Epilogue

216K 4.3K 391
                                    

A/N: OMG! Epilogue na guys! I'm a little bit emotional right now. lol. Anyway, thank you po sa pag-support niyo sa story na ito from the beginning up to this point. Sana po ay patuloy niyo pong suportahan ang mga stories ko! Marami pa pong story ang darating so stay tuned! MARAMING SALAMAT PO! 

WARNING!!! This chapter contains MATURE scenes for ADULTS only! Read at your own risk!!!

EPILOGUE

ILANG BESES nang sinulyapan ni Kellan ang kanyang relo upang tingnan kung ano'ng oras na. Tatlong minuto na lamang at mag-uumpisa na ang kasal pero wala pa ang kanyang bride.

"Huwag kang mag-alala. Parating na siya" ani Jillian na hindi niya namalayang nilapitan pala siya. Ito ang tatayong maid of honor sa kasal nila ni Gaelle at magandang-maganda ito sa suot nitong gown. She's already old enough to have a boyfriend but thankfully, he's not yet interested because her priority was her studies. Iyon kasi lagi ang paalala niya rito pati na rin ang kanilang mommy.

Alam niyang maraming manliligaw ang kapatid dahil sa angking ganda at talino nito pero mukhang wala pang nakakakuha sa atensyon nito.

"It's almost time. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya" 'di niya mapigilang mag-alala na aniya. Pinaikot ng kapatid ang mga mata.

"Don't be so paranoid, kuya. Don't worry, wala namang matinding traffic dito sa Paris hindi gaya sa atin kaya siguradong on time darating si ate" she said, trying to make him calm. Oo, sa Paris nila napag-desisyonang magpakasal ni Gaelle. Very intimate lamang ang ceremony with their friends and families.

Malapit lamang sa Eiffel Tower ang Saint Joseph's Catholic Church kung saan nila napiling magpakasal. Sa Eiffel Tower pa nga nila ginawa ang kanila prenup video and photoshoot. Gusto kasi niyang sa lugar kung saan lumaki si Gaelle gaganapin ang kanilang kasal. Alam niya kasing ito ang pangarap ng dalaga at gusto niyang tuparin iyon para rito.

He was about to answer his sister when she suddenly heard her squealed while eyeing the entrance of the church.

"She's here, kuya. Get ready!" tili nito saka umalis upang pumunta na sa pwesto nito. Handa na ang lahat. Isinara ng mga organizers ang pintuan ng simabahan para maging kapanapanabik ang pagpasok ng bride. Hindi pa man niya nakikita ang dalaga pero alam na niyang magandang-maganda ito sa suot na puting wedding gown.

Kellan suddenly felt nervous and excited at the same time. Parang gusto niyang hilain ang oras upang makasal na sila agad. Baka kasi biglang magbago ang isip nito. Kahit pa alam naman niyang malayong mangyari iyon ay para siyang tangang kung anu-ano ang naiisip.

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig na nagsimula na ang wedding march at nagsimula nang magmartsa ang mga kasali sa entourage.

Ngunit maya-maya ay isang malakas na hagikhik ang pumailanlang sa buong simbahan at iyon ay ang masayang tawa ng kanilang munting anghel ni Gaelle. Ito ang kanilang munting ring bearer na buhat-buhat pa ng lola Belinda nito.

"Ang cute" narinig niyang sabi ng mga tao na natutuwa sa anak. Nagpapakitang gilas ito na pumapalakpak pa habang panay ang ngiti at tili sa mga tao.

Nais matawa ni Kellan sa itsura ng anak. Parang alam nito ang nangyayari at nakikisaya sa kanilang dalawa ng ina nito. Mabuti na lamang at mukhang maganda ang araw nito dahil napakabugnutin nito minsan lalo na kung hindi nito nakikita si Gaelle. Napaka-mommy's boy. Pitong buwan pa lamang ito at habang lumalaki ay mas lalong gumugwapo. Well, that's according to other people at proud na proud silang dalawa ni Gaelle.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon