Chapter 19- the challenge begins.

569 20 1
                                    

Para mas madama po sa story ang pinagkaiba ng puppy-like at wolf-like personality  ni Alzied kaya gagawin ko nalang BOLD letters kapag si Alzied ay nasa wolf king mode.

------------------------------------------------------------------------------------

Zen's POV

Dito sa Eldefonso Group of Companies mayroon isang nilalang na binansagan nilang WOLF KING. Ang nag iisang si Alzied Edefonso.

"You should hand these things into your supervisor. I don't have time to deal with stupid people."

"Y-yes. Mr. Eldefonso."

Nandito lang naman kami sa conference room para sa isang presentation ng lugar kung saan itatayo ang isa sa hospital na ipapatayo ni Alzied.

At syempre ang ganitong scenario ay di na bago.

"such a foolish proposal and presentation. It needs improvement. If i am one of the investors i will disregard this presentation in a minute."

Grabe talaga si ALzied.. Kung ako yung taong pinapahiya niya sa harap ng ka-office worker ko mas pipiliin ko na lang magresign.

Kahit na alam ko naman na nagpapanggap lang si Alzied di ko pa din mapigilan ang manginig lalo na kapag ganyan ang boses niya.. Nakakatakot!!

At ako si Rhazensia 'Zen' De Avila ang nag-iisang asawa niya lang naman.. 

"I'm sorry Zen. This meeting will be over soon. Wait for me to finish. I'll quickly wrap this up."

Nakakakilabot ang ngiti niya kapag umaarte siya as wolf king.

Suss.. ang sabihin mo nahuhulog ka na naman- puso

Che!! naguumpisa ka naman ahh..

"Ahh.. oo naman.." nakangiti kong sabi.

Oo, totoo na sobrang special treatment ang natatanggap ko dahil sa kinikilos ni Alzied towards me lalo na sa harap ng maraming tao.

At ang mga tingin na yan??

Dapat na akong masanay. 

Yung iba naiinggit sakin dahil ako lang naman ang hindi niya sinisigawan ng ganyan at tingin ng iba, ako lang ang pinakaimportanteng tao kay Alzied kaya nag iingat sila sa mga kinikilos nila sakin. Parang pangalawa ang authority ko kay Alzied kahit na hindi naman ako kasama sa meeting o kahit na anong business affairs.

Alam ko maraming tao dito sa opisina ang mga pinaplastik lang ako. Oo nginingitian nila ako pero kapag nakatalikod na ako kung ano ano na ang sinasabi nila tungkol sakin. Dapat na din ako masanay sa ganung treatment sakin dahil ako naman ang pumili nitong trabaho na ito. Konting tiis na lang, matatapos din ito.

Huhuhu.. doble na nga ang salary ko pero parang parehas pa din sa dati dahil kalahati napupunta doon sa pagbabayad ko ng utang.


---------------------

Nang matapos na ang meeting nandito na kami ngayon sa office ni Alzied. 

"Ahmm.. Alzied diba sabi mo hindi maganda ang pakiramdam mo? Bakit ang dami mo pa ding trabaho. Dapat nagpapahinga ka na lang."

"Talaga bang sinabi ko yun?"

Aba!! Talaga itong si Alzied.. pinapakita na naman ang kanyang innocent look.

"Oo kaya. Sobrang nagmadali nga ako pumunta dito ng pagkaaga aga dahil sabi mo kailangan mo ako dito ngayon. At dahil part ng trabaho ko na alagaan ka kaya ako nandito."

The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon