Chapter 35

3.4K 66 2
                                    

Chapter 35

Wedding

Hawak ang kamay ni Shin, inaya niya akong magtungo sa kung saan. Nakangiti siya habang ginagawa 'yun.

"In a hurry huh?" tanong ko, humalakhak na din. "Umalis tayo sa opening nung pinag hirapan namin, para lang pumunta dito sa rooftop?" humalakhak ako ulit.

Inaya niya akong tumambay dito sa helipad , eh nasa baba ang party. Opening ngayon ng private airport ni Zaijan Esquivales. All the Serranos , my team, other popular businessmen are here.

"Hindi kaya tayo hanapin?" tanong ko matapos niyang pindutin ang floor na bababaan namin.

I was wearing a cream colored long gown. Habang nakawhite tux naman si Shin. Hindi ko nga alam kung bakit white tux, pwede naman black tux.

"I want to show you my dream" aniya at hinila ako papalabas ng elevator. Tumigil ito sa pinakatop-floor, kailangan pa naming gumamit ng hagdan para makapunta sa helipad.

"You design well my Samantha" halakhak niya sa tainga ko at hinila pa ko palapit sakanya.

"Ofcourse" pagyayabang ko. Hinawakan ko ang braso niya, halos magkayakap na kami habang patungo sa helipad.

"Hindi natin nabuksan ang ilaw" sabi ko matapos kaming makarating sa helipad. Malamig dito at at madilim pa dahil sa panahon, wala pang mga stars kaya mas lalong madilim.

"Its okay Sam. Lets just get married tonight"

"W-what?"

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang bumukas ang ilaw at puno ng kaibigan namin ang helipad, may nakaabang pang priest at assistant niya sa unahan. Well designed. Nakalatag ang pulang carpet patungo sa pagluluhuran naming dalawa. May munti ding altar na nakapwesto sa likod ng pari.

Iniikot ko ang mata ko at ang pulang mga rosas, ang petals nito ay nagkalat sa paligid, pati na din sa daraanan ko.

"Go!" ani Autumn at humalakhak. Nag thumbs up siya. She's wearing maxi dress, royal blue at kulay pink naman kay Felice na parehas bumagay sakanila.

Lumapit sa akin si Felice at nilagyan ako ng belo sa ulo.

"You look so gorgeous. Surprise" aniya at umalis din agad sa harap ko.

"I'll martcbh first Samantha. Bilisan mo" ani Shin at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi. Nang maglakad na siya ay tumugtog na ang pamilyar na kanta. The song we usually play.

Umiiyak ako habang tinitignan silang nagmamartsa patungo sa unahan.

"Mommy"

"Shawn" humagulgol ako ng makita ang kung anong hawak niya. Singsing. Yumukod ako para maabot siya.

"You look so gorgeous tonight. Stop crying na" anito at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi bago umalis sa harap ko at naglakad patungo sa unahan. Pinagmasdan ko ang galaw niya, lumaki na nga talaga ang anak ko. Sumunod si Felice na maid of honor ko at ako na.

Tinuwid ko ang tayo ko at oras na para ako naman ang maglakad.
Sa bawat lakad ko patungo sakanya, ay libo libong alaala ang pumapasok sa isipan ko. The way i become aggressive at him, the way i kissed him and he pushed me. Kung paano kami nagkaigihan, nagkalayo at nagmahalan. Lahat bumabalik.

Kitang kita ko ang luha galing sa mata niya kaya mas lalo lang akong naiyak. I love this moment so bad, na para bang ayoko na munang matapos ang gabing 'to.

"I dont want to miss this special event" halakhak ng bestman na si Zaij.

"Ugh. I hate to say this. But...you really look good together" kindat niya at tinapik ang balikat ni Shin bago nakipagbeso sa akin.

"Congratulations guys" anito at ngumiti.

"Salamat"

"Lets go" alok ni Shin ng kanyang braso sa akin.

"Sure. I want to use Vergara" nangingiti kong sabi sakanya, at nilagay ko na ang kamay ko sa braso niya.

"I'm excited too" bulong niya sa tainga ko.

My Sexy Bodyguard : Shin VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon