Thank you po sa patuloy na pag add ng story ko sa reading list niyo. Sana po support niyo with vote or comment??
I dedicate this chap to lheerac02041993 for not just reading but also for clicking vote for my story..
Kamsamnida ^_^
I hope all of you will ENJOY this chapter!!
-------------------------------------------------------------------------------------------
Zen's POV
Good morning world!!!
Grabe yung mga nalaman ko kagabi akala ko di na ako makakatulog ng maayos, natatakot akong bangungutin eh. Pero akalain mo yun? Mas mahimbing pa ang pagkakatulog ko ngayon.
Siguro dahil mas lumuwag na yung pakiramdam ko. Medyo nabawasan na din kasi yung tanong ko sa isip ko.
*tok *tok
Pagkatapos ko maghilamos, agad ko din binuksan ang pinto at bumungad sakin ang pinakapoging cute na nakilala ko..
"Buti at gising ka na ng kumatok ako. Ayaw kasi kitang istorbohin eh. Aayain sana kita magbreakfast?"
"Ah.. sure.. Pababa na din naman ako pagkatapos ko mag ayos..Hintayin mo na lang ako sa baba. Sandali lang naman.." nakangiti kong sabi..
Kung ganyang mukha ba naman ang makikita ko araw araw magiging inspired ka talaga.
Mula sa aking sleeping wear, naligo na ako at nagbihis. Paalis na ako ng magulat ako sa paglabas ko dahil nandyan pa siya sa labas.. Di ko alam ang i-rereact ko. Nakakahiya!!!
"Ahh..a-ano.. Alzied? Di ba sabi ko sa baba mo na lang ako intayin.."
"Mhmm.. Ayos lang .. Gusto ko kasi sabay tayong bumaBA.." Pagkatapos niya sabihin yun agad na siyang nauna maglakad papuntang hagdan..
Ako naman panay ang tingin sa paligid, may nagmamasid ba samin?
Hay.. natutunan ko itong strategy na ito para ma-differentiate ko ang totoo sa hindi. Malay ko ba kung umaarte lang siya.. Mahirap na noh? Sobrang fragile na ng heart ko baka pag nahulog pa ulit tuluyan ng mabasag.
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...