trente-cinq

146K 2.1K 151
                                    

A/N: Hi guys! This is the last chapter before the epilogue! Medyo minadali ko na para makapag-concentrate ako sa other stories ko. 

BTW, gusto niyo pa ba ng isa pang tagalog story by me or english na lang?


NAGISING si Gaelle na mayroong pumpon ng mga bulaklak sa tabi niya. Kahit pa walang magsabi sa kanya ay alam na niya agad kung kanino galing iyon. Paano ba namang hindi niya malalaman ay araw-araw siya nitong pinapadalhan ng bulaklak. 

 Dinala na naman siguro ng kanilang kasambahay iyon sa kwarto niya. Kinuha niya iyon at dinala sa kanyang ilong upang amoyin. Its scent was heavenly and it felt like her day has already completed. Kinuha niya ang naroong maliit na card saka binasa.

'Pour la seule femme de ma vie que j'aime. J'éspère que ces fleurs te plaît. Je t'aime trop fort ma chérie.

Ton amour, Kellan'.

She rolled her eyes because of the last sentence but she couldn't help but to smile. Ang sweet lang talaga ng mokong. Talagang determinado na tanggapin niya ulit ito sa buhay niya. Nailing na lamang siya. Kanino naman kaya nito iyon pinaturo, eh, hindi naman ito marunong ng French?

Bumangon siya saka inilagay niya sa isa pang paso ang mga bulaklak. Tiningnan niya ang mga limang paso na naroon na nasa iba't-ibang bahagi ng kwarto. Merong mga lamang bulaklak ang bawat isa. Hay naku, Kellan. Ginagawa mo nang tindahan ng mga bulaklak ang kwarto ko.

Nang matapos niya iyong ilagay sa paso ay saka siya pumunta sa bathroom upang mag-sepilyo at maligo na rin. Nang matapos siya ay saka siya bumaba.


PARANG nais matawa ni Gaelle sa itsura ni Kellan habang pawis na pawis ito at abala sa pagtatanim ng mga flowering plants sa hardin. Naka-top-less pa ito kaya naman ay kitang-kita ang katakam-takam nitong katawan. Nais mapalunok ni Gaelle sa nakikita pero pinigilan niya ang sarili. Amusement filled her when Kellan muttered littany of curses when a bee suddenly appeared out of nowhere and tried to sting him.

Para na itong tanga doon na kaaway ang bubuyog. 'Di naman niya mapigilang mag-alala ng konti na baka makagat ito ng insekto. Masakit pa naman iyon. Akma niya itong lalapitan upang tulungan nang sa wakas ay napaalis rin nito iyon.

Maya-maya pa ay nagpatuloy na ito sa ginagawa. Panay ang punas nito ng pawis gamit ang hinubad nitong t-shit. Nais niyang mapailing. Ang mga lalaki talaga!

Tatlong buwan na mula nung maospital siya at hanggang ngayon ay 'di pa rin sumusuko sa panliligaw ulit sa kanya ang binata. Sa mga nakalipas na buwan ay talagang naging malamig ang pakikitungo niya rito at hindi niya hinayaang manalo na naman ang dikta ng puso niya. Talagang pinahirapan niya ito sa panunuyo sa kanya.

Akala nga niya ay susuko na ito sa kanya dahil alam niyang nasasaktan rin ito at nahihirapan sa sitwasyon nila pero hanggang ngayon ay narito pa rin ito at hindi siya sinusukuan.

Ginagawa nito lahat ng bagay na alam nitong makakapagpasaya sa kanya kahit pa mahirap para rito. Kahapon nga ay narinig yata nitong nabanggit niya sa ina na sana ay mataniman ng mga rosas at iba pang mga flowering plants ang kanilang garden. Lipas na ang paglilihi niya pero hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagkagusto niya sa mga bulaklak na dati naman ay wala siyang interest.

Nakakagaan naman kasi ng pakiramdam kapag tinititigan niya ang mga iyon dahil sa mga matitingkad na kulay ng mga ito. Pati ang mababangong halimuyak ng mga ito ay nakakadagdag ng tuwa sa kanyang dibdib.

Dahil siguro sa narinig nitong sinabi niya ay narito ito ngayon sa kanilang tahanan at nagpapaka-hardinero. Nailing na lamang ang dalaga saka lihim na napangiti.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon