Chapter 18

12 1 0
                                        

Andrei POv

Oh!,iho gising ka na pala.Nalingunan kong sabi ni papa sa akin.

Opo pa,nakatulog pala ako hindi ko man lang namalayan pasensiya na po kayo,sensero ko namang sabi dito.

Naku wala yun sa amin siya nga pala dito ka na maghapunan at namili si Fely sa palengke ng mga lulutuin mamaya para sa hapunan sabi naman nito.

Baka po nakakaabala na ako sa inyo pa okay lang po ba talaga sa inyo?.

Oo naman iho kaya huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano diyan halika dito at isasalin ko lang itong pinapainit kung tubig sa thermos para makapag-kape naman tayo.

Sige po pa,salamat po tulungan ko na po kayo saan po ba nakalagay ang mga tasa at kutsarita?,para naman po kahit papaano may naitulong ako.

Talagang mapilit ka ,oh sige na nga diyan banda sa may ibabang kabinet sa pangatlo alam ko diyan yan nilalagay ng mag-ina ko e.

Nakuha ko naman ang mga tasa at kutsarita na pakay ko inilapag ko na ito sa lamesa para masalinan ng pinainit na tubig ni papa.Salamat po sabi ko dito ng salinan nito ang tasa ko.

Walang anuman iho,teka saglit lang at kukunin ko lang ang kumot ng anak ko sa kwarto nito para naman maikumot ko sa kanya kita mo nga't himbing na himbing sa tulog mukhang nasa fairyworld pa!,naka ngiting sabi nito kaya napangiti na din ako dahil totoo naman humihilik pa kasi ito habang natutulog.

Paakyat pa lang si papa sa hagdan ng tumunog ang tricycle sa labas hudyat na nasa labas na si mama Fely bababa sana ito ng hagdan.

Ako na po pa!,pigil ko dito.Aba'y sigurado ka ba?,tanong naman nito.Tumango naman ako dito at ganun din ito senyas na pumapayag na ito.

Pagbukas ko ng gate nakita ko ang pagtataka sa mukha ni mama Fely.

Oh bakit ikaw ang sumalubong sa akin  iho nasaan ba si Nestor?.

Nasa kwarto po kumuha ng kumot ni Bii natutulog pa po kasi huwag na po kayong magalit kay papa nagprisinta po kasi ako na ako na lang ang sasalubong sa inyo.

Ah ganoon pala oh siya sige,kaya mo bang buhatin itong sako bag na ito may kabigatan ito.

Oo naman po kayo naman oh walang bilin sa mamanugangin niyo eh!,pagyayabang ko pa dito saka sinimulan na buhatin papasok sa loob ang mga pinamili nito.

Oh kaya mo ba iho?alalang tanong pa nito.

Opo naman po ako pa!,sabi ko saka narinig ko ang tawa nito.

Oh Fely ikaw na ang magkumot sa anak natin at tutulungan ko lang itong si Rei sa mga pinamili mo bungad ni papa dito.

Oh siya sige nang makapagpahinga din ako ng konti bago magluto.

Nagsimula na kami ni papa na isalansan sa mesa ang mga dala nito.

Ma! magluluto po ba kayo ng kalderetang baka?,tanong ko dito ng masilip ko ito mula sa kusina.

Ay oo iho bakit mo naman natanong paborito mo ba?

Opo naman,kung gusto niyo ako na lang po ang magluluto.

Naku huwag na ako na ang bahala diyan mamaya lang konti nakakahiya naman sayo ikaw itong bisita dito eh paglulutuin pa kita.

Huwag na po kayong mahiya sa akin ma!, tutal ikakasal na din naman kami ni Bii eh magiging mama ko na po kayo talaga.

Marunong ka bang magluto?,seryosong tanong nito binigyan ko naman ito ng masiglang tango na may ngiti pa.

Sige nga!,sabi nito.

Talaga po?,Yes!,promise po hindi po kayo magsisisi na pinayagan niyo kong ipagluto kayo.

Nagsimula na nga ako sa paghugas at pagpapakulo ng karne ng baka nasa dalawang oras din yun habang hinihintay ko na lumambot yun nag-umpisa na din ako sa paghugas at paghiwa ng mga iba pang sangkap nanlaki naman ang mga mata ni mama Fely ng makita ang ginagawa ko.

Hinay-hinay lang iho baka mahiwa ka ang bilis-bilis mo namang maggayat nakakatakot ka halos mautal pa nitong sabi.

Relax lang po ma!, ako pong bahala dito kayang-kaya ko po ito tinuruan po ako ni Nanang Cora.

Ay naku basta hinay-hinay lang nakakanerbiyos baka mamaya masugat ka matalim pa naman ang kutsilyo na gamit mo.

Bianca POv

Hmmmm!,ang bango naman ng niluluto mo....napahinto ako sa sasabihin ko ng makita ko si Rei na nakaharap sa kalan na nagluluto.

Oh!,mabuti at gising ka na malapit nang matapos sa pagluluto itong si Rei.

Babe?,tawag ko dito pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Mamaya mo na tawagin at abala siya sa pagluluto dahil kami ni papa mo ang judge sa niluluto niya masayang sabi naman nito sa akin.

Aba nagpapasikat si mokong sa mga parents ko ha!,well siguro masarap din yan ying mga cupcakes at muffins nga masarap eh yan pa kayang kaldereta,sisiw lang yan sa kanya,sabi ng utak ko.

Ligpit ko lang po yung unan at kumot sa sala paalam ko sa mga magulang ko.

Mabuti pa nga iha at mag-ayos ka ang gulo-gulo ng buhok mo bilin pa nito ng paalis na ako sa kusina.

Opo ma!,don't worry kahit magmukha pa akong pulubi hindi po ako iiwan niyang cook niyo ngayon.

Oo naman babe!,lab na lab kaya kita,sabi pa nito saka kumindat.

Love you too babe!,pabalik kong sabi nito saka nag-flying kiss pa.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon