dix-huit

170K 2.8K 76
                                    

PAGBALIK nila sa rest house ni Kellan ay sabay nilang inayos ang mga pinamili nila. Ang mga gulay at karne ay nilagay nila sa loob ng ref at ang mga prutas ay inayos rin nila sa isang fruit tray. Ang mga grocery items naman ay nilagay nila sa cupboard. Para silang mag-asawa na nagtutulungan.

Habang ginagawa nila ang mga 'yon ay masaya silang nagku-kwentuhan. Parang wala nang anumang bahid ng galit na nararamdaman si Gaelle para sa binata at aaminin niyang napakagaan ng pakiramdam nang 'di iniisip ang takot at galit niya rito.

Naisip niyang siguro panahon na rin para kalimutan niya ang nakaraan at mag-focus sa kung anuman ang meron sila ngayon. Nakaraan na 'yon at wala nang mababago pa samantalang ang ngayon ay meron ang binata sa tabi niya at ginagawa ang lahat para makuha ulit ang pagmamahal niya.

Siguro panahon na para ibaon sa limot ang nangyari noon. Sawa na rin siyang magalit at matakot. Ayaw niyang ang nangyari noon ang maging dahilan para maging masaya siya.

Pagkatapos nilang maayos ang lahat ng kanilang pinamili ay sabay nilang pinagsaluhan ang mga iba pang pagkaing binili nila.

"Are you serious, Kellan? Can we really eat these?" Natawa ang lalaki sa tanong niya. Pa'no ba naman kasi, ngayon lang niya napansin na pati pala intestines at dugo ay binili rin nito. Para sa isang gaya niya na sanay sa western cuisines ay parang natakot siya sa isiping kakainin niya ang mga 'yon.

"Oo naman. Watch me" Anito sabay kagat sa isang cube ng inihaw na dugo.

"I thought you never had the chance of eating these before?"

"I've never had the chance to do so before lalo na at sa amerika ako pinanganak. Nang dumating kami dito ay sinubukan kong kumain ng fishball pero naospital ako dahil doon. Apparently, madumi ang tinda nung pinagbilhan ko. Mula noon, 'di na ako tumikim pa"

"Then why did you agree to buy these?" Usisa niya sa binata na patuloy pa rin sa maganang pagkain ng mga pinamili nila.

"Well, I figured out that it has been so long since then tska sabi mo, gusto mong kumain ng street foods. Kung ano ang gusto mo ay gusto ko, gagawin ko din" She rolled her eyes because of his answer which made him laugh.

"Corny na ba ang dating ko?"

"Ano sa tingin mo?" Natawa ulit ito.

"Ito oh, tikman mo. It's actually delicious" Anito sabay lagay sa plato niya ng barbecue, isaw at dugo(?). She hesistated at first but she decided to taste them. Nag-alangan pa siya nung una pero nang matikman ang mga 'yon ay masarap naman pala. Huwag lang ilalagay sa isip na dugo at intestines ang mga 'yon para 'di mawalan ng gana.

Meron rin itong binili na mga fishball, kikiam at iba pa which she found it very interesting.

Dahil napagod sa pamamasyal at dahil na rin sa gutom ay nakain nilang lahat pati na rin ang pizza na binili nila.

"Wow, you haven't changed. Kahit marami kang kinakain ay payat ka pa rin" Komento ni Kellan habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan nila. Ito naman ay nakaupo sa iland counter stool.

"Well, my metabolism is fast"

"Yeah, I can see that very well" Napansin niyang tumayo ito mula sa stool at lumapit sa kanya. Napaigtad pa siya nang bigla na lamang siya nitong yakapin mula sa likuran habang naghuhugas siya.

"K-Kellan..."

"You smell so nice" Parang tumayo lahat ng mga balahibong-pusa niya nang masuyong dumampi ang mga labi nito sa batok niya. Dahil mainit ang panahon ay naka-messy bun ang buhok niya kaya naman malaya nitong gawin iyon.

Pinilit niyang ignorahin ang mga epekto ng ginagawa nito sa kanya at tinapos ang paghuhugas. Nang matapos ay nagsabon siya ng kamay saka nagpunas.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon