Chapter 2

6.7K 99 0
                                    


"So pinag-aaral ka na sa labas? Anong university?" tanong ni Felice. Nagkibit balikat ako. "Siguro sa paaralan na lang ni Shin, tutal. May HRM naman sa pinapasukan niya" ngiti ko.
"Shin? My gosh! Shin Vergara? Vocalist ng Phantom?" namilog ang mata niya. Tumango ako.

"Gosh!" react niya. Hindi ko pa naikuwento na si Shin Vergara ang magiging bodyguard ko.

"So asan siya? Nagkakilala kayo? Bakit?" puno siya ng interes. Umirap ako.

"He's my new bodyguard. Sshh! Gusto kong walang makaalam. Baka isipin ng mga magiging classmates ko na...alam mo na. Masyado akong binibaby nila Dad" nguso ko. Humalakhak naman siya ngayon.

"Prinsesa ka kasi masyado" aniya. Umirap ako.

Kinansyawan niya pa ako. Tapos ginawan na niya ako ng social media accounts kasi kakailanganin ko raw iyon. Umuwi din siya ng gumabi na. Sinundo siya ni Zaijan. Boyfriend niya, o baka fuck buddy. I dont know.

Pababa ako ng hagdaan para ayain sana si Mommy na magshopping at ng masilip ko na din ang bagong school ko. Pero tumanggi siya.

"I'm busy sweetheart. Si Shin na lang yayain mo. Tutal trabaho din naman niya 'yan" ani Mommy habang nakaharap sa laptop niya. Tumango ako at mabilis na bumaba para magpunta sa garden. Madalas kasi andoon si Shin at tinuturuan niya ng Kick Boxing ang anak ni Mang Anton.

Nang namataan ako ni Shin ay napatigil siya sa pagsipa sa isang punching bag.

"Pahinga muna Doy. Kakausapin ko lang si Ma'am" ani Shin at agad namang tumango ang batang nasa dose anyos. Lumapit siya sa may akin at kinuha ang towel.

"Yes Ma'am?"

"Stop being pormal" irap ko. "Andito ako para yayain ka sanang magshopping. Pakitawag si Mang Anton" sabi ko. Kinasanayan ko nang mang-utos sa mga tao dito sa loob ng bahay.

"May sakit si Mang Anton" ani Shin at kinunutan ako ng noo.

"So he can drive the car. Dati nga-"

"ANO? PINAGDADRIVE MO SIYA KAHIT MAY SAKIT?" singhal niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ngayon? He's our driver! Alangan naman maglakad ako at magcommute? Like duh!" pag-iinarte ko.

"Oo. Driver niyo siya pero hindi siya hayop. Isa pa, hindi mo ba naisip na maaring maaksidente kayo pag pinagmaneho mo siyang may sakit!" umirap ako dahil sa mga sermon niya.

"Fine fine fine! You're right! So ano? Sino magdadrive? I can call Dad and ask for a new driver-"

Agad niya akong pinutol gamit ang titig niyang binabasa ang loob ko, ang kaluluwa ko.

"You spoiled brat!" iling-iling niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang problema niya?

"I'll drive you" aniya at agad na tumalikod sa akin para magsuot ng tshirt. Kitang-kita ko ang pagflex ng kanyang bicep, ang pag-kibot ng muscles niya sa likod. Lumunok ako habang pinagmamasdan ang batok niyang maputi at ang likod niyang malapad.

"Lets go" aniya habang nakatalikod. Umu-oo ako at sinundan siya, nagtungo kami saglit sa quarters ng mga katulong at nakita kong nakaratay si Mang Anton habang inaalagaan ni Yaya Mining.

"So all this time you're here Ya? Kanina pa kita hinahanap ha!" sabi ko dito. Napatayo sa gulat si Yaya.

"Sorry Miss Cara." pagpapaumanhin niya. Umirap na lang ako at agad na akong hinila ni Shin paalis doon. May sasabihin pa ako! Ang kapal ng mukha niyang paghihilain ako!

"You have everything! Tapos kung makaasta ka! Oo mga tao mo iyon Samantha! Pero mali ang pakikitungo mo!"

"Why are you lecturing me now Vergara! This isnt your house! I rule this! I am the Princess here!"

My Sexy Bodyguard : Shin VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon