"Are you okay?" Felice ask. Tumango ako. Hindi pupuwedeng mag-mukha akong kaawa-awa. Hindi pupuwedeng hayaan ko si Mommy na lokohin si Daddy. Dad gave everything to her. Pure love, material, big house, money. Hindi ko hahayaang ipagpatuloy ito ni Mommy.
"Aalis na pala ako" sabi ko sakanya, habang kinukuha ang cellphone ko. I'll talk to Dad, ang alam ko bukas o makalawa ay nakauwi na siya. I'll tell him what i saw, and what's happening.
"Nilalagnat ka?" idadampi na sana niya ang palad niya sa akin pero iniiwas ko ito. Ngumiwi si Felice dahil sa ginawa ko.
"You must take care of yourself Cara"
"Yes Fel. I know that" hindi na ako nagsalita ulit, pumihit na ako paalis, dala dala ang planong gagawin ko sa pagbabalik ni Dad. Uuwi ako para naman atleast mahiya silang gumawa ng milagro! Tss.
"Bayad" sabi ko sa taxi driver. Nakatingin ako sa labas habang sumisipol ang taxi driver. Balita sa radio ang pagbabalik ni Daddy, napaaga ha.
"Our Chief Buenavidez, is now in airport. Bakit kaya maaga itong umuwi? Hindi ba maganda ang nangyari sa meeting?" ani Dj. Huminga ako ng malalim. Kung ano man ang rason ni Dad, alam kong tungkol iyon sa nangyari kanina.
Tumigil ang taxi sa harap ng Mansyon. Pumasok ako agad at taas noong naglakad.
Sinalubong ako ng aking Yaya pero hindi ko ito pinansin.
"Ma'am. Huwag po muna kayong pumasok..."
I gave her slap. Kitang kita ko ang pagpula ng pisnging nasampal ko at ang pagtulo ng luha niya.
"Stop being shit Yaya. I need to talk to them" sabi ko dito at hinayaan siyang nasa labas ng mansyon at umiiyak. Oh well.
Isang hakbang pa lang papasok sa pinto ay kinabahan na ako. Ang tuhod ko'y tila pagod at natutunaw. Lumunok ako at kinalma ang sarili ko. Humakbang ako muli at pinihit ang doorhandle.
Pagpasok ko'y kitang kita ko na sobrang seryoso ng mukha ni Shin nakaupo siya sa sofa. Si Mommy ay nasa gilid ni Daddy, si Daddy naman ay tila problemado.
"Its time to tell Cara the truth" ani Dad.
Nakunot ang noo ko.
"Magagalit ang anak ko" humikbi si Mommy.
"Kailangan na nating harapin-"
"Samantha!" gulat na gulat si Shin nang makita ako. Napatayo siya agad. Nagtama ang mata namin, siguro kasing lamig ng yelo ang titig ko dito.
"Anak..." si Mommy at mabilis akong dinaluhan, hinawakan niya ang pisngi ko pero hinawi ko ito. Humikbi siya lalo at napaatras dahil sa ginawa ko.
"Anong dapat kong malaman?" namaos ako habang tinatanong iyon, ramdam ko ang init sa mata ko pero hindi ko hahayaang tumulo ang luha ko.
"Samantha, may sakit ka. Kailangan mo munang magpahinga" punong-puno ng sinsiridad ang tono niya, awa at iba pang emosyong hindi ko mapangalanan.
"I'm fine my bodyguard" malamig kong sabi. Hindi natinag ang titig niya, lumapit siya sa akin. At hinawakan ang noo ko, hinawi ko ito.
"Stop it!" patili kong sabi, at ang kaninang nagkulubli kong luha ay umagos na. Pinunasan niya iyon pero hinawi ko ulit. Iyak ako ng iyak. Naninikip ang dibdib ko pero hindi ko hahayaang kainin ako ng sakit. Kailangan kong malaman ang totoo.
"Tell me! A-ano? Ano ang 'di ko alam?" hikbi ko. Niyakap ako ni Shin. Aaminin ko, ramdam ko ang pagiging safe ko sa bisig niya. Umiiyak ako at gusto ko siyang itulak palayo pero sa sobrang sakit ng puso ko'y hindi ko nagawa.
"Hush it Sam." mababa ang boses niya nang sabihin iyon. Umiiling ako.
"Sabihin mo. Ano ang h-hindi ko alam?" i try my best to not, stutter pero nangyayari pa din. Pag sobra-sobra na talaga ang sakit at bigat sa damdamin mo, hindi mo na kayang itago ang totoo mong nararamdaman.
"Sam" tawag niya, kahit gaanong lambing ng boses niya. Kailangan kong malaman ang totoo. Tinulak ko siya, at agad siyang napabitaw. Umiiyak na si Daddy at Mommy.
"Lalayas ako pag 'di ninyo sinabi! Ano? Alam mo Dad na may relasyon si Mommy at ang bodyguard ko?! Tell me!" tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Sunod sunod din ang pagpalis ko dito. Umiiyak ako oo, pero kailangan kong magpakatatag para malaman ang katotohanang itinago sa akin.
"Cara. May kapatid ka, She's 1 year older than you. Bago kami ikasal ng Dad mo may kalive-in partner ako, nagkaanak kami. Gusto ko siyang isama pero hindi ako hinayaan ng lalaking iyon. Mahina ang kapatid mo. May sakit siya, pabalik-balik sa ospital. Kaya hinayaan kong tumulong, hindi tinatanggap ni Marco, kaya kay Clark ko pinadadaan ang akin tulong..." sa sobrang gulat ko napaatras ako.
"Alam mo 'to Dad?"
Mukhang sawi si Daddy dahil sa naging tanong ko. Tumulo ang luha niya at dahan-dahang tumango.
"How could you!" basag ang boses ko at humagulgol ako. Gusto kong lumapit at bugbugin si Daddy dahil alam niyang may kapatid ako pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Bigla akong natumba.
Akala ko. Lahat ng bagay ay mayroon ako. Mapagmahal na magulang, totoo at kayang ibigay sa akin ang lahat. Pero hindi, nagsinungaling sila sa akin. Isang kasinungalingang hindi ko alam kung mapapatawad ko.
Dinilat ko ang mata ko at naramdaman ko agad ang isang mainit na kamay na nakahawak sa kamay ko.
Tinignan ko kung sino iyon, si Shin.
Magulo ang buhok niya at ang mapupula niyang labi ay nakatutok sa palad ko. Gumalaw siya ng kaonti, at pagod na mata ang sinalubong niya sa akin. Kinusot niya ito."Umuwi si Tita at Tito. Kaya ako ang nagbabantay" aniya , kahit hindi ko naman tinatanong, hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong ko dito.
Natahimik siya. Tinignan niya lang ako, at puno pa din ng iba-ibang emosyon ang mata niya. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon, pero alam kong may pakialam siya sa akin, hindi ako bulag para hindi makita iyon.
"Sorry Samantha" anito. Tumango ako. Kinalas ko ang kamay niya sa akin at iniiwas ang mata ko.
Ayokong mag-mukhang bitter or rude dito. Pero sa dami ng nalaman ko, sa sakit na dulot nito. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko. Sa mundong ito, hindi natin kailangan ng kakampi, iyon ang alam ko, kasi ang magiging kakampi mo ay ang sarili mo. Pero sa pagkakataong tulad nito, kailangan ko ng karamay. Pero hindi si Shin, hindi ang magulang ko. Pagod na ako sa mga kasinungaling sinubo nila sa akin.
Im tired of everything.
Im tired of this life.
![](https://img.wattpad.com/cover/111541722-288-k155727.jpg)