trente-quatre

123K 1.8K 69
                                    

NAKAUPO lamang si Gaelle habang tahimik na pinagmamasdan ang ina sa ginagawang pag-aayos nito ng mga gamit niya. Ngayon na ang labas niya sa ospital at nakahinga siya ng maluwag dahil mabuti na ang lagay niya at ang kanyang dinadala.

Tatlong araw rin siyang namalagi sa ospital. Mabuti na lamang at hindi malala ang nangyari sa kanya. Sabi rin ng doctor ay malaking factor na nadala agad siya sa ospital kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa kanyang baby. Ayaw niyang isipin ang maaaring nangayri kung sakaling hindi siya nadala agad sa ospital dahil alam niyang hindi makakabuti iyon sa kanya.

Isipin pa lamang niya na mawawala ang sanggol na dinadala ay para na siyang mamamatay. Alam niyang 'di niya kakayanin kung sakali.

She got out of her reverie when she heard the door opened. It was her father. Nakangiti ito sa kanya habang papalapit. Nang makalapit ito sa kanya ay masuyo siya nitong hinagkan sa noo.

Noong malaman niya ang ginawa ng mga ito sa nakaraan ay nagalit siya sa mga ito na naging dahilan ng desisyon niyang pumunta sa Pilipinas upang makasama ang ina.

Nasaktan siya sa nalaman na ginawa ng mga ito at akala niya ay hindi niya mapapatawad ang mga ito pero nang humingi ang mga ito ng tawad sa kanya ay hindi niya natiis ang mga ito at napatawad rin. Kahit naman kasi may pagkakamali ang mga ito sa nakaraan ay minahal naman siya ng mga ito at kahit kailan at hindi sinaktan.

Kahit naman istrikto ang mga ito sa kanya at minsan ay nasasakal siya ay mahal na mahal pa rin niya ang mga ito. Naiintindihan rin naman niya kung bakit ganun na lamang kahigpit ang mga ito sa kanya noon. Iba kasi ang mga kabataan sa bansa kung saan siya lumaki at ayaw ng mga ito na mapariwara siya kagaya ng mga ibang anak ng mga Pilipino.

Minsan na rin siyang nagkaroon ng mga hindi matinong barkada noong nasa Lycée pa lamang siya. Halos lahat ng mga ito ay naninigarilyo at active na ang sex life. Akala niya ay itinuturing rin siyang kaibigan ng mga ito pero muntik na siyang mapahamak dahil sa kagagawan ng mga ito.

Nagnakaw ang mga ito ng alak at inilagay ng mga ito sa bag niya ng hindi niya alam. Siya ang nahulian ng mga guro at muntik nang ma-kick out. Mabuti na lamang at naglakas loob ang isa nilang kaklase na nakakita na inilagay lamang iyon sa kanyang bag.

Mula noon ay naging istrikto na ang mga magulang dahil ayaw na nilang mangyari pa ulit iyon sa kanya. They became overprotective towards her because they didn't want her to get hurt. Kaya naman nang malaman ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Kellan ay nagalit ang mga ito.

"Are you ready, sweetie? Let's go home?" tanong ng ama sa kanya. Tipid siyang ngumiti saka tumango.

"Oui, papa. Let's go" tumayo siya mula sa kinauupuan saka inangkla ang kanyang braso sa braso ng ama tapos ay sumabay rito na naglakad palabas sa silid na 'yon. Sumunod naman ang ina na bitbit ang mga gamit niya. Pagkalabas ng hospital suite ay bigla siyang napatigil sa paglalakad nang makita ang taong nakaupo sa may upuan ng hallway na iyon.

Halatang naghihintay ito sa kanila.

Pagkakita sa kanila ay agad itong tumayo.

"chérie...." Anito pero walang ibang lumabas sa bibig nito maliban roon. He looked like someone who didn't have any sleep these past few days and she knew why. Mula kasi nang ma-confine siya sa ospital na iyon ay hindi ito umalis. Tinupad nito ang sinabi sa kanya na hindi siya nito iiwan.

Kahit pa ayaw niya itong makita at ayaw niyang palapitin sa kanya ay hindi ito umalis. Nanatili ito sa labas ng kanyang kwarto at umaalis lamang saglit kapag kailangan nitong umuwi sa tinutuluyan nito upang maligo at kumain tapos ay agad rin itong babalik.

Hindi na ito nagtangka pang kausapin siya pero alam niyang naroon lamang ito. According to her mother, they had been telling him to just to back to the Philippines and leave her alone already but he didn't agree.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon