Chapter 3

16 3 0
                                        


Andrei POv

Dude sino yung babae na yun?,mukhang seryoso sa pag-aaral ah!,maganda na matalino pa.

Ah yun si Bianca Madrigal yun!,matalino talaga yan type mo?,Hiro said.

Oo eh!naglakad pa kami palapit dito sinasadya ko pa nga talaga na salubungin kada lakad nito para makuha ko pansin nito pero kahit sulyap hindi man lang ginawa.

Mahihirapan ka diyan dude ilag yan sa mga lalaki siguro naloko na yan dati kaya ganon, komento naman ni Mico.

Nag-init bigla ulo ko sa sinabi nito,ang tanga naman nun kung sino man yun sabi ko dito.

Easy lang bro!,baka lang naman hindi pa ako sigurado dun saka hindi ako tsismoso noh.

Pinakatitigan ko pa ito ng tumabi ito sa gilid para bigyan kami ng daan.

Dude huwag mong pakatitigan maigi baka malusaw yan ikaw din,sabi nito na tatawa-tawa pa.

Tinawag naman ako nang mga ito ng malaman nila na hindi na pala ako nila ako kasunod. Tumakbo naman ako papunta sa kinaroroonan ng mga ito.Binigyan pa ako ni Hiro ng mahinang suntok sa tiyan type mo talaga ano napaghahalata ka na sabi pa ni Caleb.

Ganda kasi niya kaso mukhang wala naman siyang interes sa akin,walang epekto charm ko napapailing ko na lang na sabi dito.

Pagpasok ko sa klase ko kay Mr. Cabrera nakita ko ito doon kaya naman ng makita ko na bakante ang upuan sa tabi nito doon agad ako umupo,habang yung tatlo sa likod naman nito pumuwesto.

****sa cafeteria****

Inagaw ni Hiro ang pansin ni Anna nagprisinta na din ito na tutulungan ito sa paghahatid ng dala-dala nitong tray.

Nagtaray pa nga ito pero sa bandang huli napapayag din ito ng kaibigan ko.

Next class natin dude kay Ms.Reynosa buti na lang at classmate tayo sa lahat nang klase sabi naman sa akin ni Mico.

Ganun talaga malakas tayo dito eh pagmamalaki ni Caleb habang tatawa-tawa pa na kumakain.

****Ms.Reynosa class****

Late na ko!,kainis patakbo na ako sa klase ni Ms.Reynosa,pagbukas ko nang pinto sumalubong sa akin ang nakataas na kilay nito.

Sorry ma'am I'm late!,hingi ko dito ng pasensiya. You may take your seat Mr.Dela Rosa, pagkasabi niya niyon mabilis akong naglakad papunta sa likuran dahil may bakante namang upuan doon.

Matapos itong magbigay nang mga take down note's para sa exam bukas maaga din itong nagdismiss ng klase.

Dude gala muna tayo!,aya ni Hiro. Hindi pwede dude may exam tayo magrereview pa ako.

Magrereview ka bang talaga baka naman makikipag-chat ka lang diyan sa mystery internet buddy mo.

Eh ano naman sayo kesa naman kayo kausapin ko palagi niyo naman akong binabara eh!,mga basag trip kaya kayo sagot ko naman dito.

Hindi naman sadyang iniinis ka lang namin dude ikaw naman masyadong pikon siniko pa ako nito pagkasabi niyon.

Ah basta hindi ako pwede ngayon, pasensiya na talaga next time na lang ha!,pagkasabi ko niyon sumakay na ako sa sasakyang sumundo sa akin.Nadaanan ko pa si Bianca na nakisabay sa mga kaibigan nito sa pag-uwi.

Sir didiretso na po ba tayo sa inyo tanong naman sa akin ng personal driver ko na si Alvis.

Tsk!sabi nang huwag mo na akong tawaging Sir naiilang ako pwede naman sa pangalan ko angal ko dito.Tumawa naman ito sa sinabi ko ginantihan ko naman ito ng ngiti.

Oo diretso tayo sa bahay magrereview ako may exam kami bukas alam mo naman si dad ayaw niya nang nadidisappoint. Okay sagot na lang nito saka ibinaling ang atensyon sa daan.

Pagkalapag na pagkalapag ko ng bag ko sa upuan malapit sa headboard ng kama ko kumatok naman ang isa sa mga katulong namin.

Sir Andrei kain na po kayo naka handa na ang pagkain sa baba,tumango naman ako dito bago nito isinara ang pinto.

Nagpalit na ako ng pambahay at kaagad bumaba dahil ayoko ng naghihintay ang pagkain.

Pagkadating ko sa hapag nandun naman si Nanay Cora nakangiti na ito ng makita na ako.

Iho nandiyan ka na pala maupo ka na at nang makakain ka na alam kong pagod ka sa buong maghapon mo sa eskwela.

Nanay naman hindi na po ako bata bente anyos na po ako sabi ko habang nakanguso.

Ay oo nga pala pasensiya ka na iho nasanay lang talaga ako na ganito tayo, sa susunod niyan mga anak mo na aalagaan ko biro nito kaya naman nabulunan ako.

Dali-dali naman ako nitong dinaluhan at hinihimas ang likuran ko habang iniinom ko naman ang tubig na naabot ko.

Nang umayos na pakiramdam ko nakahinga na din ito nang maluwag.

Nay naman talaga matagal pa po iyon pero darating din tayo diyan huwag niyo lang po akong madaliin.

Natawa na lang ito sa sinabi.Sige na nga sabi mo eh maiwan na muna kita diyan dahil mamaya darating na ang mommy mo may ipinaluluto sa akin iyon.

Sige po sagot ko.Nang maiwan na ako nito nagpatuloy na ako sa pagkain nang matapos ako iniligpit ko na ito saka hinugasan.

Naku sir ako na po diyan magagalit po ang mommy niyo kapag naabutan kayo sa ganyang gawain.

Ako na!,saglit lang to saka iilang piraso lang ito basta huwag ka na lang maingay kay mommy kinindatan ko pa ito.Sige po kayo pong bahala mapilit kayo eh.

Nang natapos na ako umakyat na ako sa kuwarto ko binuklat ko ang mga dapat aralin para sa exam bukas nang natapos ko naman na ang mga ito dinampot ko na ang cellphone ko para naman makipagkwentuhan sa "internet buddy" ko.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon