Vingt-trois

110K 1.9K 60
                                    

A/N: 22_MonAmour aka Zoé Isabel here! I'll update this story at least twice a week from now on. (Well, it depends on your responses as readers of this story. LOL)


DAHIL sa gulat ay 'di agad nakakibo si Kellan nang yakapin siya ni Beatrice. Akala niya ay 'di na ito magpapakita pa sa kanya kahit kailan pagkatapos ng ilang beses niyang pagtanggi sa mga panunukso nito sa kanya. Ang huli ngang pagkikita nila ay noong bago dumating si Gaelle sa Pilipinas nitong nakaraang buwan.

Sinabi naman niya rito na 'di niya tatakbuhan ang responsibilidad pero mukhang hindi kontento roon ang babae. Mukhang ipagpipilitan pa rin nito ang gusto na kahit kailan ay 'di niya maibibigay rito.

Ngayong naayos na niya ang gusot sa pagitan nila ni Gaelle ay 'di na siya papayag na sirain ulit sila ni Beatrice.

Kahit wala pa siyang naririnig mula sa dalaga ay alam na niyang iyon ang dahilan kung bakit siya iniwan nito noon. Noong una ay nalilito pa siya kung bakit bigla na lamang itong umalis pagkatapos niyang makatanggap ng text message mula rito na nakikipaghiwalay na ito. Pero nang tumagal ay na-realize niyang nakita siguro ni Gaelle ang lahat. Wala naman kasi siyang ibang nagawang pagkakamali na alam niya kundi 'yon lang.

Nagkamali siya at gagawin niya ang lahat upang maayos ang lahat. Dapat na niyang kausapin si Gaelle upang ipagtapat ang sekreto niya. Dapat noong nasa La Union pa sila ay sinabi na niya ang totoo pero naunahan siya ng takot.

Oo, naging duwag na naman siya pero masisisi ba niya ang sarili? Ayaw na niyang bumalik sa mga panahon na wala ang dalaga sa tabi niya at naging stalker pa siya nito na pinapanuod lamang niya ito sa malayo dahil 'di niya ito malapitan.

Nang makabawi ang binata ay saka siya natauhan. He untangled Beatrice's arms from around his neck.

"Bakit ka nandito? As far as I know, sinabi ko na sayo'ng 'wag kang pupunta rito" He said through gritted teeth.

"'Di ka naman kasi sumasagot sa mga texts at tawag ko, babe" Lalong naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Gusto niya itong bulyawan at kaladkarin palabas ng bahay nila pero ayaw naman niyang maging ganung klase'ng tao. Ayaw na ayaw niyang gumagamit ng dahas kung hindi rin naman kailangan.

"I'm not your babe, Beatrice and you know that. Siguro, mas makabubuting umalis ka na lang" Pagtataboy niya rito.

"Kellan, don't be rude. Nandito si Beatrice dahil kay---"

"Mom, please" He gave his step-mother a pleading look and he was glad that she understood what he meant. She heaved a sigh and didn't say anything more. Kitang-kita ang maraming katanungan sa mukha nito habang nakatingin sa kanya saka tumingin sa gawi ni Gaelle. Kita rin niya ang pag-aalala sa mukha nito para sa anak.

Nang tingnan niya si Gaelle ay nakatingin lamang ito sa kanila ni Beatrice habang nakaguhit ang sakit at pagtataka sa magandang mukha nito. She looked pale too.

"Don't ever tell me that, Kellan. Alam na alam mong kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi ka makakawala sa'kin" Aroganteng saad nito saka tinapunan si Gaelle ng nang-iinsulto'ng tingin.

"Long time no see, my long lost friend. I've never thought na babalik ka pa pagkatapos ng nangyari noon. Ganun ka ba talaga katanga na pagkatapos kang ipagpalit sa'kin ni Kellan ay babalik ka pa rito para ipagpilitan ang sarili mo sa kanya? Ang tagal mo naman yatang maka-move on. If I were you, I would just go back to the hell hole where I came from kasi kahit ano'ng mangyari, ako pa rin ang pipiliin ni Kellan sa bandang huli dahil may alas ako na wala ka na kahit kailan ay 'di papayagang mawala ni Kellan" Mabuti na lamang at nakapag-pigil pa si Kellan.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon