A/N: Hi guys! Hindi ko pa sana ipopost itong update na ito dahil ilang araw nang may problema ang wattpad pero i've decided to post it anyway. Kindly inform me if it's blank or not. Thank you!
KELLAN has a wide smile across his face while working in his office. Yes, he already went back to work last week. Tapos na ang kanyang bakasyon at nangungulit na ang kanyang sekretarya sa dami ng trabahong nakatambak na dapat niyang gawin.
Kung siya lang ang masusunod ay ayaw pa muna sana niyang bumalik sa trabaho at bantayan muna si Gaelle pero matagal-tagal rin kasi siyang nawala kaya kailangan na niyang bumalik.
Isang linggo na rin mula nang bumalik sila ng dalaga sa Manila. Eveyrthing happened so fast. Gaelle already informed her parents about their relationship and like they were expected, they weren't happy at first. Para kasi sa mga ito ay masyadong maaga pa para mag-asawa ang anak ng mga ito. Ayon sa mga ito ay gusto nilang si Gaelle ang susunod na mamahal sa business ng mga ito sa Paris dahil ito lang naman ang nag-iisang anak ng mga ito.
Gusto sana ng mga itong ituro sa dalaga kung paano hawakan ang negosyo ng mga ito dahil balang araw ay ito rin naman ang magmamana.
Pero nang pinaalam nila na buntis na ang dalaga ay pumayag na rin ang mga ito sa kasal. Galit na galit ang maman Belinda nito sa kanya dahil sinamantala raw niya ang kahinaan ng kanilang anak. Sa galit nga nito ay halos suntukin na siya nito mula sa screen ng computer. Buti na lamang at sa skype pa lamang sila nakapag-usap, kung hindi ay baka nasampal na siya nito sa galit o kaya naman ay nasuntok.
Gusto nga sana ni Kellan na pumunta sa France upang kausapin ang mga ito nang personal pero masyado na siyang maraming trabahong naiwan sa opisina at idagdag pa na ayaw niyang iwan si Gaelle lalo ngayon na buntis ito. Ayaw naman niya itong bumiyahe sa kalagayan nito ngayon. He doesn't want to take the risk lalo na at sinabi ng doctor nito na hindi dapat ito napapagod at nai-stress.
France is far from the Philippines and flying all the way there could trigger her stress and fatigue.
Nang hindi makauwi si Gaelle sa araw na nakatakdang araw na uwi nito ay tinawagan nito ang mga magulang upang ipaalam sa mga ito na hindi pa muna ito makakauwi. Doon na rin siya nagdesisyong kausapin ang mga ito nang masinsinan.
Sa susunod na linggo ay darating ang mga ito sa Pilipinas upang makapag-usap sila nang mas mabuti at para na rin pormal niyang mahingi ang kamay ng anak ng mga ito.
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang pumasok ang sekretarya niya. Iniiwan niyang naka-awang nang kaunti ang pintuan para hindi na nito kailangang kumatok pa kung kailangan nitong pumasok. Ito lamang ang may access sa kanyang opisina at ang mga iba pa niyang empleyado ay kailangang dumaan mismo rito kung gusto ng mga ito na kausapin siya.
"Ano 'yon Izabel?" Tanong niya rito. Tatlong taon na rin niya itong sekretarya at sa totoo lang ay ito lamang ang tumagal sa kanya nang ganung katagal. Lahat kasi ng mga naging sekretarya niya ay puro pagpapa-cute lamang sa kanya ang ginagawa at iyon ang ayaw na ayaw niya.
Siya ang klase ng tao na dedicated pagdating sa trabaho at kung ano siya sa labas ay iba siya kapag oras ng trabaho. He's a very serious person when it comes to work and he expects his employees to do the same. Professionalism is very important for him too.
Maagang namatay ang ama kaya naman maaga ring naiatang sa mga balikat niya ang mabigat na responsibilidad na pamahalaan ang iniwan nitong kompanya. Noong nasa kolehiyo pa siya ay wala sa isip niya ang pamahalaan ang kanilang kompanya. Kahit pa pinagbigyan niya ang ama at kinuha ang kurso na gusto nito para kanya ay plinano niyang hindi makialam sa kanilang negosyo dahil wala naman siyang interest doon. He couldn't even imagine himself just sitting in an office and doing nothing but paperworks and meetings. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Gaelle at ito ang naging dahilan upang mamulat ang mga mata niya sa kung ano ba dapat ang tamang gawin niya sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)
RomanceWARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "You're planning on leaving me again? Tell me, ganun lang ba ang tingin mo sa akin na pagkatapos pali...