"Lets go" hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko. Hinigit ko ito."Im already 18! Eighteen years na akong kulong sa bahay. Laging homeschool! Laging bawal lumabas! Tignan mo nga kulay ko ang putla-putla ko na! Wala akong ibang alam gawin kundi tumunganga sa bahay!"
"Wala akong pakialam sa ginagawa mo. Kailangan kong gawin ang trabaho ko" lumapit siya sa akin at halos manliit ako. Hangga g dibdib niya lang ang abot ng mata ko. Tiningala ko siya.
"Makialam ka! Ako ang amo mo!"
Humalakhak siya na para bang may nakakatawa sa sinasabi ko. "Daddy mo ang Boss ko" irap niya.
Hinawakan niya ako sa baywang ko at agad niya akong binuhat. Ramdam ko ang init ng palad niya sa binti ko at ang isa pang kamay sa ibaba ng dibdib ko.
"Fuck! Let me go!" tili ko.
"Stop moving Samantha!"
"Im Cara! Duh"
"Tss"
Nagsimula na siyang maglakad at hindi ko na nahagilap ang bestfriend kong si Felice. Umiiyak ako habang sapong-sapo niya ako.
"Gusto ko lang naman makita ang Mall" pagrereklamo ko. Ito lang kasi ang alam naming puntahan ni Felice. Magpinsan kami. Pero siya malaya. Mall at Bar lang ang alam niyang puntahan. Ganoon din ako.
"Next time kung pupunta kang Mall dont wear night dress" nguso niya.
Hindi nga pala ako nakapagpalit.
"You dont care!" pag-iinarte ko.
Narating namin ang pamilyar na sasakyan. Nakahinga ng maluwag ang driver at si yaya. Pinasok ako sa backseat katabi si Yaya at si Shin ay nasa tabi ng driver naming si Mang Anton
"Paano mo nahanap Shin?" tanong ni Mang Anton habang nilalabas ang sasakyan sa basement.
"May gig ako ngayon. Hindi ko na natapos kasi namataan ko siya" simpleng sagot nito sa kausap. Parang magkakilala na sila ng lubos.
"So? Kamusta naman pag-aaral hijo?" tanong naman ni Manang sa likod.
"Isang semester na lang piloto na ako" halakhak niya. Mabilis ko siyang kinalabit!
"Nag-aaral ka? Saan?"
Tinignan niya ako. Hindi siya ngumiti.
"Kabilin-bilinan sa akin ng Daddy mo! Na huwag na huwag akong magbibigay ng impormasyon sa iyo" lumabas ang pilyo niyang ngiti. Umirap na lang ako at hindi na nagsalita.
Inayos niya upo niya ng marating namin ang mansyon. Matataas na concrete wall ang nakapagitan sa malaking mansyon at sa labas. Kung galing ka sa labas ay hindi mo makikita ang loob ng mansyon. This was my great-great grandpa's house. My Daddy was their heir, sa company at sa lahat ng lupain kaya heto't sobrang yaman namin. But i am not living as normal girl.
Nag-aaral ako nong nasa 5 years old ako sa kindergarten. But then, i got confine because of some flu, at simula no'n hindi na ako pinag-aral sa labas. At hindi ko na alam kung bakit.
"Darling" yinakap ako ni Mommy at punong-puno nang pagaalala ang mukha niya. Hinagkan niya ako sa noo at hinaplos ang pisngi ko.
"Are you alright?"
"Yes Mom. I just want some rest" cold kong sabi at nilagpasan sila.
Pansin ko pa ang titig ni Shin pero hindi na ako nag-abalang tignan siya. Huminga ako ng malalim nang marating ko ang malaki kong kuwarto. Nahiga ako sa kama at agad na tumunog ang cellphone ko.
"Felice!" bungad ko sa kausap.
"Sorry couz" iyak niya.
"Its okay. Wala naman si Daddy kaya ayos lang. I enjoy the whole Mall" kahit hindi naman talaga.
"Really. Next time bar?" halakhak niya.
"Why not!" ngiti ko.
Binaba niya ang tawag. She's always like that. A true friend, a caring cousin and a loveable girl.
Bumaba ako nang tawagin na ako ni Yaya para sa hapunan. Nakita ko si Shin na nakaupo sa hapag. Is he part of the family?
"Shin Clark Vergara. Meet my daughter Cara Samantha Buenavidez" pormal na sabi ni Daddy.
Tumango si Shin at inabutan ako ng kamay. Kinuha ko naman iyon. Nakipag-kamay ako at umirap sa kawalan pagkatapos. Naupo sa tabi kung saan ako laging nakaupo, sa harap ko ay si Shin at sa magkabilaang dulo ang mga magulang ko. If i only have a sibling!
"He's twenty one! He's the great trainee in the ground. Magaling humawak ng baril at magaling magpalipad ng jets. I asked him to be your bodyguard Cara. And he agreed"
"Yeah Dad. Mukha ngang may kontrata kayo" ngisi ko. Nawala ang ngisi ni Daddy.
"Kung may mga secret agendas kayo. Do it on your own! Huwag akong madadamay! This is the last time na gagala ako! At hindi ko kailangan ng body guard!"
"You'll need a body guard-"
Hindi ko na siya pinatapos. Tumayo ako at may ano nang umalis ng magsalita pa ito.
"Mag-aaral ka na sa gusto mong unibersidad. At kailangan mo ng bantay. Cara Samantha" ani Daddy.
Namilog ang mata ko. Totoo ba ito?
Lumapad ang ngiti ko at mabilis akong dumalo kay Daddy at yumakap.