deux

259K 3.7K 50
                                    

WARNING!!! This chapter contains MATURE scenes for ADULTS only. Read at your own discretion!!!


KINAKABAHAN si Gaelle habang sakay ng taxi. Pinagpapawisan siya ng malapot at nanlalamig ang kanyang mga kamay. 'Di niya alam kung ano ang mararamdaman habang papalapit siya sa bahay ng tunay na ina. Kahapon pa siya dumating sa Pilipinas pero wala siyang lakas ng loob para magpakita dito. But now she decided to go and see her. She knew her mother wanted to see her and be with her too.

Noong huli niya itong makita ay last month pa. Pagbalik niya sa kanilang bahay noong tinakbuhan niya ito ay wala na ito at sobrang nakaramdam siya ng guilt. Doon niya kinompronta ang mga magulang at naglabas ng sama ng loob. Umiiyak ang mga itong humingi ng tawad sa kanya.

Noong nagdesisyon siyang pumunta dito sa Pinas ay tumutol ang mga magulang niya noong una. Pero pumayag din ang mga ito. Buti na lang at alam ng mga ito ang address ng kanyang ina dahil nag-iwan pala ito ng address kung sakaling gusto niys itong makita.

Ayaw pa ng kanyang maman na ibigay sa kanya ang address nong una pero binigay ng papa niya. Mukhang guilty rin ito sa ginawa nito noon.

Ngayon nga ay nandito na siya.

"Nandito na po tayo, Miss" Naputol ang kanyang pag-iisip nong magsalita ang driver. Binigay niya ang bayad and then she got out just to be amazed of how big the house in front of her. Ewan lang niya kung bahay pa bang matatawag ito dahil sa sobrang laki.

Inangat niya ang kamay upang pindutin ang doorbell pero bigla siyang nag-alangan. Napabuntong-hininga siya at pipindutin na sana noong biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang guard.

"May kailangan po kayo, Miss?" Bago pa man siya makasagot ay nagsalita ang isang pamilyar na tinig.

"Sino 'yan, Lino?" Anito at lumapit. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito bago rumehistro ang tuwa. Bigla siya nitong sinugod ng yakap.

"I'm glad you decided to come, anak" Masayang sabi nito at humigpit pa ang yakap sa kanya. Gumanti siya ng yakap na halatang ikinagulat nito.

"I-I want to get to know you better"

"Oo naman, sweetheart. Napakasaya ko kasi nandito ka. Akala ko galit ka sa akin"

"I'm sorry about the last time we saw each other. I was just shocked" Aniya. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya at hinaplos ang pisngi niya.

"It's okay, sweetheart. Ang tagal-tagal kitang hinanap kaya noong mahanap kita ay pinuntahan kita agad. Patawarin mo ako kasi hindi kita nahanap agad"

"Wala po kayong kasalanan. It's maman and papa's fault" Galit niyang sagot. Natahimik naman ito. Maya-maya ay niyaya na siya nitong pumasok at marami silang napag-usapan tungkol sa isa't-isa. Lahat ng agam-agam niya ay nawala dahil napagtanto niya kung gaano siya kagustong makilala nito ng lubos.

Nalaman niyang isa pala itong doctor. Maaga daw itong nabuntis noon sa kanya dahil maaga itong umibig. Nakilala nito ang papa niya noong 18 taong gulang ito at nagkaroon ang mga ito ng relasyon; pero naghiwalay ang mga ito dahil sa ibang babae. Noong una ay hindi nito alam kung sino ang babae ng papa niya, pero ngayon ay nalaman na nito na ang matalik pala nitong kaibigan na bigla na lang nawala noon, ang ipinalit nito. 'Yun ay ang kanyang maman Belinda.

Nalaman din niyang umibig ulit ito at nagkaroon ang mga ito ng isang anak kaya lang sa kasamaang palad ay namatay na last year ang asawa nito.

"Ano po ang pangalan ng k-kapatid ko?" Tanong ni Gaelle.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon