Bianca Pov
Hello!, nandito na ako sa labas nasaan ka na ba?,sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya.
Wait lang palabas na ako,sabi naman nito bago tinapos ang tawag.
************
Kanina ka pa ba diyan?,seryosong tanong nito nang makita ako.
Hindi kadarating ko lang din kaya okay lang,sagot ko dito.
Tara pasok na,wala kasi yung isang maid namin namalengke kaya ako na nagbukas sayo ng gate, paliwanag naman nito.Napangiti na lang ako sa mga naging reaksyon nito halata ang pagiging tensyonable nito.
Okay lang ba?,tense na tense ka ha!,tanong ko dito.
Oo naman,pautal-utal nitong sabi sa akin.Iginiya na ako nito papasok sa bahay nila napahanga na lang ako sa loob nito dahil malinis talaga parang hindi uso ang alikabok sa bahay na ito nasabi ko na lang sa isip ko.
Upo ka wait lang ikukuha muna kita ng maiinom,umalis din ito kaagad pagkasabi niya niyon iginala ko pa ang paningin ko sa sala na kinauupuan ko ang ganda talaga dito talagang pangmayaman nawala ako sa paghanga ng makita ko na ito na may dala-dalang tray ng juice at cupcake.Kumuha ako ng isa sa cupcake na dala nito ninamnam ko pa maigi ito dahil napakasarap ng lasa nito kumpara sa nabibili lang sa tindahan sa may labas.
Masarap ba?,tanong nito tumango naman ako saka kumuha pa ng isa at kinain ito.Baka gusto mo pa marami pa dun sa kusina teka ikukuha kita,tatayo na sana ito pero pinigilan ko ito.
Huwag na nakakahiya naman okay na tong dala mo,sabi ko dito tumawa pa ito kaya itinaas ko ang kabilang kilay ko.
Ang ganda mo talaga kahit malakas kang kumain at saka sa tuwing napipikon ka lalo akong naiinlab sayo!,sabi nito na alam kong ikinapula ng pisngi ko.
Che!,binobola mo pa ako bwisit ka ang sarap kasi talagang nitong cupcake kaya di ko mapigilan sarili ko,sabi ko dito kaya ngumiti ito ng pagkalaki-laki.
Talaga?,hayaan mo next time pagnag-beyk ako ulit dadamihan ko para naman may mai-take out ang fiance ko,nasamid pa ako dahil sa sinabi niya.Tumayo naman ito agad hinaplos nito ang likod ko habang umiinom ako ng tubig.
Tinitigan ko ito ng masama. Bakit totoo naman ah!,magiging fiance na kita simula sa araw na ito.Nagbaba na ako nang tingin dahil ramdam ko na seryoso ito sa sinabi niya.Akala ko ba kunwarian lang tapos ngayon mukhang tototohanin pa ata ng unggoy na to ah!,sabi ng isip ko.

BINABASA MO ANG
My Internet Buddy
Roman d'amourA love story has never notice because the feeling is mutual until they do some conversation by using internet site/connection, and their heart is being connected too? They develop the feelings but still pretending it's doesn't exist by being in deni...