Chapter 34- Who is better?

394 10 2
                                    

Dahil po lagpas na ng 1 week simula nung huling update ko kaya kahit wala pa sa quota nakapagdecide ako na mag update na.. Di ko matiis yung iba na gusto na talaga ako mag update eh..

Here is my fresh update.. ENJO_OY!!

----------------------------------------------------------------------------------------



Zen's POV

[pakisimulan po sa 3:30 ang video hehehe..]


Huh? Tunog ng piano?

"Mam, nandun po si Ms. Naomi sa may garden." sabi ng isang katulong.

"Ahmm.. Si Naomi ba ang tumutugtog?"

"Ah.. Opo mam. Maganda daw po kasi ang music sa umaga."

"Eh si Alzied?"

"Di ko pa po siya nakikita, baka po umalis na po."

Sana nga ganun.. dahil kapag narinig ni Alzied ito siguradong mahuhulog siya.

Bakit ba yun ang nasa isip ko?

Eh ano ngayon kung mahulog siya? Di naman kami para maging possessive ako.


Ang ganda ng music..


Parang yung ganitong klase ng musika ay maririnig mo lang sa isang concert.

Habang papalapit ako ng papalapit, lalo ko nagugustuhan ang musikang naririnig ko.

Nang makarating na ako sa garden nakikita ko na si Naomi.

Kahit ba naman sa pagtugtog ng piano ang ganda niya pa din? Idagdag pa ang mabibilis niyang mga kamay.

Naalala ko tuloy nung bago pa lang ako. Sinubukan ako ni Aled ipa-train sa iba't ibang music instructors baka sakaling may instrument na bagay sakin. Pero miski anong instrument nahihirapan akong matutunan. Kailangan daw kasi na Kahit papano merong ipagmamalaki sa iba ang asawa ni Alzied.

Mukhang sa pagluluto at paglilinis lang talaga ako magaling.

Huh? Huminto na yung music.

Nakita ko si Naomi at mukhang napansin na niya ako kaya siya huminto, ngayon ay papalapit na siya sa akin.

"Ahmm... Mrs. Eldefonso, nakakahiya po at kailangan niyo pang marinig ang amateur na pagtugtog ko. Nasa process pa lang po kasi ako ng pagkatuto eh.."

Ha? Amateur pa ba yang matatawag? Eh ano pa kaya ang tawag sakin pag ako na ang tumugtog?

"Ah.. Hindi, sa totoo niyan ang ganda nga ng pagkakatugtog mo." 

"Ganun po ba? Thank you for the compliment." sabi niya ng may malapad na ngiti.

" sabi niya ng may malapad na ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon