Dear Readers...
Open parin po ako sa mga suggested names na ibibigay niyo dun sa character na sinasabi ko last chapter..
paki-comment na lang po sa baba.. Kamsamnida ^_^
Here is my update today.. ENJOY!
-------------------------------------------------------------------------------
Zen's POV
This is the second day of my break.
So far, gusto ko muna mapag isa sa araw na ito kaya hiniling ko kay Raizel na i-tour muna si Alzied.
Nagtataka ba kayo kung bakit si Raizel ang pinagtour ko, eh sakitin siya? Simple lang,..
As long as hindi siya magpapagod magiging maayos naman ang kalagayan niya. Tsaka hiniling ko kay Alzied na wag masyadong papagurin ang kapatid ko dahil nagha-hyperventilate siya pag ganun.
Isa pang dahilan ay may reunion kami ng mga College friends ko at ayoko na makita nila si Alzied, yung iba kasi dun ay mga professionals na kaya baka mamukhaan nila si Alzied. Mas mabuti na ang sigurado diba?
Papunta ako ngayon sa restaurant ng isa sa mga college friends ko at pinasara na muna niya ang restaurant niya para sa gaganaping reunion namin..
"Hi guys!!" bati ko sa kanila nang makapasok na ako sa loob.
"oh? Rhazen.."
"Rhazensia? ANg tagal na nating di nagkita ah.."
"KAmusta na Rhazen?"
Isa isa nilang bati sakin..
"Zen???" bati ni Megumi sakin. Isa sa mga matalik kong kaibigan.
"Megumi!!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Uy girl.. Ang tagal na simula nung huli tayong magkita. Sinubukan kong dumalaw sa inyo pero di ka na daw pala umuuwi dun. Nag alala talaga ako sayo, bruha ka!"
"Hahaha.. dun kasi ako tumitira ngayon sa bahay malapit sa pinagtatrabahuan ko."
"Isantabi muna natin ang topic about dyan sa trabaho mo... Balita ko umuwi ka sa inyo na may kasamang lalaki.. Soon to be husband muna ba yun at namamanhikan na?" sabi niya habang hawak ang dalawa kong kamay na akala mo balak kong tumakas sa kanya.
"Wow! Talaga ba Rhazen?"
"Imbitado ba kami dyan?"
"Ikaw ah.. di ka nagsabi ikakasal ka na pala!"
"Congrats di ko akalain na mauuna ka pa samin.."
"Ikaw ba talaga si Rhazen na classmate namin noon?"
Pakikisabay naman nung iba sa college friends ko. Sa dami ng tanong nila di ko alam sino uunahin kong sagutin.
"Ano ba kayo!! Tsismis lang yun noh?" pagdepensa ko sa kanila
grabe!! sa maliit na bayan na ito, miski malaki o maliit na balita mabilis na kumakalat.
Di ko akalain na sa tagal namin di nagkita ng mga kaibigan ko ang magiging topic lang pala ng usapan namin ay ang pagdadala ko ng lalaki sa bahay.
"Sa totoo niyan, team leader ko lang yun sa opisina. Meron lang siyang aasikasuhin dito kaya pinatuloy ko muna siya pansamantala sa bahay namin."
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...