Zen's POV
"Pasensya ka na kanina ah.. Yung mga taong katulad niya lang talaga gagawin ang lahat para lang masigurado ang posisyon sa kumpanya."
Ayan na naman siya. Nagpaalam siya sakin kanina kasi may meeting pa siya, tapos na ang meeting pero sorry pa din ng sorry. Eto ako ngayon nasa opisina niya at nakikinig sa litanya niyang pagkahaba haba.. Puro sorry lang naman..
"Nakakatakot isipin na sa ganung paraan ako gagawing puppet ni Mr. Alvares. Pero masaya ako dahil pinagsabihan mo siya para sakin. Nakakahanga!!"
Kahit kelan talaga napa-cute niyang tingnan kapag ganyan ang expression ng mukha niya. Parang batang binigyan ng bagong regalo.
"Masyado ka namang masaya dyan! Ginawa ko lang yun dahil ayoko sa mga taong kagaya niya na walang magawa kundi ang mang insulto."
Napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla siyang tumitig ng seryoso sakin.
"Ang mundo ay punong puno ng mga taong kagaya niya. Lalo na kapag ikaw ang nasa tuktok. For their own benefit, they can lie and put a smile on their faces for you. Kapag wala ka ng silbi sa kanila, isa na din sila sa mga kumakalaban sayo. Kaya ang arrange marriage ay wala lang sa kanila. Pero para sakin hanggat maari gusto kong makasal sa taong mahal ko."
"Alzied...." Para sa taong napakabait at maamo na gaya niya.. Sigurado akong nahihirapan siyang mamuhay sa ganitong klase ng mga tao. Buti na lang nandyan si Aled para tulungan siya.
"Alzied... Ano.... Alam ko 1 month lang akong magiging fiance mo at binabayaran mo lang ako pero....gusto kong malaman mo na ako? Ang fake fiance mo ay isa sa mga kakampi mo dito."
Di ko maintindihan kung natutuwa ba siya dahil sa expression ng kanyang mukha. Parang maiiyak na siya pero nakangiti kaya sinuklian ko din siya ng ngiti. Pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"Salamat!! Di mo lang alam kung paano mo pinapalakas ang loob ko. salamat dahil dumating ka sa buhay ko."
Eh??
Grabe di na ako makahinga. Parang mayroong karera sa puso ko na nag uunahan lumabas. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa yakap niya. RAmdam ko na ang pag init ng mukha ko at alam kong pulang pula na ko.
Dahil pakiramdam ko hihimatayin na ako, at umiikot na din ang paningin ko, agad ko siyang tinulak para magkahiwalay kami.
"W-wait lang heheh Alzied... Wala namang tao dito sa loob ng opisina mo kaya di natin kailangang umarte... hehehe Diba?"
oo alam ko na parang baliw na ko dito dahil sa pilit kong tawa at pautal utal na salita. Anong bang magagawa ko? Halos di na gumagana ang utak at puso ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nagpapanggap lang kami kaya di dapat ako mainlove pero itong puso ko tinatraydor ako..
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...