Dahil po may nagvote agad! Update na po ako nito agad din!
Mas mahaba po ang update kapag may nag comment naman..
Thanks sa pag support 😁- - - - - -
Zen's POV
Nanaginip ba ako? Nasa isang reality show ba ako? May mga camera ba dito?
Di ko alam na ito pala yung trabahong sinabi sa akin ni Papa.
FLASHBACK
"Anak di ba sabi mo gusto mong magkaroon ng trabaho bukod sa pagtulong sa akin mag-manage ng ating department store? Narinig ko sa iba kong mga kaibigan na may opening daw sa Eldefonso Group of Companies. Bakit di mo subukan? Doble o kaya triple pa ang sweldo mo na makukuha kaysa sa kinikita ng department store natin." sabi ng papa kong business man.
"Osege Pa! Saan ba yan?"
"Dun sa **********. Kaso lang mag ingat ka doon ha? Balita ko kasi nakakatakot daw yung CEO dun. Kaya sigurado ako konti lang ang mag aapply. Sabi kasi mga desperado lang talagaang nag aattempt na pumasok dun."
"Hayy naku papa! Sa kalagayan natin ngayon magiging choosy pa ba ko?"
"Basta anak ha? Mag ingat!"
"oo na po. Sige aalis na ako. Tsaka kung sakaling makapasok man po ako, CEO po yun at ako hamak na empleyado lang. Malamang di ko makikita yun. Baka minsanan lang."
END OF FLASHBACK
Nanginginig ako ngayon habang kaharap ang CEO ng kumpanyang ito. Totoo nga ang sabi nila nakakatakot nga siya. Tingin palang maninigas ka na!!
Pero infairness ang ganda ng mata niya. Naka-contact lens kaya siya o natural lang yung kulay nun. Gusto ko pa sana titigan kaso lang feeling ko pag nagka-eye contact kami himatayin ako nito.. Damang dama ko ba naman ang presensya niya sa kinatatayuan ko eh.
Sa totoo niyan, nagtaka talaga ako kung bakit wala na akong interview at hired agad tapos pirma agad? Sabi ko na ba eh, kasalanan mo ito pera at kahirapan!!! ngayon sa kangkungan ang bagsak ko nito huuhu!!!
"No qualifications needed!!" nagulat naman ako dahil biglang nagsalita si Mr. Cuenca.
"Ha?" Sa sobrang takot ko di na pala ako nakikinig sa mga pinapaliwanag niya sakin.
"Ang ibig ko lang sabihin. Ang role mo lang ay magpanggap na fiance ni Mr. Eldefonso. At bawal na bawal na may makaalam na nagpapanggap lang kayo o binabayaran ka namin. Maliwanag?"
Sa totoo niyan wala akong pakialam kung mahirap yung trabaho. Ang pinag aalala ko ay yung mga tsismis tungkol sa kanya. Nakakatakot daw siya at napakasama niyang tao. May napatay na din daw ata siya dahil sa isang business na tinanggihan siya.
Itsura at presensiya pa lang nakakatakot na!!! Binalaan pa naman ako ni Papa tapos ganito??
"What? Aren't you going to greet me or shake my hands?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita ang CEO. Boses pa lang parang di na gagawa ng mabuti. Ang lalim parang galing lupa tapos idagdag pa ang pokerface niya.
Hindi ako makahinga, nanginginig ang tuhod ko. Kung anong kinaamo ng mukha ng secretary niya siya naman nakakatakot ng sa kanya.
"Sir, Hindi di po siya magtatagal. Tulad ng iba 1 month contract lang po ang binigay ko sa kanya." Paliwanag ni Mr. Cuenca
"Really!?? How Boring!! Akala ko pa naman mayroon na akong cute na rabbit" Lalong nanigas ang tuhod ko ng ngitian niya ako. Yung ngiting hindi nakakakilig bagkus ngiting nakakapatay. Parang kakainin niya ako ng buhay.!!
Tama!! Kilala ko pala siya. Alzhied Eldefonso. Kilala siyang "Wolf King" ng business world at dahil kasama kami dun kahit na ang business namin ay walang wala kumpara naman sa kanya di maipagkakaila ang impluwensiya niya. Siya ang kaisa isang tagapagmana ng mga Eldefonso. Dahil sa unxpected accident na nangyari sa kanyang pamilya naiwan sa kanya ang kumpanya nung siya ay 18 years old pa lang. Akala nga ng iba babagsak na ang kumpanya nila pero mas lalo pa itong lumago. After 4 years Mula sa pagiging Eldefonso Real Estate Inc. naging Eldefonso Group of Companies dahil di lang real estate ang sakop nila, pati hotels, restaurants, fashion designing, furnitures, department stores at marami pang iba. Di lang siya wolf king dahil sa nakakatakot ang presensya nya kundi pati na din ang kakayahan niya bilang isang business man. Isa siyang living protege sa panahon na ito.
"Osege Ms. De Avila makakaalis ka na. Nakita ka na ni Sir Eldefonso kaya pwede ka ng umalis." nakangiting sabi ni Mr. Cuenca sakin. Hulog talaga siya ng langit. Dahil kanina ko pa talaga gustong umalis. Nagbow lang ako sa knila tapos diretso labas na rin.
Nang makalabas na ako, kumuha ako ng madaming hangin dahil pakiramdam ko di ako nakahinga sa loob. Nakakasuffocate. Totoo nga na mataas ang sahod, papatayin naman ako sa takot. Sa sobrang takot ko di na ako nakahindi sa kanila.
Tama!! Babalik ako at sasabihin na gusto ko ng umatras sa kasunduan. Maghanap na lang sila ng iba.
Bumalik ako sa kwarto at may narinig akong taong na-uusap.
"Pero teka lang Aled, diba sa naisip mong strategy mas lalo akong mapapagod dahil kailangan ko pang umarte sa harap ng iba." ha? may ibang tao ba sa loob? sandali lang naman akong umalis ah..
"Shhh.. Sir.. Dahan dahan lang sa pagsasalita baka di pa siya nakakalayo at marinig niya kayo." ako ba yung tinutukoy nila? Lumapit pa ako lalo sa pinto para mas lalong marinig ang pag uusap nila
"Ehhhh.. Pero Aled?" nakakatawa naman toh parang bata. Dumating siguro yung kaibigan niya.
"Shh.. Sir! Sa ginagawa niyong yan malalaman niya na ang sikreto mo!" ha? sikreto??
Saktong papasok na sana ako ng bumukas ang pinto at iluwa nun ang CEO .. Teka siya pa ba ang CEO??
Yung kaninang halos manlambot na yung tuhod ko sa sobrang nakakatakot niyang tingin ngayon naman halos gusto ko na siyang yakapin para i-comfort."Ahhhh..... Ehhhh..." di siya makapagsalita ngayon.. anong nangyari??
"Sir??" takang tanong ko sa kanya.. Malay ko naman baka may kambal ito diba?
"Ahh... Aled!!! ALAM NA NIYA!!" pasigaw na sabi niya habang nakatingin pa din sa akin. Yung ekspresyon niya natatawa ako kasi siya naman yung takot na takot. hahaha
"Ano?? Ms. De Avila diba sabi ko makakaalis ka na? Bakit nandito ka pa?"
Teka anong nangyayari dito?
________________________________
Continue lang po sa pagsupport.. :)
Vote? if you like the story,
Comment? Para alam ko po nasa isip niyo about this.
Follow? Kapag natripan
Ps. Special thanks kay JunalynBalagulan. Please continue to support this.
by: missterious00
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...