Nasunod ang gusto ko. Syempre! Hindi naman kinakaya ni Daddy at Mommy na hindi naibibigay ang gusto ko. Nahiga ako sa kama dito sa Condo unit na binili nila. Nasa 35th floor ako kaya sobrang ganda pag nakatanaw ako sa veranda.
No'ng unang gabi ay niyaya ko dito si Autumn at Felice. Pero ngayong pangalawang gabi ay hindi na sila makakapunta. Autumn's busy with her whatnots. Habang si Felice ay sa bago niya atang boylet.
Hinawakan ko ang unan at tinakpan ang mukha ko. Anong gagawin ko ngayong gabi? Magbabad sa bathtub? O magsurf?
Bago pa ako makapagdecide at tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at ang GC iyon.
Reign : Hi guys! Bukas dito sa mansyon. Hair dye!
Nagsend pa ng pictures si Reign sa mga gagamitin. The Serranos are in! Ito ang trip nila kada summer ang magkulay ng buhok. Ano namang kulay ngayon?
Travis: Oh i hate it!
Red: Ang corny mo Trav! Di'ba ginagawa na natin to matagal na?
Dos: Oh baka marunong ng mahiya kasi may pinopormahan.
Natawa ako dahil sa conversation nila. Maingay sila pag kasama. Pati ba naman sa GC? Nakakaloka. Nagchat sa akin si Zaijan, namataan atang Online ako.
Zaijan Esquivales : Hi
Clinick ko ang like at sinend.
Zaijan Esquivales: May gagawin ang mga Serrank bukas? Joining them? After nila sa trips nila gogrocery na tayo para sa outing.
Ako: Oh sige! Mas gusto ko sa sasakyan mo? Dadalhin mo?
Zaijan Esquivales : Im sorry. Hindi e. Magvavan tayo
Ngumuso ako. Nagtype ako ulit at sinend ang OKAY. Nag-log-out na ako pagkatapos. Nakarecieve ako ng text kay Kyla na pumunta daw ako sa Compound nila, um-oo na lang ako. Kasi wala naman akong lakad.
Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pero habang nananatili ako sa loob ang mukha ng lintik na iyon ang naaalala ko. Ang namumungay niyang mata ang ngiti niya. Lahat!
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa naiisip! Bakit siya ang inaalala ko! Did he care? No! Kasi kay Fei lang ang pag-aalala niya. Hindi sa akin!
Dalawang oras akong nababad sa bathtub, sa amoy pa lang at sa init. Tinatamad na akong umahaw. Pero kailangan, nagbihis ako ng pajama at spaghetti strap at mabilis na nahiga. Hawak ko ang Ipad at agad na nag-abala sa pagyou-youtube.
Sa panunuod ko. Napasearch ako sa Phantom.
Clinick ko ang video na halos milyon na ang views. Nakinig ako sa boses niyang, malumanay at sobrang cool. Iyong kahit hindi ibinibirit sobrang gandang pakinggan. Hindi nakakasawa.
May mga comments, at lahat iyon positibo. Alam kong sa susunod pang mga taon ay magiging sikat siya, ang Phantom. Na kahit hindi na siya maging miyembro ng Aircrew magiging mayaman siya.
Humakbang ako palabas ng Condo para matungo sa firstfloor at kumain sa isang restaurant. Wala naman atang makikialam sa suot ko. Taga rito naman ako.
Nakasakay na ako sa elevator. Nang marinig ko ang usapan ng dalawang nasa mid 50's
"Nakakaawa nga ang bata. Itinakwil daw kasi mas mahal nila Mrs Beunavidez ang anak nito sa labas"
Napalunok ako. Ako ang pinag-uusapan nila! Hindi man lang nila namamalayan?!
"Eh masyado naman iyong spoiled brat. Kaya kailangan talaga no'ng magsolo. Kaklase nun ang anak ko ngayon. Masyadong maldita! Iyong tipong pag tumintingin raw parang kailangan mong lumuhod at magbigay galang" umiiling ang matanda.