A/N: Hi guys! happy reading ---Zoé Isabel
GAELLE excitedly looked at herself in the mirror. Katatapos lamang niyang mag-ayos. Naglagay pa siya ng manipis na make-up kahit na hindi naman talaga siya mahilig mag-make-up kung mamamasyal lang naman siya.
Pero iba ang araw na iyon dahil kasama niya si Kellan. Mula nang makabalik sila dito sa Manila ay ngayon lamang ulit sila lalabas na dalawa at gusto niyang magpaganda para sa binata. Lumawak lalo ang ngiti niya. 'Di niya mapigilang maging masaya dahil sa wakas nagkaro'n din ito ng oras para sa kanya.
Napagpasiyahan na niyang lumabas na at sa sala na lamang hintayin ang nobyo. Umupo siya sa sofa at binuksan ang TV. Inilagay niya sa discovery channel habang maya't-maya ang sulyap niya sa wall clock.
Nang mapansin niyang 4:30 pm na ay medyo nagtaka na siya dahil wala pa ang binata. Kanina bago pa matapos ang trabaho nito sa opisina ay nagtext pa ito sa kanya upang ipaalam na mas maaga itong makakauwi dahil nagawan nito ng paraan ang mga trabaho nito upang matapos nang mas maaga.
Sa tantiya niya ay dapat kanina pang 4 pm ito nakarating sa bahay. Akma niyang kukunin ang cellphone niya upang tawagan ito nang makita ang kapatid na dumating at pumasok sa main door.
"Hi, Ate. You look like you have a date. Saan ang lakad mo?" tanong nito saka lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Mukha itong pagod na pagod pero nakangiti pa rin.
"Lalabas kami ng kuya mo ngayon pero wala pa naman siya. Dapat kanina pa siya dumating, eh"
"Naku. Baka na-traffic lang 'yon. Don't worry too much and just relax. Daratina na 'yon maya-maya" Napabuntong-hininga na lamang siya at tumango.
"Maaga ka yata ngayon, brat?" Tanong ni Gaelle sa kapatid na ngayon ay nakapikit na habang nakasandal sa headrest ng upuan. Nagmulat ito ng mga mata.
"Wala kasi 'yong prof namin sa last subject kaya maaga kaming umuwi. Nai-stress lang ako sa dami ng mga pinapagawa sa school" Mukha ngang stressed out ito. Kumukuha kasi ito ng medicine kagaya sa mommy nila. Matagal-tagal pa bago nito iyon matapos pero mukhang ngayon pa lang ay nahihirapan na ito.
"Dibale, masusuklian rin ang mga efforts mo someday"
"Of course. Tatapusin ko 'to so that mommy, you and kuya will be proud of me" Niyakap siya nito at inihilig ang ulo sa balikat niya.
Ito ang gustong-gusto niya sa kapatid. Kahit hindi sila lumaking magkasama ay balewala lang rito at hindi nahihiyang magpakita ng affection sa kanya. Napakalambing nito at mabait. Hindi niya naramdaman na itinuring siya nitong iba kahit kailan.
"Gusto mo bang ipagluto kita ng makakain?" Tanong niya kapagkuwan.
"Huwag na, ate. Ako na lang. Siguradong darating na si kuya mamaya alng at tsaka ayoko ring masira ang gayak mo dahil sa'kin" She chuckled amusedly. Tumayo ito.
"Sige, ate. Magpapalit muna ako ng damit sa taas"
"Okay. You make sure to eat after you change your clothes" Natawa ito pero tumango saka naglakad na patungo sa grand staircase.
Nang mawala sa paningin ang kapatid ay sakto namang nag-ring ang kanyang cellphone. Napakunot-noo siya nang makitang si Kellan ang tumatawag. Bakit kaya ito tumatawag? Baka sasabihin lang nitong na-traffic ito kaya wala pa rin hanggang ngayon o kaya naman ay may biglaang meeting.
Kaagad niyang sinagot ang tawag nito.
"Hello, Kellan. What happened to you? Kanina pa ako naghihintay dito" Ilang segundo rin bago ito sumagot.
BINABASA MO ANG
Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)
RomanceWARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "You're planning on leaving me again? Tell me, ganun lang ba ang tingin mo sa akin na pagkatapos pali...