Chapter 12

13 2 0
                                        

Andrei POv


Rei:Good morning

Rei:it's been a long time since we do conversation...
So how are you?

*****

walang reply siguro tulog pa,mamaya na lang ulit.

(tok-tok-tok-tok)

Pasok po?sabi ko sa kumakatok,hindi naman nagtagal bumukas din ang pintuan.

Iho aalis lang ako dadalawin ko lang ang apo ko sa probinsiya mga dalawa o tatlong araw din ako doon,paalam ni Nanang Cora.

Okay po,ingat po kayo saka huwag po kayong magmadali kung hindi naman kailangan tutal naman po kaya ko naman ang sarili ko.Magaling ata teacher ko sa house course pagmamalaki ko pa dito kaya tumawa ito.

Ikaw talaga hindi mo na ako kailangan bolahin dahil hindi ko naman minamaliit ang kakayanan mo pero sigurado ka ba na ayos lang na matagalan ako doon?,paninigurado pa nito.

Tumango naman ako dito saka binigyan ng matamis na ngiti para naman mapalagay na ito at hindi na makadagdag pa sa alalahanin at iniisip nito.

Okay sige papakabait ka dito kapag wala ako baka naman kung anu-ano lang ang atupagin mo habang wala ako panemermon nito.

Hindi po promise papakabait talaga ako dito saka malaki na po ako kung tutuusin hindi niyo na po ako kailangan pang alagaan dapat nga kayo ang inaalagaan.

Dahil ba ugud-ugod na ako?, seryosong sabi nito.

Hindi po sa akin nang galing yan,sagot ko dito kaya tumawa na naman ito.

Oh siya sige aalis na ako ikaw na ang bahala dito sa inyo basta yung pangako mo iho,ulit nito.

Opo pangako po, pagkasabi ko non umalis na nga ito.Nakapag-impake na pala ito kagabi pa lang kaya naman hindi na ito nagtagal pa pagkatapos magpaalam.

Tatayo na sana ako nang mag-vibrate ang cellphone ko.

***

Bii: good morning din.

Bii:oo nga it's been a long time na pala.
Ayos lang naman ako.ikaw?

Rei: eto nagluluto pa lang magbreakfast.

My Internet BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon