Prologue

2.6K 58 8
                                    


Pagpasok ko pa lang sa pasilyo ng kumpanyang ito, nakita ko na ang napakaengrandeng design nito. Kung titingnan para na itong hotel. Halata talaga na mayaman ang may ari nito. Sana talaga matanggap ako dahil ito na lang ang pag asa ko para maipagamot ang kapatid ko. Sa lahat ba naman ng sakit bakit kasi yung pang magastos bakit di na lang sipon o ubo.


Nang makita ko na ang room na papasukan ko nataka ako, bakit parang walang nag aapply? sa ganitong klaseng kumpanya at malaking sahod choosy ka pa? O baka naman late na ako?


Nagmadali akong pumasok sa loob at nakita ang isang gwapong lalaki. Siya na kaya ang may ari? Shockss!!! Gwapo!!! Ang talino pa tingnan!!! Yummy talaga!!!


Shhhhh.. Bago ka mag fantasy dyan mag apply ka muna noh? Sabi ng aking utak.

Nang tumingin na sa akin ang gwapong lalaki parang nakalimutan ko yung sasabihi ko.

"Ahhh... May nakapagsabi kasi sakin na may ino-offer daw na job interview dito na sobrang laki ng salary? Dito po ba yun?"


"That's right, you are in the right place! We would like you to work for a month" isang buwan lang!! May ganun bang trabaho?


"Ahh, sorry sir but-- why only a month!" 


"Yun muna ang ibibigay naming contract sayo. Pero kung after 1 month at na-evaluate na magaling ka, pwede ka pang magtuloy tuloy."


"Ah ganun po ba? Don't worry sir masipag po ako lahat ng klase ng trabaho kaya kong gawin."


"Are you sure? Kung ganun pirmahan mo na ang kontrata." sabay bigay sakin ng papel. 


Di na ako nagpatumpik tumpik pa at pinirmahan ko na agad, baka magbago pa isip eh. Nang ibigay ko na sa kanya yung papel, tiningnan niya ito isa isa.


"Sandali lang sir? Tinanggap niyo po ako agad ng wala man lang interview?"

"Don't worry we already read your files. at pumasa ka naman sa boss ko. I'm Zurc Aled Cuenca and we will be co-workers from now on." sabi niya sakin sabay ngiti. Grabe nakakaklig naman, ang lambot pa ng kamay niya parang di kamay ng lalaki. Di kaya bakla ito?


"Ahmm.. Rhazensia De Avila. Can i ask, ano  ba yung trabaho ko dito?"


Muli siyang ngumiti at sinabi sa akin ang trabaho ko na sobrang ikinabigla ko.


"Ako!! Magiging FIANCE ng CEO ng kumpanyang ito?"




__________________________

Please continue to support this story until the end.

Open for suggestion, opinion ... just right your comment..

If you like my story.. just click VOTE.

If you like me, just click Follow.

The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon