A/N: Greetings to you all!
TATLONG araw na sila Gaelle at Kellan sa resthouse ng binata at sa mga araw na nagdaan ay palagi siyang sinusubukang akitin nito at hirap na hirap na siyang iwasan pa ito. Sa iisang kwarto rin sila natutulog pero laking pasasalamat niya at 'di naman ito gumagawa ng hakbang para may mangyari sa kanila kasi alam niya sa sarili niyang 'di niya kayang tanggihan si Kellan.
Gusto sana niyang lumipat sa kabilang kwarto pero naka-lock iyon pati na rin ang isa pang kwarto. Ang dahilan nito ay maraming mga nakatambak na gamit doon na 'di nagagamit kaya wala siyang choice kundi ang pumayag sa gusto nito.
Pero bawat gabi na dumaraan ay tila lalo siyang inaakit nito sa pamamagitan ng pagdi-display nito lagi sa matipuno nitong katawan sa kanya. Lagi itong natutulog na walang suot na pang-itaas. Lagi niyang sinasabi na magdamit naman ito pero ayaw nito dahil mainit daw. May aircon naman pero makapal kasi ang kumot kaya naiinitan ito. Tumatalikod na lamang siya para pigilan ang pag-iinit ng katawan pero ang loko, sinasadya talagang akitin siya dahil yumayakap pa ito sa kanya.
Katulad na lamang nang umagang iyon, nagising na naman siya sa mga bisig nito. 'Di niya alam kung pa'nong naging ganun ang posisyon nila dahil sa pagkakaalala niya ay nakatalikod siya rito kagabi habang yakap naman siya nito mula sa likuran. Ngayon, nagising siya na nakaunan sa dibdib nito at magkayakap sila na animo mag-asawa.
"Good morning, chérie. You look beautiful even this early in the morning" Kellan whispered and then kissed her forehead. Biglang nag-init ang mga pisngi niya at akmang aalis pa pagkakaunan sa dibdib nito nang humigpit ang mga braso nito sa katawan niya.
"Kellan, magbabanyo ako" Aniya pero mahinang tumawa lamang ito at 'di pa rin siya talaga pinakawalan.
"Tatakas ka lang, eh" sagot nito.
"Siyanga pala, gusto mo bang sumama sa'kin sa bayan? 'Di kasi makakapunta sina Aling Lita ngayon dito kasi may namatay daw na kamag-anak nila kaya kailangang pumunta tayo sa bayan ngayon para mamili ng food supplies natin at iba pa nating kailangan sa mga susunod na araw" Si aling Lita at ang asawa nito na si mang Arturo ang mga caretaker ni Kellan sa bahay nito at ang dalawang lalaki naman na anak ng mga ito ay siyang nagsisilbing gardener at tagalinis sa kapaligiran ng bahay pati na rin sa beach na sakop nang property ni Kellan.
"Kabisado mo ba dito?" Tanong niya sa binata.
"Syempre naman. May mga kamag-anak ang mama ko dito at madalas niya akong isama noon dito noong nabubuhay pa siya pero noong namatay na siya, 'di na ako nakabalik pa dito. Noong binili ko na lamang itong resthouse na ito saka ako nakatapak ulit dito" Biglang naging malungkot ang boses nito kaya naman nagpilit siyang bumangon saka tiningnan ang mukha nito.
Tama siya, meron ngang bakas ng kalungkutan sa mga mata nito pero saglit lamang 'yon. Bigla ring nawala at napalitan ng isang pilyong ngiti pero nong mapansin nito na nakatitig siya rito ay nagseryoso ito.
"Why are you staring at me like that?" Tanong ni Kellan na napakunot-noo.
"Okay ka lang? Para kasing naging malungkot ang boses mo, eh" He chuckled and then laid on his side, facing her.
"Bakit, nag-aalala ka ba sa'kin?"
"Bakit, masama ba ang mag-alala ako para sa'yo?" Umaangat ang isang kamay nito para haplusin ang pisngi niya.
"You made my day, chérie. Thank you for asking" He got up and was about to kiss her when she evaded it. Kumunot ang noo nito at akmang magtatanong nang magsalita siya.
"No! Kagigising ko lang eh" Reklamo niya sabay takip sa bibig niya. Napatawa naman ito at akala niya ay tatantanan na siya nito nang biglang hilahin nito ang kamay niya na pinantakip niya sa bibig sabay hila sa kanya at bago pa man siya makapa-react, nasa mga labi na niya ang mga labi nito.
BINABASA MO ANG
Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)
RomanceWARNING!!! MATURE content for 18 years old and above!!! If you're an INNOCENT or NOT AN OPEN-MINDED reader, please refrain from reading this story! "You're planning on leaving me again? Tell me, ganun lang ba ang tingin mo sa akin na pagkatapos pali...