Chapter 45- ....That is why i love you

334 14 5
                                    

Saturday is update day!! Yehey!!

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta. I hope po suportahan niyo din yung ibang stories ko hehehe..

This is my fresh update.. Enjoy:)

=========================================================

Zen's POV

Hayy.. sa wakas ng panahon matatapos na din ang 1 week vacation namin.. Ang tanong bakasyon nga ba? Naku hihingi talaga ako kay Aled ng dagdag sweldo!!

Nandito kami ngayon sa office ni Aled, ano pa nga ba ang gagawin edi magmi-meeting..


"The departure will be early tomorrow morning. " sabi ni Aled

Last day na pala namin ngayon, susulitin ko pa din ito kahit last day na!!

"Before we depart tomorrow, meron muna tayong grand ball na gaganapin mamayang gabi kaya make sure na magpahinga ka buong araw at bawal ka na magswimming baka magkasakit ka ulit. Important event yun mamaya." paalala sakin ni Aled


Naku naman!! Akala ko pa naman masusulit ko yung swimming ko..

Grand Ball?? Naku siguradong mapapagod na naman ako sa kakaarte nito.

"Sige makakaalis ka na Zen.. and Sir? we will have a meeting regarding the matter i told you last night?"

Ha? Meeting? Di talaga ko kasama? Baka about business lang yun.

Di ko na sila pinansin at naglibot libot na muna ko, tutal bawal magswimming eh.. Picture picture nalang..

Nakakainis naman.. Last day na namin dito sa resort pero hanggang sa last day work pa din ang inaatupag niya..Mukhang fail na talaga yung plano ko na magrelax si Alzied dito.

Kahit pa sinabi niya na masaya siyang pumunta kami dito dahil kasama niya ako..

Huh??

at syempre hanggang sa last day na ito, di pa din ako pinapansin ng mga attendant.

Ni hindi ko nga alam kung galit ba sila sakin o ano.. Basta di lang nila ako pinapansin na para bang gawa ako sa hangin.

Ginagawa naman nila ng maayos yung trabaho nila kaso di katulad nung una na halos prinsesa ako kung ituring.


Ahh basta, kung ayaw nila ako pansinin edi wag..

"Teka lang, hot bath? Parang di ko pa natatry yung hot bath na ito ah.. pero ang sabi nila 17 lang daw ang paliguan nila dito.. Bakit may pang 18?"

Ayun? May tao ako pwede pagtanungan..

"Uhnmm .. Excuse me?" aba di ako pinansin..

Syempre di ako papayag kaya hinila ko siya, imposibleng di niya ko mapansin nito.

"Hi! Amm.. yung hot bath na nakasulat dito pwede bang gamitin? sa pagkakaalala ko kasi 17 lang yung sinabi niyo sakin dati.."

"yan po ba? Secret hot bath po kasi yan."

"Secret??"

kahit pa secret yan, gagamitin ko pa din.. Technically di ko naman sinusuway si Aled dahil magbabad lang naman ako at di magsuswimming.

"Opo, special po kasi ang hot bath na yan at tanging mga VIP lang ang pinapagamit namin dyan. Kaya medyo malayo po siya compare dun sa iba."

VIP?? Pwede naman din akong VIP dahil asawa ako ng may ari diba?

The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon