"Nasaan ka?" si Felice ang tumawag. Tunog taranta nanaman siya. Imbes na sabihin ko kung nasaan ako, pinatayan ko siya ng tawag. I off my phone. Hindi niya dapat malaman kung nasaan talaga ako. Uuwi rin naman ako."Cara Samantha Buenavidez po" pagpapakilala ko sa ama ni Shin. Nakangiti siya sa akin at nagawa ko ring mangiti.
"Kapatid ka pala ni Fei" aniya. Hindi ako umimik. Ano bang dapat kong sabihin? Na opo kapatid ko 'yun magkaaway nga kami no'n diba ang sakit pakinggan? Kaya minabuti ko na lang ang manahimik at tumingin sa plato kong puno ng kanin at ulam.
Tinignan ko si Shin. "Ba't ang dami?" hindi nakatago ang pagmamaldita doon kaya narinig ko agad ang marahas na tikhim ng kapatid niyang babae. Tinignan ko siya. Tinaasan niya ako ng kilay, hindi ko na lang pinatulan. Nasa harap kami ng hapag ayoko namang magmukhang kontrabida dito.
"Ang payat payat mo. Hindi ka ata pinapakain sainyo" seryoso niyang sinabi. Hindi ko na lang siya ulit tinignan baka mamaya matunaw lang ako sa mata niya.
"Excuse me? Im curvy" irap ko dito. Humalakhak na lang ang kapatid niyang lalaki dahil sa argumentong ginagawa namin.
Gusto ko tuloy tumakbo na lang palabas dahil sa hiya. Mayamaya pa, usapang school naman ang pinag-usapan, at business ng Dad niya na flower shops. Kaya pagkain na lang ang inatupag ko. Sarap na sarap ako sa pagkain na niluto ng kapatid niyang lalaki na si Patrick. Gusto niya raw maging chef pero nagbago ang isip ngayon, may idolo daw siyang Engineer at 'yon ang gusto niyang maging. Well.
"Ate..." kalabit ni Kissy sa akin busy pa man din ako katatanaw sa labas at sa mga taong masayang naliligo sa dagat.
"Uhum?" i look at her. She has Shin's eyes and all. Para siyang girlversion ni Shin.
"Can you help me here? Hindi kasi ako marunong magdraw" pumula na parang kamatis ang pisngi niya. Ang mga bata talaga, hindi mapride, kahit alam nilang inis sila sa isang tao, magagawa pa rin nilang hingan iyon ng pabor.
"I can. Halika" anyaya ko dito at naupo ako sa wooden bench, tumabi siya sa akin. She's pretty attentive in what im going. Matapos ang aking ginagawa ay nagtatalon na sa tuwa ang bata. I smiled at her.
"Kuya Shin's lucky having you" mabilis niya akong niyakap sa gulat ko ay hindi ako kaagad nakabawi. Pero matapos niya akong yakapin saka lang ako nakangiti. Did this young miss likes me na? Hmmm.
"Salamat ulit dito Ate pretty" she said and run for her excitement. Nakita ko pang nasalubong niya ang kaniyang Kuya Shin at Dad at pinakita ang drawing ko. Hindi ko alam kung maganda ba iyon o ano. Pero tuwang tuwa ang mag-aama. Siguro dahil sa unti-unti na akong nagugustuhan ni Kissy.
"You make my sister smile. Bihira ang nakakapagpangiti kay Kissy...parang ikaw" aniya, hindi ko alam na andito siya para ikumpara kami ng kapatid niya. Fine, pati ako din naman nasasabi kong parehas nga ang ugali namin ng batang iyon.
"Nagulat nga din ako kasi nilapitan niya ako" at sumandal ako sa pader.
"Huwag ka diyan, malamig" at pinihit niya ako paalis sa pader. Nagkatitigan kami, pero iniiwas ko agad ang mata ko. He's too much. Ayoko sa mga matang 'yon!
"Mamaya uuwi na ako..." sabi ko.
Tumango siya. "Ihahatid kita"
"Hindi na!" pigil ko.
"Ihahatid kita" ulit niya. Hindi na ako nakipagtalo. Ano naman makukuha ko doon? Eh kahit makipagtalo ako ihahatid pa din ako niyan.
Tumingin ako sa dagat. Maganda ito at sobrang nakakaakit. Maligo kaya muna ako? Tutal hindi na rin naman ako nakasama kila Zaijan sa outing nila. Damn!