Dahil po sa overwhelming mong support. I dedicate this chap to you harutheajie..
eto na po ang fresh update today.. ENJOY :)
===================================================
"Sabi ng ibigay mo na sakin yung gamot eh..." naiinis na sabi ni Zen
Kanina pa umaatikabo ang titigan ni Ryuen at Zen dahil wala miski isa sa kanila ang gustong magpatalo.
"What a ridiculous story!! Bakit ko naman ibibigay sayo ang bagay na si Mr. Eldefonso mismo ang nagbigay?"
"W-wag mong sabihin ininom mo na yun?"
"Don't take me as an idiot.Binigay mismo sakin yun ng CEO as if i will drink it immediately. Syempre nilagay ko siya sa isang container na ako lang mismo ang makakabukas. I strictly put it inside the vault at my house for safe keeping. Mahirap na baka magasgasan pa ng iba" seryosong sabi ni Ryuen.
"Nababaliw ka na ba?"
"Ang isang kagaya mo ay hindi maiintindihan ang bagay na yun. Bilang pagtanaw ng utang na loob dapat lang ingatan ko ang bigay ni Mr. Eldefonso sakin. The CEO is extremely busy, to be considerate about my health is very important to me. That is why i don't have any intention to give it to you besides i don't have the time to mingle with you. So now excuse me!"
Nang makaalis na si Ryuen, lalong nalugmok sa kinatatayuan niya si Zen.
-Zen's POV-
Anong gagawin ko ngayon?
Ipagdasal na lang natin na sana hindi niya inumin yun.. tutal naman grabe siya kung sambahin ba naman yung bote ng gamot na yun.
Hayy..
"Mukhang pagod ka ata Zen.. Kailangan mo na ata nito."
Napatingin naman ako sa nagsalita at nagulat ako hindi dahil si Alzied yun kundi dahil dun sa hawak niya..
Yung love potion???
Kukunin ko na sana yung gamot ng biglang itaas ni Alzied ang kamay niya kaya lalong di ko siya maabot.
Pinagpala ba naman ng mahabang biyas eh..
"Alzied!!!"
"Ahhh.. Yung binigay ko kay Ryuen ay ordinaryong gamot lang at ito yung binigay mo sakin. "
"Kung ganun akin na yan.."
"Bakit mo ba gustong ibalik ko ito sayo? Para saan mo ba ito gagamitin?"
Huwag mo sabihing alam na niya???
OOOOOO-----MMMMMMMMM--------GGGGGGGG!!!!!!!
"Ahhmm.. A-Alzied?? Huwag mo sabihing alam mo kung ano yung gamot na yan?"
Habang yung puso ko grabe na ang kaba itong nasa harap ko ay sobra kung makangiti.
"Oo alam ko.."
NAKAKAHIYA!!!! LUPA KAININ MO NA KO!!!!
"Ah ano,, meron lang misunderstanding.. nagkakamali ka ng iniisip."
"Bakit Zen? Ano ba ang iniisip ko?"
Bakit ganun? Nakangiti naman siya at mahinahon magsalita pero yung aura niya parang wolf king.. Naku galit kaya siya?
BINABASA MO ANG
The Wolf and I
RomanceDisclaimer: this story is not about werewolf. Its not fantasy also. Romance po sya with a slice of life genre. Ako si Zen, anak ng isang low class business man. Ibig sabihin, di kami ganun kayaman.kaya kailangan magdoble kayod para kumita. Lalong...