dix

188K 2.7K 70
                                    


A/N: Sorry po for the late update. 'Di po kasi ako makapag-type dahil sa injury ko sa kamay. Pero ngayong okay na, sulat ulit ng mga updates!!! lol

Another thing po. I will 'private' all the chapters with BS in order to prevent my stories to be reported. May nag-report po kasi sa dalawang stories ko kaya ganun na lang ang gagawin ko. I will private them by the first week of september. Hope you understand :)


"BILISAN niyong kumain at pupunta pa tayo sa lolo niyo bago tayo mamasyal" Sabi ng mommy nila. Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan at kumakain ng almusal. Antok na antok pa si Gaelle dahil pakiramdam niya ay hindi siya nakatulog. Mahapdi tuloy ang mga mata niya. Kasalanan 'to ng mokong na 'to eh!

Napatingin siya sa gawi ng binata na maganang kumakain. Sakto namang napagawi ang tingin nito sa kanya kaya nagtama ang mga mata nila. Iiwas n asana siya ng tingin ng kindatan siya nito. Pakiramdam niya ay tumayo ang mga balahibo niya sa batok at likod. She could feel her cheeks getting redder. Her lips pursed with annoyance. Jerk!

"Gaelle, are you okay? You look uneasy" Damn...

"Okay lang po ako. 'Wag niyo na po akong pansinin" Sagot niya na bahagyang yumuko. May pagka-bipolar rin pala ang lalaking 'to. Kagabi ay galit na galit dahil sa selos tapos ngayon naman ay may pakindat-kindat pa siyang nalalaman!

Napatingin siya sa katabi niyang si Jillian nang marinig niya ang pigil na tawa nito.

"Why are you snickering like that?"

"Eh kasi nakakatawa kayo ni kuya eh. Pero in fairness, bagay talaga kayo" Bulong nito. Inirapan na lamang niya ang kapatid at tinapos na ang pagkain.

NANG makarating sina Kellan sa bahay ng abuelo ay napansin niya si Gaelle na halatang 'di mapakali. Nagpatiuna nang pumasok sina Jillian at ang mommy nila pero si Gaelle ay nagpaiwan muna sa labas kaya nagpasya na rin siyang magpahuli.

"Are you okay?" Tumingin ito sa gawi niya.

"Maiwan na lang siguro ako rito sa labas" Mahinang sabi nito imbes na sagutin nito ang tanong niya.

"Bakit naman? Ayaw mo bang makilala ang lolo ko?"

"H-Hindi naman sa ganun"

"Eh bakit nga?" Kulit niya rito.

"Kellan, ano ba? Ang kulit mo!" Akma itong lalayo mula sa kanya at babalik sa sasakyan nang hilahin niya ang kamay nito.

"Let's go inside. They're waiting for us" He said firmly. Nagpasalamat na lamang siya at 'di na ito pumalag pa.

Nang makarating sila sa loob ng marangyang kabahayan ng abuelo ay naabutan nila ang kapatid at ina nila na kausap na ang lolo nila sa sala.

Lumapit sila sa mga ito na magkahawak ng kamay at nagmano siya rito.

"Sinno dayta kadwam, apo'k? Nobiya'm??" Nakakunot noo'ng tanong ng abuelo niya sa kanya sa salitang Ilocano. Ilocano kasi ito samanatalang manilenya naman ang lola nila. Madalas siyang magbakasyon dito sa baguio noon kaya tinuruan siya ng mga ito ng Ilocano.

(Sino 'yang kasama mo, apo? Nobya mo?)

"Wen, lolo. Ngem sekreto pay la'ng" Nakangisi kong sagot.

(Opo, lolo. Pero sekreto muna)

"Apay ngay?"

(Bakit naman?)

"Basta. Haan mo pay nga ibagbaga kinni mommy ken Jillian"

(Basta 'wag mo munang sasabihin kina mommy at Jillian)

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon