Chapter 15

3.7K 73 1
                                    

"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko sa paghawak niya sa palapulsuhan ko. Masakit na ha! Hindi na 'to biro!

"Shin Clark Vergara! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko.

Hinarap niya ako ng nasa labas na kami ng bahay at nasa harap ng sasakyan niya. Matalim ang tingin ko sakanya at mabibigat ang paghinga ko.

"What do you think your doing?" tanong niya. Inirapan ko iyon. I hate seeing him, taking sides. Si Fei ang kakampihan niya at hindi ko alam kung bakit siya! How about me? Sinong matitira sa akin? Wala na ba akong kakampi sa bahay na ito?

Sa kakaisip ko tungkol sa bagay na iyon, mabilis na nagsilandasan ang luha ko. Walang pasubali!

"'Wag kang iiyak" utos niya.

Pinunas ko iyon gamit ang likod ng palad ko.

"I hate her"

"Hindi araw araw ay hate mo siya Sam. Hindi tama ito. Kapatid mo siya!"

"She's not! At pupuwede ba, kung pagagalitan mo lang ako. Umuwi ka na nga at palitan mo ang diaper no'n!"

"Jesus" at nahilamos niya ang kaniyang palad. Sa nakikita ko ngayon, pakiramdam ko pagod na siya sa akin. Sawang sawa na siya, at ayaw niya na akong makita. Pero iba ang sinasabi ng mata niya. His eyes, ayoko talaga sa mga 'yon. Masyadomg delikado kung pagmamasdan mo. Masyadong...

"Samantha. Stop being...a brat"

"I am not a brat! Bakit ba? Tingin niyo ba sa akin ay ganon?" irap ko sakanya.

"Hindi ganun, Sam. You have everything, while she's not-"

"Liar! Kung nasa akin ang lahat! Asan si Mommy ? Asan si Daddy? Isang iglap lang wala na sa akin ang dalawang kakampi ko! Nasa side na sila ng sakiting iyon! Bakit! Bakit? Nakakaawa ba talaga siya? I wish i have her ill"

Kusang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na ito pinalis. Wala akong plano, pag pinupunas nama'y bumabalik din. Kaya mas mabuting hayaan ko na lang, bahala siyang matuyo diyan.

"Kung sa tingin mo, inaagaw ni Fei ang lahat-"

"Pwes inaagaw niya talaga.."

"Listen. Samantha. Please listen" banayad niyang hinawakan ang braso ko.

"You love her, thats why you want to give her everything i have!" akusa ko. Umiling siya.

"Why do i'll do that?" namungay ang mata niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi.
"Im always on your side. Masyado kang bulag para makita iyon." sa sobrang lambot ng boses niya ay nakalimutan ko yata kung kanino ako galit? Bakit ako andito?

Pinunasan niya ang luha ko at unti-unti natigil ang paghikbi ko.

"Liar" at tinulak ko siya.

Ayokong malason dahil sa mga salita niya. Ayokong lasunin niya ang isipan ko. Ayoko no'n! Si Fei ang mahal niya at hindi ako! Hindi dapat ako nagpapaniwala!

Pumasok ako sa bahay at kinagulat ni Daddy iyon. Ayaw na ba niya ako dito?

"Dad" buo ang boses. Buo na ang desisyon kong umalis dito at humingi ng kahit isang unit man lang.

"Cara" basag ang boses niya. Pero tulad ng kay Shin ay ayokong madala sa mga kaniyang pag-aaalala. Hindi para sa akin ang pag-aalala nila. Para 'yon lahat sa Fei na iyon. Sa isang iglap, ang dating pagmamahal na sa akin. Ay nawala...

"I need a condo unit. As soon as possible"

"But Cara. That's too much to ask. You know, i dont want you to leave..."

My Sexy Bodyguard : Shin VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon