A/N: Hi guys! Sa mga gusto akong i-add sa social media, add niyo na lang po ako sa Instagram. 22_Monamour, yan po ang username ko. Sa FB naman po, hindi ko na po ma-open ang account ko doon. Sinusubukan ko pang i-retrieve. Anyway, happy Sunday to all!
MABILIS na bumangon si Gaelle saka patakbong pumunta sa banyo upang dumuwal at nang matapos ay animo hinang-hina siya dahil kahit wala na siyang mailabas ay sige pa rin ang pagsusuka niya. Nang sa wakas ay natapos rin ang pagduduwal niya at nakaramdam ng ginhawa ay naghugas siya ng mukha.
Tinitigan niya ang sarili sa salamin at napansin niyang namumutla siya. Hay, ilang araw pa kaya ang kailangan lumipas bago matapos ang morning sickness niya? Sa totoo lang ay hirap na hirap na siya.
Nang matapos niyang tuyuin ang mukha gamit ang tuwalya ay bumalik siya sa kwarto at nahiga ulit. Napansin niyang wala na pala si Kellan sa kama. Marahil ay pumasok na ito sa opisina. Kaya pala hindi ito sumunod sa kanya habang nagsusuka siya sa banyo kasi umalis na pala ito.
Ganun kasi ang kasintahan. Kapag masama ang gising niya dahil sa morning sickness niya ay naro'n lamang ito sa likod niya habang hinahagod ang likod niya. Pinikit niya ang mga mata dahil parang umiikot ang paningin niya.
Kung hindi lamang masama ang pakiramdam niya ay bumaba na siya pero parang hindi pa niya kaya.
Pagkalipas ng halos isang oras ay naging mabuti na rin ang pakiramdam niya kaya bumangon na siya saka bumalik sa banyo upang magsepilyo saka maligo. Nang matapos siya ay saka siya nagbihis at tinuyo ang basa niyang buhok gamit ang hair dryer. Nang matapos ay bumaba na siya at nakita niya si Jillian na kumakain ng almusal mag-isa.
"Good morning, ate. Kain na" Bati nito at ipinaghila pa siya ng upuan. Gusto niyang paikutin ang mga mata dahil masyadong siyang pinagsisilbihan ng mga ito mula nang malaman ng mga itong buntis siya. Pero mas pinili na lamang niyang magpasalamat at hindi na magkumento pa.
'Good morning too, brat" Naupo siya sa silyang hinila nito para sa kanya na nasa tabi nito saka nilagyan ng pagkain ang sariling plato tapos ay nag-umpisa na rin siyang kumain.
"Umalis na ba sina mommy at Kellan?" Tanong niya habang maganang kumakain. Mabuti na lamang at mabuti na ang pakiramdam at ngayon nga ay parang gutom na gutom ang pakiramdam niya. Pa'no ba namang hindi, eh nailabas niya yata ang lahat ng kinain kagabi.
"Kanina pa sila umalis, ate. Ang aga nga ni kuya'ng umalis kanina" Napakunot-noo siya sa narinig.
"Mga anong oras?"
"Mga bandang 7 am siguro. Hindi ba siya nagpaalam sa'yo, ate? Maaga akong nagising kanina kaya nakita ko siyang nagmamadaling umalis. Tinanong ko siya kung bakit nagmamadali siya kasi maaga pa naman para pumasok siya sa trabaho niya. Pero ang sabi niya, pupuntahan niya si Brett dahil may tawag si ate Beatrice sa kanya at pinapapunta siya roon" Natahimik si Gaelle at 'd niya alam ang sasabihin. Bigla ay nawalan siya ng gana.
"Ate, are you okay?" Nag-aalalang tanong ng kapatid. Pilit siyang ngumiti saka tumango.
"I'm okay, brat" sagot niya saka tinungga ang tubig na laman ng baso niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang masama na naman ang loob niya. Paano naman kasi, hindi man lang nagpaalam ang binata para man lang ipaalam sa kanya na hindi pala ito pupunta sa opisina bagkus ay kina Beatrice pala ito tutungo.
Isang linggo na rin mula nang mangyari ang konting tampuhan nila ni Kellan. Tumupad naman ito sa pangako at binibigayan na rin siya nito ng extrang oras kahit pa napaka-busy nito. Kung dati ay lagi itong late umuwi, ngayon ay lagi na itong maagang umuuwi para lang makasama siya at masamahan sa mga gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)
RomanceWARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "You're planning on leaving me again? Tell me, ganun lang ba ang tingin mo sa akin na pagkatapos pali...