dahil po may comment na agad, just like i promise..
eto na po ang fresh update today..
ENJOY!!
------------------------------------------------
Zen's POV
As usual nandito na naman ako sa office ni Alzied. Pero dahil tambak ng paper works si Alzied kaya wala akong magawa kundi panoorin siya.
Bakit ganun habang tinitingnan ko siya nag iiba na ang pakiramdam ko?
Ahahahahaha..
Ano ba itong iniisip ko?
Sabi ko na ba hindi ako pwedeng manatiling ganito. Walang ginagawa. Dahil kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
"Ahmm.. Alzied? Wala ba akong pwedeng maitulong sayo?"
"Hmm.. Siguro nabo-bored ka na noh?"
"Ahh.. HIndi naman sa ganun. Gusto ko lang talagang tumulong."
"Ok i get it. I'm just joking. Etong files pakibigay kay Aled at pakisabi na bago ko pirmahan yan pakiclarify muna yung objectives."
pagkatapos sabihin yun ni Alzied agad na din ako lumabas at pumunta sa office ni Aled.
Kaso lang asan siya?
Tinanong ko yung isa sa secretary at ang sabi niya meron lang daw inasikaso si Aled.
Hmm.. alam ko na, iiwan ko na lang yung files sa desk niya at mag iiwan na lang ako ng notes.
Pero syempre hahanapin ko pa din siya.
MAhirap na baka magkasalisihan kami, mas mabuti na yung nandito na yung files sa desk niya incase na bumalik siya.
"Porket nakakatanggap siya ng special treatment kay Mr. Eldefonso ganyan na siya umasta. Ang lakas pa ng loob niyang sabihin na walang kinalaman ang pamilya niya dito eh obvious naman na meron." huh? Parang pamilyar yung boses na naririnig ko ah.
"He thinks that everything he has now is because of his hardwork. Sino kaya ang niloloko niya. Ang mga nanggaling sa pamilya Cross ay masyadong matataas ang tingin sa sarili."
Teka lang.. Cross? pamilya ni Ryuen yun ah..
Nakakatanggap din pala ng tsismis ang lalaking yun?
Nang sumilip ako, nakita ko na naman yung limang lalaki. Sila yung nagtsismis din tungkol sakin ah.
Kalalaking tao daig pa ang babae pagdating sa tsismis.
"Teka lang pare, siguradong ok lang ba itong ginagawa natin?"
"Oo naman. "
"Pero ito yung mga reports na pirmado na ng CEO. Tapos itatago natin?"
"Kasalanan ng Ryuen Cross na yun dahil nilagay niya lang ang important reports na ito kung saan makikita natin."
"Pero parang mali talaga ito eh. Pag nahuli tayo ng CEO lagot tayo."
"Wag ka mag alala. Itatago lang naman natin eh. Di naman natin sisirain. Kapag napagbuntungan na ng galit ng CEO si Ryuen Cross ibabalik na natin toh."
"Sabagay. Paminsan minsan hayaan din natin si Ryuen ang mapagalitan para maramdaman niya rin yung nararamdaman natin."
Hindi ko na talaga masikmura yung mga pinagsasabi at ginagawa ng mga 'to. Kailangan silang turuan ng leksyon.
"What are you doing?" tanong ko sa kanila. Kahit na alam ko naman ang balak nilang gawin.
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...