobola at nagsasabi ng totoo.At base sa mga research ko sa bawat isa, iilan lang ang nagsasabi ng tamang estado ng company .
Pinatawag po kayo ni Mr. Yap sa mesa,sabi ng secretary nito sa akin.
Agad iniligpit ni Lester ang mga folder na iniabot sa amin ng investors at sumunod sa akin.
Agad naman akong inaya ng upo ni Mr. Yap ng isang pulgada na lang ang layo ko mula sa mesa nito kasama si Maxx.
Have a sit Mr.Dela Rosa, paanyaya nito sa akin habang hinihila ko naman ang bakanteng upuan,si Lester naman ay naupo sa kabilang mesa kasama ang sekretarya ni Mr.Yap at ni Maxx.
Ano ang masasabi mo sa business proposal namin ni Mr. Dela Rosa sayo?,paunang tanong nito sa katabi.
Inilapag nito ang hawak na kurbyertos at itinuon ang pansin sa amin.Well base on my research maganda naman ang takbo ang company ni Mr. Dela Rosa good choice to a merger and the proposal is really good,sabi nito na ikinatuwa naman ni Mr. Yap.So I decided to sign the contact, dagdag pa nito.
Baka naman kaya ka excited na maka-merge ang company ni Mr. Dela Rosa ay gustong-gusto mo rin makita ang napaka-ganda niyang asawa,biro ni Mr. Yap na ikina-seryoso ko naman.
Actually kilala ko ang wife niya we're good friends when we are at midtwenties and yeah maganda talaga siya,sagot naman nito.Alagaan mo siyang mabuti,huwag mo aking gayahin,dugtong nito
Yes of course I'm her husband, sagot ko.
Good,sabi niya naman.
Naramdaman marahil ng matanda ang kaseryosohan sa usapan naming dalawa kaya naman iniba na nito ang usapan hanggang sa papunta na sa mga dapat gawin sa oras na magkapirmahan na ng kontrata.So the deal is close maaga kang makakauwi sa asawa mo malamang kanina ka pa hinihintay niyon dahil biglaan ang meeting na ito,biro nito sa akin ng papaalis na si Maxx sa table.
Hindi naman po siguro Sir,dahil tinawagan ko naman siya kaagad habang nasa biyahe kami kanina,and nagpapabili siya ng drive thru food pag-uwi ko,masayang sagot ko dito.
Ah kung ganoon pwede ka ng mauna ,masamang pinaghihintay ang babae kung ano-ano na naglalaro sa utak nila lalo na kapag late tayong umuuwi,sabi naman nito sa akin.
May hugot ka pala Mr.Yap pambabara ni Maxx sa matanda.
Hindi naman,binabase ko lang sa experience ko,sabagay hindi mo pa yun mararanamasan dahil binata ka pa,sagot dito ng matanda.
Kaya nga po hindi muna ako nag-aasawa dahil ayoko ko pa sa commitment, sabi naman nito.
Ay kung ganyan ka baka tumanda kang binata o baka naman may hinihintay ka pa,tanong dito ng matanda.
Meron po sana kaso taken na,hindi naman po ako home wreaker,sagot naman nito sabay tawag sa sekretarya nito na agad din namang sumunod.Mauuna na po kami Sir paalam nito sa amin.
Oh sige at baka hinahanap na din kami ng mga misis namin lalo na ako ,sabi nito sabay tawa.
Naiwan kaming dalawa ni Lester dahil halos magkasunod lang ang dalawa na umalis.Saan po tayo ngayon Sir?, tanong nito.
Daan muna tayong fastfood chain bibili lang akong burger at fries,request kasi ni Bii pasalubong daw.
Okay po,sagot nito bago magpaalam na tatawagan niya si Alvis para abangan kami sa exit door ng hotel.
Nung nasa biyahe na kami pauwi panay lang ang kwento ni Lester kay Alvis ng mga ganap kanina sa conference,tahimik lang akong nakikinig sa dalawa.
Uy Alvis!, astig pala yung si Maxx yung datingan niya parang mayamang action star,bilib na sabi nito sa kausap.
Baka nababakla ka lang sa Maxx na yun Lester pang-iinis naman nang isa.
No way!,straight ata toh!,pagyayabang naman nito.
Okay sabi mo eh!,saka huwag ka munang magulo kasi nagda-drive ako e,baka mamaya madistrak pa ako sa mga pinagsasasabi mo and FYI katabi mo lang si boss baka gusto mo bukas wala ka ng trabaho,seryosong sabi ni Alvis kay Lester,inikot naman nito ang tingin sa akin pinag-aaralan kung galit ba ako.NagV-sign pa ito na makitang seryoso ako.
Nagtipa naman ako ng mensahe sa aking cellphone nang mga oras na iyon para ipaalam kay Bii na nasa biyahe na kami pauwi, kanina ko pa ito tinatawagan pero walang sumasagot kaya pinasya ko na lang na magkasya na itext ito.Busy siguro sabi ko sa sarili ko.
Bianca POv
Naiset ko pala sa silent mode ang cellphone ko kanina pa pala tumatawag si Rei,sabi ko kay Nely.
Naku Ate maiintindihan naman po ni Kuya Rei kapag nag-explain na kayo sa kanya mamaya,sabi naman nito sa akin na may halong pag-aalala na sa mukha.
Dapat talagang magpaliwanag!,sakto itong tinolang manok na nailuto natin dahil nagtext siya na nasa biyahe na sila pauwi.
Sakto lang pala ang oras makakahigop sila ng mainit na sabaw,dagdag ni Nely.
Asus hindi ka lang makapaghintay na makita si Alvis eh!,tukso ko rito.Agad naman namula ang pisngi nito habang itinatanggi ang sinabi ko.
Si Ate talaga!,hindi naman po!sabi nito sa akin.
Sige na nga sabi mo eh ang mabuti pa maligo ka na at para naman hindi ka na amoy ulam mamaya pagdating ng prince charming mo!,dagdag ko pa kulang na lang ay maging kasing kulay na rin ng pagkapula ng damit nito ang mukha niya.
Ate!,sabi nito sa akin.
Sige na!, mamaya na ako pagkatapos mo kapag wala pa rin sila pangungulit ko dito sumunod na rin ito dahil alam naman niyang hindi ako papatalo.
Sige po,paalam nito.
BINABASA MO ANG
My Internet Buddy
RomantizmA love story has never notice because the feeling is mutual until they do some conversation by using internet site/connection, and their heart is being connected too? They develop the feelings but still pretending it's doesn't exist by being in deni...