Chapter 5

15 3 0
                                    

Andrei POv

Whoa!!,umiiyak ka ba dude?,halos hindi makapaniwala si Mico dito.

Tss!!,eh ano naman masama ba?,mahal ko yun kahit bungangera at topakin yun noh!,palibhasa ikaw wala ka namang siniseryoso sa mga syota mo inis na sabi nito.

Mico!!!,ano ba huwag mo na ngang inisin pa si Hiro saway ko naman dito sumunod naman agad ito saka itinuon ang pansin sa mga babaeng naglalakad sa harap.Napapasipol pa.

Nah!,iba ka talaga dude puri pa dito ni Caleb napapailing na lang ako sa mga ito babaero talaga.

Binigyan ko nang mahinang tapik si Hiro sa balikat nito,ok lang yan dude sabi nga ng friend niya pakalmahin mo muna baka kapag malamig na ulo non eh kausapin ka na,nagkibit balikat naman ito.

Inaya ko naman ito mag-arcade para kahit papaano hindi ito malungkot.

Fine pero bigyan mo naman ako nang advice kung paano ko mapapaamo si Anna oh pakiusap nito.

Dude ikaw nga na mahal mo hindi mo mapakalma ako pa kaya,kung ako sayo humingi ka na lang nang advice sa mga kaibigan niya dun ka magtanong.

Napaisip ito saglit sa sinabi ko.

Thanks dude hulog ka talaga ng langit!,sabi pa nito.

Asus!!,papalibre ka lang eh biro ko dito kaya naman tumawa na ito.

Oo eh wala akong budget ngayon tinitipid ako ni mom hindi ko nga alam kung bakit siya ganun ngayon.

Baka naman tinuturuan ka lang magbudget,ganyan din si mommy sa akin dati eh,paliwanag ko dito.

Siguro nga,teka ano ba lalaruin natin dito pili ka na para makabili na tayo ng token saka tickets nakangiti na ito habang nagsasabi nun.

Dun muna tayo,tumango naman ito sa itinuro ko.Alright karera pala ha!walang sisihan kasi syurbol talo ka na sa akin  pagmamalaki nito.

Hoy maglalaro ba kayo o mangbababae na lang kayo diyan?,sigaw na tawag naman nito sa dalawa.

Dito na lang kami pang bata lang yan eh!,kami na lang bahala mamaya sa pagkain natin,pabiro naman nilang sabi dito.

Okay!,tanging nasabi na lang ni Hiro sa mga ito saka itinuon ang atensyon sa pakay namin sa loob ng arcade.

Nang magsawa na kami tinotoo naman ng mga ito ang panglilibre ng pagkain.Inorder naman ni Hiro ang lahat ng gusto nito napanganga na lang ang dalawa.

Dude mukhang napasubo yata tayo,bulong ni Mico kay Caleb.

Oo nga eh!,sagot naman nito.Natawa na lang ako sa mga ito habang napapailing ang saya nang bonding namin kapag magkakasama kami kaya naman hindi nawawala sa usapan namin ang paglabas minsan.

Dude mukhang nagsisisi yung dalawa sa panlilibre sayo tignan mo halos hindi na umorder. Malakas ang mga tawa nito kaya naman pinagtitinginan na kami sa loob ng fastfood na kinakainan namin.

Kumuha  naman nang limang piraso ng fries si Caleb saka isinalpak sa bibig ni Hiro. Nanlisik naman ang mga mata nito sa ginawa ni Caleb dahil halos masamid na ito.

Natatawa naman ang matanda sa kabilang mesa sa asaran namin, nakangiti lang ito habang pinapanood kami.

Lola pasensiya na po kayo sa mga kaibigan ko makukulit lang po talaga ang mga iyan hingi ko dito ng dispensa.

Okay lang iho naaalala ko lang ang anak ko sa inyo, ganyan din kasi siya nung nabubuhay pa ito sabi nito na halatang maiiyak na.Nagtigil naman ang kulitan ng tatlo kinuha naman nito ang pagkain ng matanda isinalin nila ito sa mesa namin.

Lola dito na lang po kayo makisalo sa amin  para hindi na kayo malungkot tutal naman may bakante pa pong upuan dito sabay turo sa may gilid nito.

Sigurado ba kayo?,nakakahiya naman sabi pa ng matanda.

Wow Mico maaalalahanin ka pala sa mga Lola ngayon ko lang nalaman asar dito ni Caleb.

Bakit naman hindi Lola ko kaya nagpalaki sa akin noh!,kaya hindi mo ako masisisi sabi nito.Ibinaling nito ang tingin sa matanda saka ngumiti ng pagkalaki-laki.

Naku hala kayo pinaiyak niyo lalo si Lola tignan niyo pagkatapos kong masabi yun dali-dali naman iniabot ni Caleb ang panyo dito.

Tumahan naman na ang lola at nagsimula na din itong kumain napuno ang mesa ng tawanan dahil sa walang sawang asaran ng mga kaibigan ko.

Bianca POv

Hmmm!!,offline pa din siya hanggang ngayon bakit naman kaya,nakalimutan niya siguro.

Anak baba ka nga muna sandali dito at lalabas lang ako may nakalimutan kasi akong bilhin,tawag sa akin ni mama.

Opo mama nandiyan na po.Pagkababa ko naman lumabas nga ito kaagad nanood na lang ako ng TV habang inaantay ito.Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Anak gising nakaidlip ka na diyan sa upuan pumanhik ka na sa kwarto mo,para makatulog ka na may pasok ka pa bukas.

Opo ma!,hinalikan ko ito sa pisngi saka pumanhik.Bago matulog chinek ko muna kung online ito pero wala pa din.

Tss!,wala pa din makatulog na nga lang baka bukas mag-online na yun!.

*******

Good morning anak bangon na nakaluto na ako ng almusal natin,muna ka ng kumain dahil gigisingin ko na din ang papa mo.

Thanks ma!,ngumiti naman ito saka nagtungo sa kwarto ni papa.

Nagpasya na akong magpaalam para umalis ng matapos akong kumain,ayokong maipit sa trapik.

Ma!,alis na po ako paalam ko dito.

Oh sige anak ingat ka ha!,mamaya magluluto ako ng afritadang manok kaya dito maghapunan ah,bilin nito.

Opo ma!,pangako po yan sige po alis na ako.Tumango naman ito kaya naman umalis na ako.

Bilis!,ang tagal-tagal mo naman angal ni Anna, hinihintay pala nila ako sa labas hindi man lang ito nagsabi kahapon kaya nasorpresa ako sa pagsundo ng mga ito.

Oo na po mga ma'am ginulat niyo kasi ako malay ko ba na naghihintay kayo dito dapat kasi tumawag kayo para naman mas binilisan ko pa ang kilos paliwanag ko.

Oo na kasalanan na inamin dami mo pa satsat sakay na dali!!,pagalit na sabi ni Anna.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon