Chapter 39- Alzied vs Azazel part 2

425 14 1
                                    

pasensya na po sa late update. May pinagdadaanan lang hahaha..

Sana po magustuhan niyo pa din ang chap na ito kahit na uninspired ako nung gawin ko ito.

ENJOY!

==================================

Zen's POV

Walang forever!

Lahat ay may katapusan..

Tulad na lang nitong bakasyon ko, panandalian lang.

Napag alaman ko kasi kay Aled na kailangan  na daw namin bumalik dahil sa kailangan na si Alzied sa opisina.

Iniisip ko tuloy kung hindi ko kaya sya kasama nasulit ko kaya itong bakasyon ko?

Makakaulit pa kaya ko?

Sigurado, matatagalan na naman bago ulit ako makauwi samin...

Dahil dito makakaramdam na naman ako ng sobrang pagkamiss sa kanila lalo na itong cute na cute kong kapatid..

Nakakaloka nga dahil sa haba ng bakasyon ko dito samin di ko man lang nakita si papa miski isang beses. Hayy.. kawawa naman itong kapatid ko.. siya ang umaako ng reponsibilidad ko dito sa bahay pati na din sa pag manage ng maliit na sarisari store namin.

Pero itong pag alis ko ay para din naman sa kanila kaya tiis tiis muna.

Teka nga pala nasaan kaya yun si Alzied?

Mukhang nasobrahan ata sa enjoyment at ayaw pa ata papigil sa bakasyon niya. 

Nang makalabas ako ng bahay nakita ko na yung likudan niya.

Papalapit na sana ko kaso..


may kausap siya?

"I have entrusted some of my obligation to the vice president. More importantly, after i go back to my office report to me the current status of the Eldefonso Medical Hospital.That is all. You can go back now."

"Yes Sir," pagkatapos niya sabihin yun agad na din siyang umalis.

"Zen?"

Teka napansin na niya pala ako.

"Ahmm.. ayos lang ba na nandito ako? Mukhang naistorbo ko ata ang usapan niyo kanina."

"Ahh.. yun ba? Wala yun, nagkaroon lang ng biglaang emergency at kailangan ng authority ko bago sila kumilos. Mukhang pinapaalala na sa akin na kailangan ko na talaga bumalik sa opisina." nakapalumbabang sabi ni Alzied

"As expected kay Aled.. Alam niya pa din kung san ka hahagilapin kung sakaling magkaroon ng emergency."

Kinabahan ako kanina..

Dahil lang ba sobrang tagal na simula nung huli ko siyang nakita na nakawolf king business  mode?

Parang yung ganung pag arte ni Alzied ay di bagay sa lugar na ito. Kadalasan kasi sa conference room ko yun nakikita.

Hayy.. dahil sa wolf king mode niya kanina, naging wake up call sakin yun na babalik na ulit ako sa dati kong buhay/ trabaho..

ang pag arte bilang asawa ni Mr. Eldefonso,,

----end of POV---

***


Third Person POV

Sa kalayuan makikita ang mga nag uusap na mga kalalakihan.

"Naintindihan niyo na ba ang plano?"

The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon