huit

183K 2.8K 21
                                    

IMBES na lumingon siya ay kunwari hindi niya ito narinig at binilisan pa ang paglalakad. Papasok na sana siya sa antique shop nang pigilan siya nito sa kamay.

"Are you avoiding me?" Kellan asked with a slightly irritated tone. She cocked up her eye brow at him.

"No. Why would I do that?" She asked matter-of-factly.

"Really? Eh, bakit kunwari 'di mo ako naririnig kanina?"

"Eh, 'di kita narinig eh. Bakit ba kasi ako sinundan?" imbes na sumagot ay pinagsalikop nito ang mga kamay nila.

"Hindi ko alam na may pakabingi ka pala, chérie" He teased and winked playfully at her. She rolled her eyes.

"Hindi ako bingi at pwede ba, lumayas ka nga dito. Ayoko ng kasama" Aniya at tingkang hilahin ang kamay mula rito pero 'di ito pumayag at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay niya. Ito pa ang naunang pumasok sa shop habang hila-hila siya. Napabuntong hininga na lamang siya at nagpatianod rito.

Wala rin naman siyang magagawa. Kung siya, matigas ang ulo, mas stubborn ang binata. Alam rin niya'ng mas lalo lang siya nitong kukulitin kapag 'di pa siya tumigil.

Nang makapasok sila ay nagandahan at namangha siya sa mga nakadisplay'ng paninda roon. Very interesting things were in front of her so she must take a souvenir out of it.

Walang tao sa loob maliban sa kanila ng binata at ang may-ari ng shop. Nang lumapit ito sa kanila, tinanong niya kung pwede ba siyang kumuha ng pictures ng mga bagay na nasa loob. The lady gladly said yes.

"Let go of my hand"

"Kailangan bang kunan mo yang mga bagay na yan ng picture? Nandito naman ako ah, macho na, gwapo pa" Napairap na lang siya sa kayabangan nito at sinimulan nang kumuha ng mga larawan. Pagkatapos ng ilang minuto, napadako ang tingin niya sa isang pares ng kwintas na nakasilid sa isang maliit at transparent na vault box.

Kakaiba ang pendant ng mga ito dahil ang isa ay hugis puso na may butas sa gitna, ang isa naman ay arrow-shaped ang pendant. Mukhang kakasya ang arrow-shaped na pendant sa butas ng hugis pusong pendant.

"Ano po ang gusto niyo?" Tanong ng babae nang mapansing nakatingin ang dalaga sa mga display.

"A couple necklace?" Tanong niya sa babae sabay turo sa couple necklace.

"Opo. Sabi po ng tatay ko, ang mga kwintas daw po na 'yan ay simbulo ng matinding pagmamahalan ng mga may-ari at kung sino man ang mga tunay na nagmamahalan na magsusuot niyan ay siguradong magsasama sila ng masaya habang-buhay" Kwento ng babe.

"Magkano?" Tanong ni Kellan na ngayon ay interesado na rin.

"Naku, pasensya na po pero 'di po naming binebenta 'yan" Napakunot nuo ang binata.

"Eh bakit naka-display kung 'di niyo rin pala ibebenta?"

"Kung mapapansin niyo po ay naka-separate po yang couple necklace na yan sa iba kasi display lang po siya. Ayaw po kasing ibenta ng tatay ko"

"Hayaan mo na, Kellan. Tara" Sabi ng niya rito sabay hila sa kamay nito. Tinitigan niya ito at nakita niya sa mga mata nito ang interest sa mga kwintas.

"Gusto mo ba talaga 'yon?" Umiling siya at ngumiti.

"Okay lang, Kellan. Tara na. Baka hinahanap na nila tayo" Bumuntong-hininga si Kellan at tumingin ulit sa antique shop.

"Are you coming or not? Bahala ka na nga diyan" Inis na sabi niya rito sabay martsa pabalik sa restaurant. Si Kellan naman ay naiwang nangingiti na lang dahil sa bilis na mainis ng dalaga.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon