Chapter 29
Daddy
Dinilat ko ang mata ko at nakita ko agad ang little version ni Shin at si Shin mismo parehas silang nakangiti sa akin tila ba ako itong pinakanakakatawang nilalang sa mundo.
Bumangon ako agad ng mapagtantong andito nga pala si Shin magdamag!
"I love your morning face Mommy" aniya at agad humalik sa akin. Tinignan ko si Shin at nakangisi siya habang nakapamulsa
"Mom! Thanks for inviting Daddy" aniya at tinignan niya si Shin, lumapad ang ngisi ni Shawn. Tumango lamang si Shin.
"I prepare breakfast. Lets eat?" anyaya niya.
"Maliligo lang ako" i said, umiling si Shawn.
"Mamaya na Mom! Please lalamig 'yong ulam" aniya at nagtatakbo na patungo sa labas. Nagkatinginan kami ni Shin.
"He really look like me, pagkagising niya kanina ay agad niya akong dinambaan" humalakhak ito. "I feel home when i felt his hug" mas touching ang tono ng boses niya.
I smiled. "You make my son happy. Pero alam mo ang kaakibat nito"
"I'm willing to give up everything, for you and for our son" lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Sisimulan ko ngayon" kindat niya. Hindi na ako nakipagtalo, thinking about the thought that he'll stay with us, selfish decision, yes! But i need him, my son need him.
Nagtungo kami sa hapag at doon nakaupo ang anak ko sa inuupuan niya, umupo si Shin sa tabi ng anak ko at ako sa harap niya.
"Can i serve your food bigboy?" si Shin, ngumiti. Tumango si Shawn, its genuine.
Sumandok si Shin ng kanin at nilagay sa plate ni Shawn, kumuha siya ng ulam at nilagay din.
"Thanks Dad" aniya.
Ngumiti ako dahil sa nakikita ko ngayon, akala ko masaya na kung kami lang magkasama ni Shawn, mas masaya pala kung kompleto, at andito si Shin.
"Kumain ka na din" ani Shin, nilagyan niya ng maraming kanin ang plato ko at tatlong hatdog at isang bacon.
"What are you doing?" i asked, pero nagmamaldita nanaman.
"Pinapakain ka" he said calmly.
"Do you want me to look like a pig?"
"You're the most gorgeous pig if that happen" he smiles, narinig ko ang hagikhik ni Shawn.
Shin get his phone. "Family pic" aniya.
Nagulat ako do'n. "SHIN!"
"Relax. I can handle this"
Kinuha niya ang cellphone niya at binigay kay Shawn.
"Can you take us a shot bigboy? I dont know how to do this" nguso niya.
"Sure!" ngiti ni Shawn. Lumapit silang mag-ama sa akin at pinagitnaan ako. Pumulupot ang braso ni Shin sa aming mag-ina tila niyayakap kaming dalawa.
Shawn click the cam. I fake my smile, ilang pictures din iyon. Shin uploaded it in his public accounts.In caption : I find my home, Samantha and Shawn, you're now in my arms. I love you both.
I was tagged! Kailan pa kami naging friends, and did i follow him back? Great! It Shawn, when he borrow my phone once!
Sandamakmak na agad ang nagulat sa litrato namin. Hindi ko alam kung bakit kabado ako. Pero alam ko na agad ang eksenang kasunod nito. Naging masaya ang bonding ng mag-ama. Naging mas close sila. They really look a like.