"Gagraduate na si Shin sa susunod na mga buwan. Hindi na siya, mag-tatrabaho dito bilang body guard mo" ani Mommy, isang umagang nagkasabay kami sa pagkain. Tumango ako."I dont need him" i said coldy.
Tumango si Mommy at napatingin sa lalaking nasa likod ko. Alam ko na agad kung sino siya. The last night we've talk was the last time ill ask him to be with me. Hindi na ako mamimilit at hindi na mag-aaksaya ng oras sa kaniya. If he dont like me. Be it.
Busy sa prefinal exam ang buong klase. Habang ako ay tapos na at magpapasa na ng papel. Kinalabit ako ni Autumn.
"Condo? Overnight" aniya. Tumango ako dito bago pumihit paalis. Nagpasa ako kay Ma'am Garcia ng test paper at pinakawalan na niya ako. Bumalik ako sa upuan ko para ligpitin ang gamit ko at makaalis na. Sa oras na ito ay paalis na din si Shin sa training ground nila. Tinignan ko ang daan palabas sa free lot kung saan madalas sila nagpapractise magpalipad ng iilang aircraft. Alin kaya ang alam niyang patakbuhin?
Bigla siyang lumabas... Nagtama ang paningin namin, nagtagal siyang nakatingin, malamig at tila may sinasabi. Iniiwas ko ang mata ko. Kung gusto niyang makipagtitigan ng ganoon. Hindi ako magtatagal.
"I gotta go" sabi ko kay Autumn, tumango lang siya habang nakatingin sa testpaper at nagkakamot.
"That's letter C" sabi ko bago tuluyang umalis.
Lumabas ako ng silid at dumiretsyo na sa locker para iwan ang mga gamit ko doon. Naglakad ako palabas sa locker room at agad akong hinila pabalik ni Shin. Nanigas ang buong katawan ko dahil sa presensya niya, pinako niya ako sa dingding at nagtama agad ang binti naming dalawa. Nakataas ang kamay ko at nakadikit sa dingding, siya itong kumokorner nito.
"Let me go!" pilit akong nagpupumiglas.
"Calm down" aniya at bumaba at dinungaw ako.
"Ano ba! After you refused me! Andito ka! Be my bodyguard ONLY! And stop causing....shits!" mura ko sakanya. Nagbuga siya ng hangin bago nagsalita.
"Im sorry that i say No. But...that was-"
"What wrong?" halos magmura ako ng ilang ulit dahil pinapamukha nanaman niya sa akin ang hindi niya pagkagusto sa akin.
"Please atleast see reasons Samantha. Loving you is wrong" nagsusumamo siya habang sinasabi iyon. Kinunutan ko siya ng noo at hindi ko alam kung ano na itsura ko ngayon.
"How can you say that! I was the daughter of Victor and Mercedes Buenavidez!"
"Iyon nga anak ka nila kaya hindi pupwede" isang malutong na mura ang kasunod no'n. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"T-this is...forbiden" aniya bago pinakawalan ang kamay ko. "Don't come near me. If you dont want to commit...sin" aniya at mabilis akong tinalikuran. Bumuhos lahat ng alalahanin sa akin. Anong ibig niyang sabihin doon? Anong gusto niyang mangyari? Layuan ko siya? Para saan? Forbiden...wrong?
Lutang ako habang naglalakad palabas ng locker room. Nahagip agad ng mata ko ang papalapit na si Autumn. Nakatingin siya sa cellphone niya at nakangiti. Tinignan niya ako at kinawayan.
"Hoy! Akala ko umalis ka na. Nagpaalam ka na kay Tita Mers?" she ask. Umiling ako. Nakilalala niya na si Mommy ilang beses na. Panatag si Dad at Mom sakanya kaya siguro okay lang sa kanila kung iwan na ni Shin ang trabaho niya. Isa pa...ayoko siyang nakaaligid sa akin.
"Ipapagpaalam na kita. Hindi ka nanaman ba sasabay kay Shin pauwi?" tanong niya. Tumango na lang ako.
"Atleast smile, senyorita!" aniya. Hindi ako ngumiti, wala namang dapat ngitian. Nagbuga siya ng hangin.