Chapter 50- i want to treasure everything about her

472 12 5
                                    

annyeonghaseyo!!!

Sorry po sa late update.. wait ko pa po sana yung quota ko last chap na 5 votes at 5 comment bago po ako mag update kaso po mukhang di masyado maganda yung last chap hehehe.. so para sa mga supporter ng story na ito di ko na po kayo paghihintayin at ito na po ang aking update sa araw na ito..

Bago po yun.. recap muna tayo baka nakalimutan niyo na po eh, pero kung naalala niyo pa naman nangyari last chap.. skip niyo na lang po..

{ Dahil sa kalasingan ni Alzied, di inaasahan ni Zen na gagawa ng ganoong bagay si Alzied. Kaya napagdesisyunan niya na lumayo muna kay Alzied at pumunta sa Valentine Residence kung saan naroroon si Naomi, ang kaisa isang malalapitan niya sa mga oras na may pinagdadaanan siya. Sa Valentine Residence naman, di inaasahan ni Zen na mapapaamin siya ng totoo niyang nararamdaman para kay Alzied, na sobrang ikinabahala niya.}

ENJOY :)

=============================================



=Zen's POV=

"Well Zen, oras na para umalis.." sabi sakin ni Aled pagkabukas ko ng pinto.

"Aled??"

"Kunin mo na ang mga gamit mo..." nakangiting sabi ni Aled sakin.

"Aled, nandito ka ba para sunduin ako?"

Paano na ito? Di pa ko handa makita ulit si Alzied?

"Hahahahaha.. ano bang sinasabi mo Zen? Nandito ako para patalsikin ka na sa trabaho mo dahil wala kang kwentang empleyado. Umuwi ka na sa bahay niyo.."

"Ha? Anong ibig mong sabihin Aled?"

"Oh my.. Kailangan ko pa ba ipaliwanag sayo? Tinakbuhan mo ang trabaho mo.. You are such an incompetent employee.. Ang masaklap pa doon, ang isang kagaya mo na-inlove sa isang kagaya ni Sir Alzied.. Ano ba talaga ang planong mong gawin ha? Gold Digger!!!"

"Nainlove sa isang kagaya ni Alzied??"

Flashback: ["Y-yes.. I love him."]

"Wala akong ibig sabihin doon sa sinabi ko!!!" pilit kong sinasabi kay Alzied

"Wag ka mag alala Zen, maghahanap na lang kami ng ibang magpapanggap.. At oo nga pala.. May utang ka pa ..kaya goodluck sa pagbabayad mo. Kung ako sayo maghahanap na agad ako ng trabaho."

"T-teka lang Aled!!! Promise wala talaga akong motibo..Umaarte lang ako nun.. Di yun totoo!!! Wahhhhhhhh"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


"Ate Zen???Good morning? Gising na.." sabi ni Naomi

Ha??

Panaginip lang yun?

Bakit parang totoo?

"Ok lang po ba kayo? Namumutla po kayo.. Nanaginip po ba kayo ng masama?" tanong ni Naomi sakin

"Ah.. wala 'to ayos lang naman ako."

Grabe yung tibok ng puso ko.. Parang tambol sa sobrang lakas..

Kumalma ka nga Zen!!


dahil sa mga salitang binitawan ko kahapon kay Cyrus.. Kinakabahan ako..Paano kung makarating kay Aled yung balitang yun? Ano na ang mangyayari sakin.. Sigurado na tatanggalin nila ako nito.

The Wolf and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon