Andrei POv
Iho kailan pa ba kayo nagkaroon ng relasyon ng anak namin kasi never ka niya na mention sa amin sabi ng papa ni Bii.
Ganoon po ba?,hindi niya po talaga ako na mention kahit minsan lang kunwaring nagtatampo ko pangsabi.
Nagulat naman ito sa mga sinasabi ko sa harap ng magulang niya pero sa bandang huli tumawa na ito at mukhang nahulaan naman nito ang ibig kong sabihin.
Pasensiya na kayo pa gusto lang po talaga na masigurado na seryoso po talaga itong mokong na to,pagkasabi niyon sa ama nilingon ako nito saka kumindat pa ito sa akin at ngumisi.
Ah ganon ha!,mokong pala tignan natin,sabi ng isip ko ng mga oras na yon.Ah pa baka naman po ayaw po talaga akong ipakilala nitong anak niyo ikinahihiya po ata ako,nilungkutan ko pa ang mukha ko para makatotohanan.
Aba't loko ka ah!,pabulong na sabi nito at sinipa pa ang paa ko sa ilalim ng mesa.
Aw!,bulalas ko habang namimilipit sa sakit.
Okay ka lang ba Andrei?, tanong naman ni mom.
Opo ma don't worry, tinapunan ko naman ito ng masamang tingin pero hindi ito natinag.
Buti nga sayo!,sabi nito sa mahina na boses sakto lang para marinig ko dahil magkatabi naman kami ng upuan.
Nang mawala ang sakit nagpatuloy na lang ako sa pagkain,naramdaman ko na lang uli ito ng tumayo ako.
Masakit pa ba?,alalang tanong nito sa akin.
Tingin mo?,masungit ko namang sabi dito dahil masakit naman talaga amh ginawa nito.
Sorry babe!,sabi nito saka ako inalalayan sa sala nila para makaupo.
Okay ka lang ba talaga iho mukhang hirap ka sa paglalakad mo,nag-aalala na din na tanong ng ina nito sa akin tinignan ko ito bago sumagot yumuko naman ito.
Okay lang po talaga ako mom huwag na po kayong mag-alala sabi ko dito.
Oh sige maiwan ma muna namin kayo diyan at ikukuha ko lang ng gamot ang papa niyo inaatake na naman ng altapresyon .
Sige po sabay naming sabi dito.
Kapag may kailangan ka magsabi ka lang kay Bii iho!,sabi nito bago umalis.
Nabalot ng katahimikan ang sala sa pag-alis ng ina ni Bii.
Babe sorry talaga ha!,sabi nito sa akin habang nakayuko natatawa naman ako dito dahil para itong bata kung umasta.
Itinaas ko ang baba nito para iharap sa mukha ko.It's ok may kasalanan naman din ako dahil gumagawa ako ng kwento kanina,sabi ko dito habang seryoso na nakatitig sa mukha nito.
Ah basta sorry talaga tignan mo nga oh!,hirap kang maglakad dahil sa ginawa ko,puna naman nito at halata talagang nagsisisi ito.
Okay na nga di ba mamaya lang makakalakad na din ako ng maayos paninigurado ko dito.
Yumakap ito mula sa likod ko ipinatong pa nito ang baba sa balikat ko kaya naman na amoy ko ang mabango nitong hininga,nakaramdam tuloy ako ng iba.
BINABASA MO ANG
My Internet Buddy
Roman d'amourA love story has never notice because the feeling is mutual until they do some conversation by using internet site/connection, and their heart is being connected too? They develop the feelings but still pretending it's doesn't exist by being in deni...