A/N: Mahaba-haba ang chapter na 'to. Sana magustuhan niyo. BTW, don't forget to share this story:)
PASIPOL-SIPOL pa na naglalakad si Kellan papunta sa section ng grocery kung saan naroon ang pakay na sabon para sa nobya. He's happy because he felt like everything's starting to fall into place again. Kahit alam niyang marami pa siyang effort na gagawin para maayos ang lahat ay okay lang dahil kahit papaano, they're finally moving forward step by step even though it's just for a little bit.
Napangiti siya nang makita ang pakay. Akma niya iyong aabutin nang marinig ang cellphone niyang nagri-ring. Napakunot-noo siya saka iyon kinuha mula sa bulsa ng pantalon.
Lalong lumalim ang gatla ng noo nang makitang si Beatrice ang tumatawag. He huffed.
Ayaw sana niya iyong sagutin dahil gusto niyang ibigay ang buong araw na 'yon para kay Gaelle ngunit naisip niyang baka importante ang sasabihin nito na tungkol kay Brett. Napabuntong-hininga siya saka pinindot ang answer button.
"Hello"
"Kellan, i need you here with me right now"
"Bakit? May nangyari ba kay Brett?" Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa bata.
"Wala naman pero kailangan ka namin dito. You need to come over here as soon as possible" Nagpakawala si Kellan ng marahas na hininga dahil sa narinig.
"Beatrice, I can't come over right now. Kung wala naman palang nangyari, hindi ako makakapunta kasi kasama ko ngayon si Gaelle. Nangako ako sa kanya na ipapasyal ko siya ngayon. It's our day together today. Bukas na lang ako pupunta diyan"
"At uunahin mo pa talaga ang babaeng 'yan kaysa sa amin ng anak natin? Sige, kung hindi ka pupunta ngayon dito ay 'di mo na makikita pa si Brett dahil aalis na kami ngayon. Gusto ko lang pumunta ka rito dahil sasabihin ko ang plano kong pag-alis namin. Mamili ka, pupunta ka rito o hindi mo na makikita pa kahit kailan ang anak natin?" pagbabanta nito at sa tono ng pananalita nito ay talagang seryoso ito.
Nakaramdam siya ng pagkabahala pero hindi niya hinayaang mahalata nito iyon sa boses niya. Anger is slowy boiling inside of him because of what she said but he chose not to explode. Ayaw niyang sirain ang masayang mood niya.
"What the hell are you talking about, Beatrice?" tumawa ito ng pagak.
"Ang tagal ko nang naghihintay sa'yo, Kellan. I am tired of waiting for you to give us your full attention. Nakapag-decide na akong pumunta sa America at doon ko palalakihin si Brett. I am giving you the final decision this time, Kellan. Kung pipiliin mo ang babaeng 'yan, kalimutan mo na si Brett dahil hinding-hindi mo na siya makikita pa kahit kailan. Kung gusto mo pa siyang makita, sumama ka sa'min sa America. Mamayang alas singko ang flight namin. Kung pupunta ka dito, don't ever bring that woman with you or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" bigla ang pagragasa ng dugo papunta sa kanyang ulo sa narinig.
Napahigpit ang hawak niya sa cellphone at nag-igtingan ang mga litid niya sa leeg. Gustong-gusto na niya itong bulyawan dahil sa pagiging makasarili nito pero bago pa niya magawa iyon ay pinutol na nito ang tawag.
"Damn it! You can't do this to me, Beatrice!" pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala na roon ang atensyon niya. Oo, galit na galit siya pero naroon rin ang takot. Paano kung totohanin nito ang banta at aalis nga ang mga ito mamayang hapon?
Marami na siyang ginawa at sinakripisyo para lamang makasama ang anak at hindi siya papayag na ilayo lang nito ang bata mula sa kanya. Napatim-bagang siya sa sobrang galit.
Dali-dali niyang pinulot ang body soap na sadya niya roon saka malalaki ang hakbang na bumalik kung saan niya iniwan si Gaelle.
Nang makita siya nitong palapit ay sinalubong siya nito. Mukha itong may sasabihin sa kanya pero bago pa ito nakapagsalita ay inunahan niya ito. Isa lamang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon at iyon ay ang makapunta agad sa bahay ni Beatrice upang pigilan ito sa balak gawin.
BINABASA MO ANG
Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)
RomanceWARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "You're planning on leaving me again? Tell me, ganun lang ba ang tingin mo sa akin na pagkatapos pali...